34:(pag aalala)

8 1 0
                                    

Krissy pov:

Maaga na dismiss ang klase, habang naglalakad ako papasok ng building ng inuupahan namin nakita ko bigla si jumin kasama si mina hae? Bakit sila magkasama? Alam ko fan siya ni mina hae pero bakit sila nag uusap na seryoso? Anong meron?


Nagkubli ako sa isang sulok malapit sa may puno para di niya ako makita. Parang tumilapon ang kluluwa ko ng may biglang mang gulat sakin, napatingin ako and it was jae wang? Nakatingin din siya sa part na tinitignan ko habang nasa may likuran ko ito.


Feeling ko di ko makagalaw, sobrang lapit niya kasi.


Napatingin ulit ako sa direksyon ni jumin, sumakay sila sa itim na tintid na kotse. Parang kinurut bigla ang puso ko pero bago pa sila tuluyang maglaho tinignan mo na niya ang building tapos sa cellphone niya?


Feeling ko may tinatago siya.


"miseu?" napatingin ako kay jae wang na nakangiti. Dumistansya na ito sakin, tsaka sinabi kong pwede daw ba kaming kumaen sa labas? Diko alam pero kusa nalang akong sumam kahit feeling ko sumama bigla ang pakiramdam ang naramdaman ko ng makita si jumin n kasama ang idol niyang si mina hae.


Walang kami, pero bakit nasasaktan ako pag nakikita siyang may kasamang iba?


.

.

.

.

Fast forward:

Maraming araw ang lumipas, madalas na kaming kumakaen sa labas ni jae wang. Nasa headlines na.... 'he officially dating with a fan girl?' Tss...buti pa sila alam nilang fan ako ni jae wang ako kasi hindi! Alam ko, kay park dong min lang ako baliw!



Diko alam pano idedescribe yong pakiramdam na, masaya naman talaga ako habang kasama ko si jae wang. Kumaen sa labas, manood ng sine at kung anu ano pang pwedeng gawin ng magkasintahan. Sinabi din nitong type niya ako pero di pa naman sinabing mahal. Kaya di ako nag assume magkaiba parin ang diffination sa 'type' at 'love' diba?

Maraming araw na nalungkot ako dahil diko na nakikita si jumin, i think hinahanap ko ang presensya niya. Na mimis ko ang kakulitan at asaran namin. Pag natapat ako sa kwarto niya napapabuntong hininga nalang ako. Ewan iba ata talaga ang sayang nabibigay niya nun.

Asan na kaya siya? Busy kaya siya sa bago niyang trabaho? Bakit di siya nag text o tumawag manlang? Ano naman bang pakialama ko? Naalala pa kaya ako nun? Lumipat na kaya siya ng tirahan?



Lahat ng tanong ko nasagot ng makita itong papasok ng unit niya. Tumakbo ako palapit dito, marami akong tanong sa kanya, pero ngitian lang niya ako saka siya pumasok. Naiwan akong nakatanga sa labas ng unit nito. Bakit parang di na niya ako kilala? Nag away ba sila ng girlfriend niya dahil sakin? Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako?


Weekend ngayon kaya nasa bahay lang ako. Wala si aira dahil may meeting sila ngayon para sa team building daw nila. Nalibot ko na ang bahay, nakapag linis na ako, nakapag luto ng ulam. Nagawa ko na lahat pero di mawala sa isip ko si jumin.

Kinuha ko ang cellphone saka ito tenext kong kumusta siya? Busy ba siya last day? Iniiwasan ba niya ako? At kung anu ano pa. Pero ni isang text mula sa kanya wala akong natanggap. Pabagsak akong umupo habang napapaisip.

Beep... 1 message recieve.

From: unknown number?

"eotteohge jinae" (kumusta ka?), madami pa itong sunod sunod na text sakin, kung ano daw ginagawa ko? Kung pwede daw ba kaming magkita at ang mas malala tatanungin niya ako kung naaalala ko pa ba daw siya?

Malay ko sayo!

Tss... Sino naman kaya to? Feeling clossed lang? Grrrrr......

Siya na naman, ayaw naman magpakilala pag tinatanong ko saan niya nakuha number ko dina nagrereply. Shunga, di ikaw ang kailangan ko kundi si jumin.


Napabuntong hininga lang ako, tumayo ako para puntahan ito sa unit niya. Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng kwarto niya. Nag dadalawang isip ako kung kakatukin ko ba siya o hindi? Mukhang iniiwasan nga niya talaga ako, to think that way makes me cry again!


Sa huli mas pinili kong katukin ito, pero nakailang katok na ako di parin ito sumasagot. Kinabahan tuloy ako, pinihit ko ang doorknob pero di ito naka lock? Ang burara niya ah' pano kung pasukin siya ng masasamang loob. Tss, di manlang nag iingat!


"Jumin?" tinatawag ko ito nung makapasok. Sinara ko ang pintuan niya saka ako lumakad para hanapin ito. Nilibot ko ang unit nito. Naamaze ako sa nakita. Malinis ito parang di lalake ang nakatira mas malinis pa siya kaysa kay aira eh. Si kuya kasi burara din kasi yon.


Napatanga ako ng makita ang malaking painting sa wall niya it was mina hae. Pareho lang pala kami, yong kwarto ko puno ng mukha ni park dong min, nagmumukhang siya na ang may ari ng kwarto ko. Diko alam na ganun din pala siya die hard kay mina hae.



Ilang minuto na akong napatitig sa mga picture frame na nasa ibabaw ng mini table nito. Nakita ko bigla ang letrato ng bata na kasama ni jumin? Kung di ako nagkakamali, nasa 15 years old palang si jumin tapos yong batang lalake naman nasa 7 or 8 years old kung di ako nagkakamali.

Tinitigan ko ang letrato ng bata parang familiar parang.... Nabitawan ko bigla ang frame ng marinig ang maliit na ungol na nagmumula sa kwarto. Dahan dahan akong lumapit sa kwarto, laking gulat ko ng makita i jumin na nagsusumiksik sa makapal na kumot na parang nag dedeliheryo?


Nilapitan ko ito para gisingin, para kasing binabangungot ito. Natigilan ko ng mahawakan ko ito sobrang mainit siya, i mean nilalagnat siya. Napaisip ako pano siya nagkasakit? Naalala ko nung ilang araw ko na itong hinahanap lumabas ako tapos biglang umulan kaya naulanan ako, bigla nalanh siyang sumulpot na parang kabute saka tinanggal ang suot na jacket at nilagay sa ulo namin.

Basang basa na ito, pero wala itong pakialam hanggang sa makarating kami ng unit namin. Kinuha niya ang jacket saka ako iniwan. Diko alam pano i dedescribe yong feeling nung mag start siyang maging cold sakin na parang iniiwasan ako. Di ako alam anong dahilan niya, pero di na nakakatuwa. Satwing iniiwasan niya ako mas lalo ko namang hinahanap g presensya niya.


Iba sa nararamdaman ko kahit kasama ko ang kilalang artista ng korea. Para sakin, mas okay pa din na makasama ang kagaya kong ordinaryo lang. Satwing kasama ko si jae wang parang nakaw ang lahat ng sandali. Unlike jumin, na lahat na ata ng oras na ibigay na niya. Kung bakit kasi ngayon ko lang narealize ang kahalahahan niya?




Kumuha ako ng bempo sa drawer niya saka ako kumuha ng tubig para ipampunas sa katawan niya, ganun pa din mainit pa din ito, bakit pakiramdam ko nasasaktan akong makita siyang ganyan? Di ako sanay!



Mahal ko na ba ang taong to?





Update:

Heeeeeyyyyyy......

Mustamos? Haha naging alien na naman... Nga pala, how are you today? Today how are you? Hanoo daw?😂😂😂😂


Sorry, baliw na ata ako haha, peace salamat ulit. Lagi kong sasabihing salamat sa nagbabasa kahit magsawa kayo basta ako lagi lang akong mag t-thank u hehe...

Labyah😍😘




MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon