113:(Broken heart)

8 1 0
                                    

Aira pov:
(Still....)

.

.

.

Mabilis kong narating ang hospital na sinabi nung tumawag sakin gamit ang cellphone ni krissy. Malapit ang hospital na to sa airport kung saan nakitang walang malay si krissy habang nakasakay siya sa eroplano.

Kinailangan isugod siya sa hospital, pansamantalang tumigil ang pagtibok ng puso nito at nag bleeding pa siya. Diko alam kung anong gagawin, hinanap ko agad sa may counter kong nasan ang kwarto ni krissy saka ako patakbong sumakay ng elevator.

Diko na nga alintana na buntis rin ako bawal maestress pero mas lalo akong maeestress kong diko malalaman ang kalagayan ngayon ni krissy saka ko na ipapaalam kina mama sa ngayon kailngan ko munang makita ang kundisyon nito.

At nung bumukas na ang elevator, patakbo akong lumabas habang tarantang hinanap ang kwarto ni krissy. May nakita akong babaeng mukhang stay wardess na palakad lakad at tila di mapakali. Nilapitan ko ito para tanungin, at di nga ako nagkakamali siya nga yong tumawag sakin.

Tinanong ko ito kung kumusta na ang kaibigan ko? Tinuro niya ang kwarto, aligaga akong pumasok, pero natigilan ako binalikan ko ang babae saka sana aabutan ng pera para sa pagtulong niya kay krissy pero sinabi lang niya na trabaho nilang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero nila. Bilang pasasalamat inabot ko nalang sa kanya anh calling card ko pag may kailangan kamo siya tawagan nalang ako saka ko siya pinasalamatan.

At nung lumakad na paalis ang stay wardess pumasok na ako sa kwarto. Nababalot ng takot at kaba ang dibdib ko lalo na nung makitang may oxygen at dextrose sa katawan nito. Nilapitan ko ito mukha lang itong natutulog pero wala pa ding malay at halatang problemado.

Kinuha ko ang cellphone para sana tawagan kaso naisip ko na kapag nalaman ni tope ang tungkol kay krissy paniguradong uuwi yon ng wala sa orad para masiguro ang kaligtasan ng kapatid baka kong mapano siya sa daan lalo pa't malayo ang biyahe nito.

Sa huli, mas pinili ko nalang na sarilihin na muna. Natigilan ako nung biglang tumawag si mama sonya, naisip ko na sabihin ang kundisyon ni krissy ngayon pero baka mapasama pa imbis na mapabuti alam ko kung gano nila kamahal si krissy at diko pa naman alam ang totoong nangyari kaya sa huli sinabi ko na muna kay mama na dumaan muna ako sa spa at boutique ni krissy para i check baka mamayang hapon pa ako makauwi, napaniwala ko naman ito.

Natitig lang ako kay krissy habang nakaupo ako sa isang sofa. Ano bang problema niya? Bakit biglaan naman ata ang pag uwi niya? Halos tatlong araw palang mula nung umalis siya, may problema bang nangyari?

Pero imposible naman atang magkakaproblema sila ni jumin na halos di nga sila mapaghiwalay.

Napatingin ako nung bumukas ang pinto "Relatives of the patient?" tanong ng doktora sakin, tumayo ako saka siya hinarap "Sister in law niya po ako. Ano ho bang nangyari dok?" enteresadong tanong ko.

"The patient is over stress, muntik na siyang makunan dahil wala siyang tulog, yong mata nito mugto kakaiyak. May problema ba kayo sa house misis?" napaurong ang dila ko diko alam ang isasagot.

"Wala naman po dok, ang alam ko okay pa siya bago siya lumipad papuntang korean" "Korea? Ano namang ginagawa niya dun?" sarkastikong tanong ng doktora "Koreano ang asawa niya at may negosyong inaasikaso, sinundan niya dun. Almost three days palang mula nung umalis siya okay naman siya nun masaya pa nga siya kaya nagtaka ako kung anong nangyari!" naguguluhang tanong ko.

"Okay, thanks sa info na yan. Makakatulong yan. Sa ngayon, kailangan mo na niyang mag stay dito kasi masyadong maselan ang pagbubuntis niya at mababa ang matres niya, swerte lang na malakas ang baby kahit stress at depress si mommy kumakapit pa din siya." kumunot ang noo ko sa paliwanag nung doktor.

"Teka, dok, depress? Pano ho siya ma d-depress eh wala naman silang problemang mag asawa?" depensa ko napabuntong hininga ang doktora "Alam mo bang mahina ang puso ni misis, kapag nagtuloy tuloy ang stress baka di lang ang baby ang mawala baka pati din siya!" napatanga ako sa sinabi ng doktor bago ito nag paalam na lalabas muna siya para mag ikot.

Mahina ang puso si missis...

..

.

Paulit ulit na nag p-play sa utak ko, mas lalo naman akong di mapakali. Sinubukan kong tawagan si jumin pero diko siya matawagan. Mas lalo akong kinahmbahan, hindi kaya may nangyaring hindi maganda kaya napaaga ang uwi niya?

.

.

Nakaidlip na ako sa upuan kakaisip, nagising lang ako nung maramdaman ko ang kalam ng sikmura. Lalabas sana ako nung marinig ang maliit na ungol ni krissy. Nanlaki ang mata ko nung makitang kumilos na ito kaya pinindot ang maliit na box na nasa wall para tawagin ang doktor.

Ilang segundo lang ang tumagal at dumating na din sila. Pinalabas muna nila ako para ma check si krissy. Di pa din ako mapakali, palakad lakad ako sa labas. After a few minutes lumabas na din ang mga doktor, lumapit sakin ang doktora na incharge kay krissy nakangiti niyang binalita na stable na ang kundisyon nito kailangan lang iwasan ang ma stress baka di na niya kayanin hangga't maari gabayan ito para di mamroblema.

Napangiti ako habang papasok ng kwarto ni krissy para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makitang gising na ito pero nakatingin lang sa kissame. "Ses, kumusta?" pinilit kong tatagan ang loob saka ko siya nginitian.


"Bakit ako nandito?" gulat na tanong niya. Nakangiti pa din ako kailangan kong magmaskarang masaya ako sa harapan niya saka ko na ipapaliwanag sa kanya kong anong kundisyon kailangan ko munang masigurong okay siya.

"Inatake ka kasi ng hika habang nasa biyahe" yon ang pinaka panget na dahilan na naisip ko. "Ganun ba? Kaya pala parang naninikip ang dibdib ko. Parang kinakapos ako ng paghinga" parang sinampal ako ng katotohanan sa sinabi nito.

"Kailan mo ba nararamdaman yan?" nag aalalang tanong ko "Ang alin? Yong hika ko? Alam mo namang bata palang ako meron na ako nun, ngayon lang ulit siya bumalik." Hindi hika, kundi yang kundisyon mo sa puso?

Gustong isigaw ng bibig ko pero pinipigilan ako ng utak ko.


"Alam ko naman yon, kaya lang diba nawala na yan. Kailan mo lang ulit siya naramdaman?" intrigang tanong ko "Nung nasa korea ako, nung malaman ko ang kundisyon ni tatay. Bigla nalang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib na para bang may malaking kamay na pumipigil sa paghinga ko" napatakip ako ng bibig kahit pilitin kong tatagan ang loob diko pala kaya.


"Aira, hui...okay kalang?" nabalik ako sa realidad nung magtanong siya. Tumulo na pala ang mga luha sa mata ko ng diko namamalayan "Haha kaluka, nadala ako dun sa drama mo, next time kasi wag kang aalis ng mag isa baka kong mapano ka buti nalang may nagmagandang loob na isugod ka sa hospital" pang iignora ko.


"Bakit ba kasi umuwi ka agad? Nasan si jumin? Bakit dika niya sinamahan? May problema ba kayo?" mga tanong na gusto kong bigyan niya ng kasagutan pero wala na akong narinig tanging hikbi lang nito ang narinig ko kaya nilapitan ko na ito para patahanin.


Sana lang mali ang nasa isip ko na may problema nga sila kaya siya umuwi ng biglaan. Baka diko na mapatawad ang sarili, dahil sa idea namin ni tope na puntahan ang asawa niya nangyari sa kanya to.... But, i need to know the thruth...

.

.

.

.

Update:

.hanep, daming ganap.

Hi to charlotte na always nagbabasa at naghihintay sa next update ng story na to. Tenchu po😘.

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon