130:(Funny moments)

12 2 0
                                    

Krissy pov:

Fasts forward...

.

.

Maaga kaming nagising ni jumin, nakarating na kahapon sila mama kasama si kuya, ngayong araw kami mamasyal balak sana naming pumunta ng namsam pero biglang tumawag si jumin ngayon daw niya susurprisahin si jenny dahil birthday nito napangiti ako nung maalala ang regalong kotse ni jae wang sakin mismong birthday ko rin.

Napag disisyunan namin nila jumin na isama sila mama para makapag enjoy din, nakasunod lang sila kuya samin gamit ang motor ni jumin angkas niya si aira, si mama at ang yaya ni baby roy ang nasa backseat namin si jumin kasi ang nag d-dive..

"ganeun jung-iya" (I'm on my way), sabi ni jumin bago putulin ang tawag kay jae wang. "Ano sabi niya?" tanong ko kay jumin "Andun na siya" saad ni jumin nang hindi manlang ako nililingon nakatutok pa din ang maya nito sa pag d-drive. "Suplado" singhal ko na ikinatawa nito.

"Ma, dika po ba mapapagod sa pagbabantay kay baby daniel?" tanong ko kay mama "Naku anak, okay lang na mis ko din naman kasi itong baby boy ko, diba kuya roy mis na natin si baby danny?" tanong ni mama kay roy. Sumagot naman ito habang pinang gigilan ang pisngi ni baby daniel.

Mabilis naming narating ang changdeokgong palace, naiwan na muna namin sila mama sa may kotse babalikan nalang namin sila pag okay na ang area at pwede nang dalhin dun ang mga bata.

Nakapulupot ang kamay ko sa braso ni jumin, pareko kaming nakasuot ng shades bagay sa klima ngayon na pang summer. Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, this is one of my dream place here in korea.

Changdeokgung palace, one of the fine grand places built by the Joseon Dynasty in the 5th century around seoul. It was always preferred  royal residence. Its filled with pathways greenspaces,pagodas,streams, and lakes. Naalala ko pa dito din nag taping yong jewel in the palace at scarlet heart nila IU.

This is a perfect place to be.

.

.

Pumunta na kami kung saan andun si jae wang mukhang kabado pa ito. Ginulat siya bigla ni jumin nakatalikod kasi ito samin. Tawang tawa kami sa hitsura nito. Nag usap muna kami kung anong gagawin.

Tinawagan ko muna sila mama habang inaantay namin si jenny pinapapunta na namin sila para makita nila ang lugar na to alam kong gustong gusto nilang puntahan to. After a few minutes, suminyas si jae wang sakin dahil palapit na daw si jenny.

Dumistansya ng kunti samin si jumin, nilugay ko ang mahaba kong buhok bago niya ako yakapin ng mahigpit nakatalikod ako kung, tapos si jae wang nakaharap kung saan dadaan si jenny.

Kunyari, babae niya ako pero alam kong di mag wowork yon lalo pa't kilala na ako ni jenny kaya dali dali kong tinawagan si aira aayaw pa sana si kuya pero pinangakuan ni jumin na bibigyan niya ng bagong sasakyan ang luko tuwang tuwa naman.

Buti nalang bago pa dumating si jenny , nauna nang dumating si aira pinakilala. Tuwang tuwa naman si aira alam ko na kung bakit dahil crush na crush talaga nito si jae wang pareho sila ni jasper parang mababaliw kakatili at speaking of him, malapit na din itong bumisita dito sa korean diko lang alam kong kailan pero sabi niya surprise daw.

Pumwesto kami ni jumin sa di kalayuan, sila kuya naman at mama naglibang lang habang nag iikot. After a few minutes natatanaw na namin si jenny na mukhang hinahanap ng mata si jae wang. Madami ding tao ngayon dito kaya natatawa kami ni jumin malaking skandalo to pag pumalpak ang plano niya.

Narinig na namin ang sigaw ni jenny pero hindi dahil sa galit kundi dahil di siya makapaniwalang magagawang mangangaliwa si jae wang sa kanya. Si aira naman, ang bruha akala mo artista nagawa pang ipaglaban ang karapatan na akala mo totoong kabit.

Sa totoo lang kung hindi namin alam ang lahat ng to baka mapaniwala pa kami. Ang luka sarap batukan alam mo yong kabit ka na nga ikaw pa may ganang mangaway na akala mo ikaw ang original. Walang ibang ginawa si jenny kundi ang umiyak, naawa na ako at gusto ko na siyang lapitan pero sinabihan ako ni jumin na mamaya pa dapat kami papasok pag pinapili na ni jenny si jae wang kung si aira ba o siya?

At nung lalapitan ni jae wang si jenny na walang tigil ang pag iyak isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay jenny. Tumawa ng malakas si jumin na ikinalingon ko binulong niya sakin na black belter daw si jenny at yon ang kinakatakutan ni jae wang dahil kunting galaw lang niya sapol ang panga niya sa malakas na sipa ng asawa.

After a few minutes, dumating na ang pinakahihintay namin ni jumin ang mamili si jumin, nakatutok ang camera sa kanila ng hindi nalalaman ni jenny. Umiiyak pa din ito parang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid, napaisip ako dahil kong totoong gago si jae wang ganyan na ganyan din ang naranasan ko nung una kay jumin habang pinagbubuntis ko pa si baby daniel.


Lumabas na kami sa kung saan ni jumin, kunwari di namin alam ang mga pangyayari at tinatanong kong anong kaganapan habang nakaakbay pa din si jae wang kay aira. Si aira naman parang kinikilig na iwan pero pag nililingon sya ni jenny nagkukunwari itong galit.

Wow, artista ka gurl? Kaluka to, best actress ang gaga.





Walang tigil ang pag iyak ni jenny, ako naman kino-comfort ko ito pero ang lukong jumin trinatraydor si jae wang sinisiraan niya ito kay jenny habang sinasabing wag na niya ito papatawarin kahit kailan. Sinamaan ko ito ng tingin, si aira naman nanadya pa talaga kasi pumulupot pa sa braso ni jae wang saka sinandal ang ulo sa balikat ni jae wang.


Lumapit naman sa direksyon namin si kuya saka nagpakilala kay jenny na isa daw siyang wedding coordinator? Parang humaba ang panga naming lahat sa narinig, hindi ko alam kong pano namin dadagdagan ang sinabi nito dahil sa totoo lang hindi yon kasali sa plano ni wala ngang alam si aira sa kung anong sasabihin niya ngayon pinanindigan nalang niya.


Mas nagulat pa kami sa naging reaction ni jae wang nung may biglang sumugod sa kanyang tatlong lalake saka siya pinagbubugbog. Natigil lang nung sumali si kuya at jumin para ipagtanggol si jae wang. Dun lang namin nalaman ang lahat na kapatid pala yon ni jenny lahat, isa lang siyang babae at bunso siya sa magkakapatid kaya pala ganun nalang sila mag reak.

Wala na kaming choice kundi ang magsabi na ng katotohanan dahil ang gusto lang naman ni jae wang na malaman kong talagang mahal siya ni jenny lalo pa't ayaw sa kanya ng pamilya nito pero dahil sa nangyari mas gumulo ang sitwasyon.


Ako na ang nag explain sa lahat about sa pangyayari, napaniwal ko naman ang lahat lalo pa nung maipakita na namin lahat kay jenny ang pinaghandaan ni jae wang na napaka romantic, mas lalo pang napaluha si jenny nung unti-unting lumuhod si jae wang na napaka emotional habang nilalabas ang napakagandang singsing sa kanya.


Pati na din ako napaluha sa sobrang romantic ng pangyayari diko maipaliwanag kong pano idedescribe ang lahat ng nakikita sa paligid para talaga yong sa mga palasyong nakikita mo, napaka romantic as ever kakakilig ang pasabog ni jae wang.


Nagulat nalang ako kay jumin, hinapit niya ako sa beywang napapaluha na pala ako at binulong niya sakin na mas nakakakilig pa daw ang gagawin niya kaysa kay jae wang.


Bakit sinabi ko bang hindi? Kahit di naman niya gawin yon, madikit lang balat niya sakin kinikilig na ako, pano pa kaya kong gawin niyang mas higit pa dun di kaya himatayin na ako?




.

.

.

Update:

Ayan na muna sa ngayon, tenchu baby😘

Don't forget to comments down there below to know your feedback. Salamwach😘😘😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon