99:(Welcome back)

9 1 0
                                    

Krissy pov:

"What did you feel?" nakangiting tanong ni jumin habang nasa biyahe kami. "Sobrang saya ko" masiglang sagot ko "Good!" natawa kaming pareho nung biglang tumunog ang tiyan ko. Nakalimutan kong kumaen dahil nagtampururot ako sa boyfie ko na may pa surprised palang hinanda.

Buong biyahe nag usap lang kami nang kung anu-ano. Tungkol sa mga plano namin sa buhay, ilan ang gusto naming anak natatawa ako kasi sabi niya isang dosena. Kaya sinamaan ko ito ng tingin, ano tingin niya sakin inaheng baboy?.

"Haha i'm just kidding, even we don't have kids. As long as i have you and you have me until were  getting older we still together that's is already enough for me." "Wow, ano yon parang pelikula pa din. Holding hands, 'till the last breath?" pabiro kong sabi. Kahit corny na parang di ako nauumay ganun ba talaga pag inlove ka?

Lahat ng panget, gumaganda sa paningin mo?

"More than that jagiya." nakangiting sabi niya saka hinalikan ang kamay ko na suot ang singsing na binigay niya. "Its actually fit to your hand" napatingin din ako sa kamay ko. Oo nga nuh? "My mom told me, once the ring is fit to your hand it seems like your distined to be" nakangiti pa nitong sabi.

"Talaga?" gulat na tanong ko "Yeah!" kalmado niyang tanong saka ito tumingin sa harap kaya napatingin na din ako. Teka, familiar ang lugar na to? "Jum-" "Were here" diko na natuloy ang dapat sana'y sasabihin nung magsalita ito ulit.

Di ako makagalaw, feeling ko naistatwa ako sa nakikita alam ko ang lugar na to pero bakit diko makita ang bahay namin? Hindi, baka ibang lugar lang to. Baka kaparehas lang. Tama baka nga.

Sabay na kaming bumaba, nilibot ko ang paligid. Familiar talaga sakin to. Napatanga ako nung tinuro ni jumin ang malaking bahay na dalawang palapag may kulay na puti at brown ng lining. Yong terrace sa taas kita siguro mula dito ang kabuuan ng nayon.

Kinakabahan ako habang humahakbang ako papasok ng bahay na diko naman ganun ka familiar. "Jumin" hinablot ko ang braso nito kaya natigilan din ito sa paghakbang "Kanino bahay to?" naguguluhang tanong ko natawa naman ito.

Sabi lang niya surprised daw niya to. Huminga muna ako ng malalim, unti unti niyang binuksan ang pintuan kasabay ng pagbukas ang pagputok ng kung ano sa taas ng pinto saka naglaglagan ang ilang palamuti sa katawan namin.

Ano to?

"SURPRISE" lumabas sa kung saan sila mama, si kuya, si aira, si jasper at si tatay na nakasakay sa weelchair. At marami pang iba, tumakbo ako palapit habang panay pa din ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko.

Niyakap ko sila ng mahigpit a group hug rather "Na miss ko kayo!" masiglang sabi ko. Naiyak na din sila mama tapos si kuya di nagpahuli nilapitan ako nito saka ako niyakap ng mahigpit pagkatapos ginulo pa niya ang buhok ko.

"Kumusta ang marriage proposal?" tanong ni kuya "Grabe bes... Kinilig talaga kami dun!" kinikilig na sabi ni aira. "Pano niyo nalaman?" naguguluhang tanong ko. Natawa sila sabay turo sa laptop, naka connect pala lahat ng nangyari sa moa kanina.

"Grabeh ang panget mo diyan!" pabirong sabi ni kuya na sinabayan pa niya ng pagtawa. "Kuya talaga" nahihiyang sabi ko habang nagpupunas ng luha "Joke lang syempre masaya ako. Kaso naunahan mo pa ako" emot niya "Mabagal ka kasi" pabirong sabi ko "Sira, masyado kalang excited kay kuya" natatawa niyang sabi dina ako nag salita niyakap ko nalang ito ulit saka niya ko ginulo ang buhok nito.

I miss this guy kahit na pilyo ito at napaka pasaway. Habit akong awayin at asarin pero lablab ko pa din to.

.

"Oh, kumusta ka bayaw?" baling niya kay jumin saka siya niya hinawakan ang kamay sabay hila then toast their muscles, "Okay lang" nakangiting saad ni jumin saka niya ako nilapitan para akbayan. "Tss..ingatan mo yang si yang si bunsoy kahit panget yan mahal ko yan" "Kuyah" tampong saway ko nagtawanan naman ang mga tao sa paligid.

Sila mama naman at aira kasama si jasper inasikaso ang mga kapitbahay namin para makakaen na. Ito na pala ang bahay na pinaayos ko, akalain mo yon dati panaginip ko lang nangyayari to pwede din palang magkatotoo?

I think, jumin is my lucky charm.  Haha

"Usapang lalake, dahil magiging bayaw na kita wag mong sasaktan si krissy" napatingin ako kay jumin saka tinanong gamit ang lenggwahe nila if naintindihan ba niya tumango naman siya "Pag niluko mo siya, bubugbugin kita hanggang sa wala ng makakilala pa sayo!" "Kuya naman ang bad mo, bakit ka ba ganyan?" "Bakit?" maangas na tanong ni kuya.

"Tinatakot mo siya" parang batang pagmamaktol ko na ikinatawa ni jumin. Kumaen na muna kami ni jumin kasabay ang lahat, nag usap sa labas sila kuya at jumin malapit sa may pool tapos sila aira tinulungan si mama. Habang busy ang lahat nagkaron na ako ng chance na malapitan at mayakap si tatay.

"Tay, kumusta kana?" pinilit kong ngumiti kahit naiiyak na ako. "A-a-na-hak..." tumulo nalang bigla ang luha ko kahit nagpipigil ako na di maluha diko pa din talaga magawa. Na stroke si tatay kaya hirap na itong magsalita, medyo natabingi na ang bibig nito at di na siya makagalaw ng maayos.


Naiyak ako dahil nasasaktan ako, "Ito ba ang kapalit nang lahat ng hiling ko tay?" naiiyak kong tanong "Natupad ko nga lahat ng pangarap ko pero ikaw naman ang nahihirapan" nakita kong tumulo na din ang mga luha sa mata ni tatay.

"A-na-hak, wal-la ka-ang kasal-a-na-an, ku-hung a-num-man a-hang na-ang-ya-ari sa-a-kin diyo-os lang ang nak-ka-alam" pinilit pa din nitong makapagsalita kahit hirap na hirap na.

Mas lalo ko pa itong niyakap, nagsumiksik ako sa may tiyan nito habang nakaluhod. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makitang nahihirapan ang mga magulang ko. Sa buong buhay ko, wala na silang ginawa kundi ang ibigay samin ni kuya lahat ng makakaya nila kahit hirap na hirap na sila.

Si mama naglalako ng kung anu ano, at nagkaron din siya ng pwesto sa palengke nung highschool na ako madalas man akong tuksuhin pero wala akong pakialam sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manira ng puri ng iba. Mga taong makakati ang dila akala mo walang problema, si tatay naman kahit ano nalang ang pinapasukang raket makapagtapos lang kami ni kuya sa pag aaral.

Masasabi kong worth it lahat, pero diko parin matanggap na nangyari kay tatay to. "Lahat ba talaga ng hilingin mo may kapalit? Bakit ganito pa?" emotional na sabi ko habanh hinahawakan ang mukha ni tatay.

Di ito sumagot, bagkus ay humagulhol lang ito sa pag iyak. "Tay, lahat po nang ginawa ko para sa inyo ni mama para sa ating pamilya. Pero diko naman po hiniling na mangyari to sayo?" naiiyak ko pa ding sabi "Alam niyo po tay, gabi-gabi yakap ko ang letrato natin nila mama. Kasa-kasama ko kayo kahit saan ako pumunta, kahit anong laban ko sa buhay kasama ko kayo kasi kayo ang buhay ko" nakatitig ako sa mukha nito.

Ibang-iba na ang hitsura nito, ibang iba sa tatay na nakilala ko na matapang at malakas, ngayon he's so pale and helpless. Ang sakit!  "Mahal kita tay, alam niyo po yon, kahit hirap na hirap na po ako pag naalala ko kayo kinakaya ko po nagiging malakas po ako dahil sa inyo, lalo na po nung nalaman kong nagkasakit ka. Magpalakas ka po tay, makikita mo pa ang mga apo mo samin ni kuya." pinilit nitong ngumiti kahit hirap na hirap na hinawakan ko ang kamay nito saka hinadkan habang panay ang paghikbi.

Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Diko talaga kayang makitang nahihirapan at nasasaktan ang magulang ko lalo na si tatay. Bakit ang bilis mo naman pong maningil, sana ako nalang ang pinahirapan mo wag lang sila.

.

.

.

.

Update:

Ayy...grabeh,

Sorry, guys yan na muna diko napigilang di maiyak eh. Ang lupet naman kasi ng mga pangyayari. Sorry ako yong nasasaktan hugot na hugot lang eh.

Hope u like it, salamat!😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon