134:(Road to forever)

9 0 0
                                    

Krissy pov:

This is it!

Huminga ako ng malalim, i was wearing a long white caramel gown while i was walking the aisle, charr red carpet pala hkhk, my heart beats faster than fast. Second time around, mararanasan ko ulit ang ikasal sa taong pinakamamahal ko.


Lahat ng mga taong nandito mga pamilya lang namin at kamag anak. Sa lotte hotel sa namsam, lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay namin ni jumin ang saksi ngayon sa kasalang ito, i saw jassy o jasfer napakaganda na niya, mas naiiyak pa to kaysa sakin.

Habang naglalakad ako, yong mga luha sa mata ko naglalaglagan pero alam ko sa sariling nakangiti ako, i saw tatay danny. Totoo ba to?  Nakikita ko siya sa harapan, parang siya ang ang father.


Pumikit ako, natigilan naman ang lahat. Ilang segundo din akong na stock sa gitna, dinig ko na ang bulungan ng mga tao sa paligid. Pero bakit diko magawang maihakbang ang mga paa?



Muli kong binuksan ang mga mata, naiyak ako dahil hindi ko na ulit nakita si tatay. Nilibot ko ang paningin, ang weird pero talagang nakita ko talaga siya nakangiti pa ito sakin. Gusto ko nang mapaluhod, sobrang nanlalambot na ang mga tuhod ko, paikot-ikot na ako hindi ko alam kong tama ba tong ginagawa ko.


Humagulhol ako ng pag iyak habang yakap ang dibdib, nabibingi ako sa katahimikan sa paligid parang lahat ata sila na shock sa ginawa ko. Naramdaman ko nalang na may kamay na humawak sa balikat ko.


"Ma?" niyakap ko ito ng mahigpit habang humahagulhol ng pag iyak, "Anak, may problema ba?" kumalas ako mula sa pagkakayakap, pilit itong ngumingiti pero halatang nag aalala.

"Hinihintay ka ng lahat lalo na ang asawa mo. Ano bang problema?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko "Ma, nakita ko si tatay" nakita kong nanlaki ang mata ni mama na parang gulat na gulat.


"Anak, baka dahil yan sa sobrang tuwa kaya kong anu ani nang nakikita mo" iiling-iling ako naman ako sa sinabi ni mama, "Hindi po ako pwedeng magkamali" "Ma, anong problema?" biglang sumulpot si kuya.

"Ah, hindi wala anak. Sobrang tuwa lang kaya siya nagkakaganyan" sasagot na sana ako nung pigilan ni mama, sinabi niyang wag ko daw papaghintayin ng matagal ang asawa ko sa altar hindi raw magandang pamahiin yon baka daw ma demonyohan ako at mag run away ako.


Napatingin ako sa direksyon ni jumin na halatang nag aalala, dina ito mapakali at alam kong gustong-gusto na niya akong lapitan pero pinipigilan lang siya ng mga taong nasa paligid niya.


"Pagbalik mo sa pinas, malalaman mo ang lahat anak" napatitig ko kay mama "Anong malalaman?" kinakabahan kong tanong "Saka ko na sasabihin, halika ihahatid kana namin ni kuya mo. Nag aantay na ang taong mahal mo" hindi na ako nakipag talo pa kay mama, umiyak nalang ako ng umiyak.

Pinilit kong ngumiti para hindi isipin ng lahat na may balak akong takasan ang kasal na to dahil ang totoo, wala na akong mahihiling pa sa buhay ko maliban sa mga oras na dapat saksi ang tatay sa kasalang to ngayon.


Lumakad na kami palapit kay jumin, nakita ko si jae wang at nginitian niya ako, napangiti ako yong ngiting totoo nung makita ko si mateo. Niyakap ko ito, sobra itong nagpapasalamat sakin, matapos ko itong yakapin ginulo ko ang buhok nito. Naiiyak naman ito, sana daw makahanap siya ng gaya ko. Sagot ko lang....

"DON'T FIND LIKE ME, CAUSE SOMEONES WAITHING FOR YOU WHO DESERVES THE LOVE YOU GIVE MORE THAN I GIVE" nakangiting sabi ko "Oh...gadd, i hate this i can't stop crying. Sounds bad" natawa nalang kami sa inasal nito.


Matapos, binigay na ako ni kuya at mama kay jumin. Hinawakan niya ang pisngi ko dahil wala akong suot na belo, pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. Sobra itong nag aalala para tanungin ako about kanina, sinabi ko nalang na di pa din talaga ako makapaniwalang ikakasal ulit kami para di na siya mag alala.



Ngitian niya ako saka sinabing, kahit kailan di siya magsasawang pakasalan ako kahit paulit ulit pa. Until we finished changing i do's hindi parin tumigil ang pag iyak ko masarap sa tenga ang mga binitawang salita nito, hindi ko lubos maisip na kaya niyang mawalan para lang sakin.


Mas gugustuhin niyang itakwil siya ng angkan niya para lang ipaglaban ako. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, isa lang ang gusto kong sabihin. “Hindi ko alam kong pano papasalamatan ang panginoon sa malaking biyayang ipinagkaloob niya sakin, yong simpleng hiling ko na makita ito at makapagpa picture lang as a souvenir magkakaron pala ng original coppy ang makasama siya hanggang sa huling yugto ng buhay ko” yan ang mga salitang binitawan ko.

Hanggang sa maglapat ulit ang mga labi namin, masasabi kong punong puno yon ng pagmamahal, nag uumapaw at walang hanggang yon ang pakiramdam ko.


Matapos ng kasalan, ilang pictures tapos sa loob ng lotte hotel kami dumiritso para sa reception. Garden wedding ang naganap kanina, Si gwen ang coordinator ng wedding at yong wedding planner ay walang iba kundi si jasper kaya para sakin mas perfect pa to, napaka romantic at sobrang ellegant.




Everyone's saying those memorable words of speech habang nakaupo kami ni jumin sa isang table sa unahan at masayang pinapakinggan ang mga salita nila.


Individually, saying those sweet words, unang nagsalita ay ang buong angkan ni jumin from the chairman na sobrang bless niya dahil nagkaron na siya ng apo sa talampakan kahit mamatay na daw siya wala siyang pinagsisisihan dahil alam niya sa sariling mapagkakatiwalaan si jumin sa lahat ng bagay.



Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni jumin, wala itong masabi. Umiyak lang ito ng umiyak, alam ko kung ano ang pakiramdam niya ngayon dahil minsang hindi naging okay ang relasyon ng pamilya nila dahil they competating their business kahit na alam nilang sila-sila din naman ang naglalaban.

Jumin, was the eldest grandchild of kimiro Lee, at halos lahat ng sumunod na anak ng angkan nila ay babae ang anak, at si mateo ang pinakabata kaya nakasalalay kay jumin at mateo ang lahat. I'm so glad, dahil sinabi nang papa ni jumin na walanh ibang tagapagmana ng lahat kundi ang anak namin.



Sa totoo lang, i never asked anything i only wanted to be with him. Kahit wala kaming kahit na ano basta makasama ko lang siya, sapat na sakin yon. Ang mamahay ng simple at payapa kasama ang taong mahal ko, pero mas higit pa dun ang biyayang ipinagkaloob sakin at hindi ko alam pano yong susuklian.


This life is too perfect.....

.

.

.

Update:

Sorry now lang nakapag udd bae, medyo busy lang. Pero salamat sa pagbigay ng oras sa pagbabasa nito. Alam kong busy din kayo pero naglaan pa din kayo ng oras to read this.

Salamwach😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon