62:(His blood)

7 1 0
                                    

Krissy pov:

Nagpunta nalang muna ako sa music room para tulungan sila mateo at joji. 2days from now gaganapin na ang pageant kaya alam kong kabado na silang pareho lalong lalo na si joji.


Napangiti nalang ako nung madatnan silang mukhang nagkakasundo na. Nag gigitara si mateo habang nakatingin silang pareho sa papel n pinakopyahan ko ng lyrics pareho silang kumakanta. Naalala ko tuloy nung minsan kumanta kami ni boyfie.



Sobrang kilig ko nun'

Napahinto sila nung maramdaman nila ang presensya ko. Ngitian ko sila saka ako suminyas na ipagpatuloy lang nila ang pagkakanta makikinig lang ako, ginawa naman nila. May ilang tuno ng lyrics ang tinatama ko, sinabi ko din na pagkumakanta sila with feelings. Wag nilang isipin na may ibang taong nakatingin, dapat sa mata ng bawat isa lang sila nag kakatinginan para mas mafeel nila at mas maintindihan nila ang pinapahiwatig nung kanta.


Nung malapit nang matapos ang kanta, pare-pareho kaming natigilan ng may marinig kaming naghihiyawan at nagtitiliang sa labas ng music room. Tumakbo papuntang puntahan si joji para tignan kung anong nangyayari.


Nakita kong napatanga ito kaya nagkatinginan kami ni mateo na parehong may tanong sa mukha. Yes.. As in a big question mark....

👇
👉💭⁉️❔❔❔❔❔❔❔❔❔.


Lalapitan ko sana si joji nung maaninag ko na ang taong pinagkakaguluhan ng lahat. Yes, pinagkakaguluhan siya! Madaming nakabuntot sa kanyang mga studyante habang di magkamayaw ang hiyawan at tilian. Parang slow mo ang bawat paghakbang niya, yong mga nakabuntot naman halos tumulo na ang laway, yon ang pakiramdam ko.


Maging ako napatanga sa nakita, sobrang cool ng hitura niya at sobrang gwapo. Feeling ko ibang jumin ang nakikita ko. Nakasuot ito ng tuxedo masyadong formal ang suot niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Anong meron? Bakit kailangan naka formal attire siya?



"Jum-" "Jagiya" nakangiting bati niya sabay pisil sa pisngi ko. Napatingin ako sa paligid, nakita ko sila ms. Jesu, ms. Janna, ms. vivian at ms. Laora na naki joined din pala sa mga studyante nila.


"What is the meaning of this?" takang tanong ko, "I surprised you" nakangiting sabi niya sabay kindat. Parang tumalon sa tuwa ang puso ko iba talaga pag siya ang gumagawa nun. Kinikilig ako sa pamatay niyang ngiti na may kasamang kindat.


Sandali akong napaisip, tinotoo pala talaga niya ang sinabing pupuntahan niya ako. Alam ko may trabaho siya ngayon. Pano kung matanggal siya? Pasaway talaga! "How about your work?" pang ignora ko "Don't mind it, i want to see you!" nginingiti-ngiti nito? Akala ata niya nadadala ako sa pagpapa cute niya.

"salanghaeyo jagiya" nakangiti niya pa ding sabi na tila ba kinikilig saka niya ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. Napapikit nalang ako saka nagsumilsik sa bisig nito. Nahiya ako bigla nung tumingin ako sa paligid. Lahat kasi sila nag aabang sa susunod na gagawin ni jumin tapos kilig na kilig pa.


"I feel shy?" pabulong na sabi ko, hinarap niya ako. Natawa siya bigla sabay bulong na ang pula daw ng pisngi ko. Napanguso nalang ako, binulungan niya ako na parang inaakit ako. Wag ko na daw uulitin na mag pout sa harapan niya. Nung tanungin ko kung bakit? Na t-temp daw siyang halikan ako.



Nahampas ko nalang siya sa dibdib. Tumawa lang ito, saka ako hinila palapit saka niyakap ng sobrang higpit. "Ayeeeeiiii...." halos sabay sabay na sabi ng mga studyanteng saksi sa ka cornihan namin pati ata sila ms. Jesu kinilig din.


Grabe ang reaction nila.


"ne namja chingu ya?" (Is that your boyfriend?) lahat kami napatingin sa direksyon ni mateo nung magtanong ito. Sumakto kasi ang pagtanong niya sa katahimikang naganap. "Hu? Ahm..." "nae dongsaeng?" (my brother) diko natuloy ang dapat sana'y sasabihin ng magsalita ulit si mateo.



MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon