20:(What the....?)

17 1 0
                                    

Krissy pov:

(six months later). . .

"Hui babae tumayo kana diyan, mag jogging na tayo!" sabi ko habang hinihila si aira para makatayo mula sa higaan. Tulog mantika kasi, kahit anong gawin ko ayaw bumangon. Naka suot ko ng sports bra at black na leggings tsaka ko tinali ng pataas ang buhok. Maya ko na patungan ng jacket ang suot ko pag nakalabas na ako alangan namang ganito lang suot ko?

Sexy ka gurl?

"Ayaw ko sumama!" matamlay na sagot nito habang nakadapa pa din at nakapikit "Bakit? Wala ka namang pasok ngayon ah' diba usapan natin kapag weekend mag j-jogging tayo tapos mamasyal. Diko pa kaya nalibot ang south korea six months na ako dito wala pa din...." malungkot na sabi saka nakapalumbaba sa tabi nito.

"Ikaw nalang, inaantok pa talaga ako." saka ito nagkunwaring humihilik pa. Diko na lang pinansin pa alam ko namang madaling araw na ito nakauwi dahil padami tinapos sa opisina nila. Laging pagod ito kung umuwi pero sabi niya kaya pa naman daw niya.

"Bahala ka na nga, basta bukas wala ng excused hu?" inangat nito ang kamay to sign na 'OKAY'. Tumayo na ako para isuot ang jacket saka ako naglagay ng headset sa loob ng building nalang ako nito mag j-jogging. Maghahagdan ako paakyat sa rooftop. 10th floor to at nasa ikalawang palapag palang kami kaya susubukan kong takbuhin yon ulit.

Lasts day sinubukan ko para akong lantang gulay nung makarating sa rooftop. Pero gaya ng motivation ko sa buhay na 'di ako susuko kahit anong mangyari. Go for the goal' kakayanin ko hanggang ma passed ko ang time na gusto kong maabot. Nung una halos abutin ako ng dalawang oras sa ikalimang palapag palang hingal na ako kaya inulit ko siya ng maraming beses lagi ko na siyang ginagawa pag umaga.

May nakakasalubong ako sa daan, mukhang magtataka sila bakit sa hagdanan ko naisipang mag jogging nginingitian ko nalang sila kahit naman pag usapan nila ako patalikod diko din maririnig dahil naka headset ako kaya bahala sila sa mga buhay nika basta wala akong inaagrabyado ano naman ngayon?

Bago ako umapak ng hagdanan, nag set mo na ako ng timer tsaka ko hinanap ang playlist ng music ay pinatugtog ang kanta ng music hero na 'kalawakan' one of my fav. Song. Nagsimula na akong mag jogging pero mas pinili kong di nalang suotin ang jacket kasi mas lalo akong hihingalin pag suot ko yon sagabal lang sa katawan yon. I was wearing sports bra na black then leggings na black din tapos rubber shoes at nakatali pataas ang buhok ko.

"wau, geunyeoneun aleumdawo" (wow, she's beautiful), "segsihan" (sexy), "tteugeoum" (hot), "gat-i gal su iss-eulkkayo?" (pwede ba akong sumama?), "eodiga? miseu?" (saan ka pupunta? Miss?), "naneun neoleul naegeollo mandeulgo sip-eo" (gusto kong mapasakin ka!) sunod sunod na puri ng mga nakakasalubong ko sa daan.

May ilang nababatukan pa ng kasamang babae napapatingin pa kasi sakin. Di ako bingi pag magandang compliment. Pero dahil may gusto akong ma achieved na time diko sila pinansin. Ayan na malapit na ako, kunti nalang ........ "YES I GOT IT!" tinaas ako ang dalawang kamay ng makarating ako ng rooftop.

Tiningnan ko ang time 26 minutes and 11 seconds? "Waaaaahhhh...i can't believe this, naachieved ko siya. Dati halos isang oras pa o kaya 45 minutes ngayon? Whaaaaaaaa...." nagtatalon ako sa sobrang tuwa saka tinawagan si kuya sa messenger.

Hinihingal pa din ako, tinanggal ko muna ang headset feeling ko kasi mas lalong mahahalatang hinihingal ako pag naka headset. Sumandal ako sa may wall, makikita mula rito ang kabuuan ng syudad at sobrang presko ng hangin kaya kapag malungkot ako dito ako nagpupunta para pansamantalang makalimutan ang lungkot.

Nakakalula pag nakatingin ka sa baba, sobrang taas kaya parang langgam na ang mga tao pag nakikita mo mula rito sa rooftop at ang mga sasakyan nagmumukha na silang mga laruan. Tanging builboard ng mga kilalang artista at endorser ang makikitang malaki maliban sa mga building na matataas naman talaga.

May ilang puno pa namang nakikitang nakatayo dito pero iilan nalang ata? Unlike sa pinas na napaka marami pa kaya lang nakakalabo dahil sa mga magt-troso at mga abusado. Dito sa korea alaga nila ang bawat pananim kahit puno makikita mo ang disiplinang ginagawa nila. Malinis na kapaligiran at maalaga sila sa nature t environment kaya siguro nakakalanghap pa din ng sariwang hangin kahit pa may ilang factories at inprastraktura ng nakatayo di mawawala ang preskong hangin in short not totally polluted pa.

"Oh panget, kumus....bakit ganyan ang suot mo hu?" magkasalubong ang kilay ni kuya. Napatingin naman ako sa suot saka ko tinakpan gamit ang kamay ang dibdib ko, "Ah nag jogging kasi ako kuya eh hehe" "Nag jogging kalang, kailangan talaga nakaganyan ka? Ang sagwa?" alam kong di ito nagbibiro kasi seryoso ang hitsura nito.

"Kuya naman eh, nakalimutan ko lang na..." "na ano?" atat nitong tanong nasa HQ ito madami atang report na tinatapos kaya ganun ang tupak "Na....naka sports bra pala ako hehe nakaiwan ko pala ang jacket para sana patungan tong suot ko" pagdadahilan ko. "Asan ka ba? Bakit ganyan suot mo?" suplado nitong sabi.

"Nasa rooftop!" "Ano?" pabulyaw nitong sabi na ikinalingon ng mga kasama niya pero walang paki si kuya sa paligid niya "Hi, faith kumusta kana?" singit ni gino na nasa likuran ni kuya "H-hi, okay lang!" ngitian ko ito saka ko pa kinawayan. "Umalis ka nga diyan, kita mo nag uusap kami sumisingit ka" sita niya sa kasama niya na naalarma naman.

"Oh ikaw landi mo, bakit nga ganyan suot mo si aira ba nagsabi niyan sayo?" angil nito. Para akong madodoling sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ni aira? Porke't di lang siya kinakausap ganyan na siya? Shunga talaga to!

"Hindi, ako lang may gusto. Isa pa nasa loob lang ako ng building ano namang masama dun?" depensa ko "Masama, dahil wala ako diyan pano kung may mambastus sayo hu? Aber?" Ayan inatake na naman siya ng pagiging 'OVER PROTECTIVE NIYA' my goodness!

"Ano namang issue yan, nag jogging lang naman ako" "Bakit? Para ano para magpapayat? Eh ang payatot mo na nga gusto mo pang pumayat? Baka umuwi ka ng buto't balat dito niyan!" gigil na sermon nito "Aist... Anong.... Para nag eexercised lang palibahasa baboy!" pikon na sabat ko "Sinong baboy?" gigil na tanong niya "Ikaw" "Ano?" "Oh siya babye na big bro....mwaaaah...mwaahh..." pinutol ko na ang convo namin alam kong pikon na ito kaya puro dada at sermon na ang aabutin ko nito.

Nagpicture muna ako yabang nasa rooftop. May emoterang pose, may wacky naman may naka nguso,may dumidila, nakanganga at singkit na mata pose at meron ding naiiyak. "Mukha akong engot!" bulong ko sa hangin habang iniisa isa ang mga selfie pic. Ko.

Nanlaki ang mata ko ng may makitang naka hoodie jacket sa likuran ko. I zoom in para mas makita, galing ito sa pinto lahat ng photos ko na captured siya. Paisa isa kong tinignan lahat yon parang naglalakad palapit sakin?

.

Napalingon ako para hanapin ang lalakeng naka hood dahil wala namang ibang tao dito kanina kundi ako lang and i saw a man who stand alone na nakatingin sa malayo habang nakasuot ng hoodie jacket. Medyo round ang porma ng rooftop at nasa may gitna ako at siya nasa malapit sa may daanan o pintuan papasok at palabas ng rooftop.


Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga baka kasi masamang tao ito, diko kasi nakita ang mukha nuto dahil nakayuko ito. Habang palapit ako sa direksyon ng lalake lumalakas naman ang tibok ng dibdib ko parang may kung anong naghahabulan sa loob.

Pero kung dahil sa takot, bakit di nangangatog anv tuhod ko? So ano yon puso ko ang may problema? Ganun? "sillyehabnida? seongsaeng?" (excuse me? Mister?) kinakabahang tawag ko, lumingon naman ito pero parang slow motion ang pangyayari. Feeling ko tatlong beses niyang inulit ang ginawang paglingon habang napapatakip ako ng bibig na tila di makapaniwala sa nakikita.


Totoo ba tong nakikita ko?





Update:

Hi! Kumusta?

Haha anong say niyo sa part na to? Sino ang taong naka hoodie jacket na humarap kay krissy? Bakit siya biglang nataranta? Gusto niyo bang malaman?

Hmmm....keep on reading ako bahala sa next part baby... Ayeeeeiiiii... MY BABY DAW? wutwut... Baka baby shark haha 😂😅✌✌✌

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon