19:(siya kaya yon?)

22 1 0
                                    

Krissy pov:

Kakaisip ko about sa unknown number diko napansin na nabunggo na pala ako sa matigas na bagay dahilan para mabalik ako sa realidad. Bandang alas siete na ng gabi nung magpasya akong umuwi may tinapos lang ako kanina pa ako lutang kaya diko natapos ang dapat sana'y tatapusin.

Bagsak na ang balikat ko sa sobrang puyat at masakit na ang mga bente ko sa 6 inches na suot na sandal, paniguradong sa higaan ang bagsak ko nito pagkauwi. Napaangat ako ng mukha ng marealize na di pala bagay ang nabunggo ko kundi dibdib ng tao? Ang tigas ng dibdib hu'

"mianhe" (sorry), paghingi ko ng tawad. Tinanggal nito ang suot na bonet saka ako tinitigan, bagsak ang buhok nito at shiny pa. Halos matanggal ang panga ko ng makilala kong sino ang masa harapan, singkit na mata, matangos na ilong, manipis na labi at maamong mukha na parang si..... "Jae wang?" nakaawang ang bibig ko at dilat na dilat ang mata na tila ba di makapaniwala sa nakikita habang nasa dibdib pa din nito ang kamay ko.

Grabe, hawig niya talaga si chanyeol na parang si kim myungsoo yon ang tingin ko ngayon natititigan siya ng malapitan, mas cute pa to sa inaakala ko. Kakasira sila ng utak ng iba kakaisip na sana makita sila tapos ngayon nasa harap ko na ang isa sa mga star na hinahangaan ko? What a precious nightmare?Tapos yong lading lady naman niya na si mina hae na hawig ni minsu. Tapos yong park dong min ko naman na napaka gwapo hawig lang naman niya si chan eun woo. Same sila ng mata at hugis ng mukha pati ngiti same din. Para talaga silang di tao pag nagsama sama. Naamaze ako sa ka kyutan nila wala ako masabi.

Nakita kong nginitian ako nito, nginitian ba talaga niya ako?

Dahan dahan kung inangat ang kamay saka sinundot sundot ang pisngi nito, i want to be sure if i was dreaming or not. Biglang lumakas ang dibdib ko ng marealize na di ako nanaginip, yong malambot niyang balat at maninipis, yong......

Teka, is he hug me?

Halos tumilapon sa ibang universe ang kaluluwa ko ng mapansin nakahawak ito sa may likuran ko na parang nakayakap, at sobrang lapit ng mga katawan namin, at parang .... Hmmmm.....amoy alak? Pero infiernes hu' ang bango pa din niya! Hanep, ano kayang alak ang tinira niya para maging mabango pa din ng ganyan?

Napapikit pa ako pero bigla akong napadilat ng mapansing may nag flash na camera samin? Masyado ba kaming PDA?
Naku naman, ni minsan diko naranasan na magkaro'n ng scandal video hindi porn na scandal literal na , ESKANDALO! That's my point!

"anyeong"(goodbye), paalam niya saka ako hinwakan sa wrists ko at hinila palayo sa lugar na yon. Hinahabol kami ng ilang kumukuha ng camera pero takbo lang kami ng takbo. Hindi ko alam kong anong lugar ang napuntahan namin ng huminto kami mukhang napalayo na kami kakatakbo.

Pareho kaming hingal na huminto napapahawak pa ako sa dibdib habang hawak ng kabilang kamay ko ang tuhod ko. Ito naman nakasandal sa pader at nakalagay ang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon nito at maghahabol din ng hininga.

"Grabeh, hiningal ako. Ang layo na kaya ng tinakbo natin." pagmamaktol ko. "mwo?" (what?), nanlaki ang mata ko ng maalalang di pala ako nasa pilipinas para kausapin siya gamit ang lengwahe ko, nasana'y lang talaga ako na kausap ng sariling lengwahe si aira kaya minsan nalilito ako ganun din naman si aira minsan mukha siyang tanga pag nagsasalita ng tagalog tapos yong iba puzzled their minds.

Isa pa, hindi ito ordinaryong tao kundi isa siyang sikat na artista laging siya ang bida sa halos lahat ng palabas nila ni park dong min pero mas sumikat si park dong min dahil magaling itong kumanta at sumayaw at higit sa lahat gwapo.
Pero, diko sinabing hindi gwapo si jae wang, lamang lang nito dahil napakahusay talaga nitong umarte, madadala ka talaga niya sa mga banat niya. Pareho naman talaga silang gwapo, at ngayon masasabi kong nagtataksil ako kay park dong min dahil, sa totoo lang krass siya ni aira pero feeling ko mas kinikilig ako kaysa sa kanya.

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon