80:(Birthday gift)

9 3 1
                                    

Krissy pov:

Gulat pa din ako sa nakikita, di parin ako makapaniwalang si jae wang ang nasa harapan ko. Nag eexpect ba akong siya ang makikita ko? Nag goodbye na nga diba?

Nilapitan niya ako saka ako niyakap, nakangiti ito pero makikita ang bakas ng lungkot sa mga mata niya. After namin sa namsam dinala niya ako sa jeju islands. Unang beses kong nakapunta dito, pero naririnig ko na ang lugar na to.

Sobrang ganda ng lugar, pero kong iisipin ko lang mas madami pang magagandang tourists spot sa pinas na hindi pa na didiskubre at nakikita ng ilan. Isa na ako dun, gusto ko munang maglibot sa sariling bansa bago ibang bansa sana pero dahil kailangan ko nang trabaho napadpad ako dito.

Pero, yong pinaka dahilan talaga ng paglipad ko para makita ang crush kong si park dong min, diko inaasahang siya din pala ang magiging dahilan ng sugat sa puso ko.

.

.

.

Dinala niya ako sa isang kainan, habang kumakaen kami nahagip ng paningin ko si jumin. Tumakbo ako para lapitan ang lalake. "eodiga?" dinig ko pang tanong ni jae wang tinanong niya ako kung saan ako pupunta? Pero diko pinansin, hinanap ko ang lalake.

Nakita ko na ito pero nakatalikod ito, tinawag ko ito pero hindi siya si jumin, natawa ako bigla. Para na akong baliw kakaisip sa lalakeng yon kahit saan ako mapatingin siya ang nakikita ko? Ang weird naman.


"mianhe" nahihiyang tugon ko, tumango ang lalake bago ito tuluyang lumakad palayo. What happened to me?

Bakit di siya mawala wala sa isip ko? Kahit nagpaalam na siya bakit siya pa din ang nakikita ko? Nababaliw na ata ako kakaisip sa kanya.

..

Pabalik na sana ako sa table namin ng makasalubong si jae wang sa daan. "eotteohge doen geoyeyo?" (what happened?) nag aalalang tanong ni jae wang "Nothing, i lost my mind. I thought i saw him" diko alam kong matatawa ako o ano basta yon nalang ang sinabi ko.

Tinanong ako ni jae wang kung sino ang tinutukoy ko? Pero sinabi ko lang na asungot sa buhay ko. Natatawa pa ito pero halata namang pilit lang. Bumalik ulit kami sa table para kumaen. Itinuon ko nalang ang atensyon sa pagkaen at kay jae wang kahit manlang ngayon maramdaman ko munang maging masaya.


"saeng-il chugha" (Happy birthday), masayang bati ni jae wang "gamsahabnida" nagpasalamat na ako sa kanya. After naming kumaen, dinala niya ako sa isang lugar na may malaking garage.


Susuotan daw sana niya ako ng blindfold kaso ang corny naman nun msyado. Tama ka, corny nga ang mga ganung galawan.


Tinanong ko siya kung anong ginagawa namin sa lugar na yon? "wae na hante gyedan-eul ollaga?" (Why are you stairing at me?) takang tanong ko nung mapansing tinititigan niya lang ako.


Napakamot ito sa batok habang sinasabing... "dangsin-eun jeongmal gwiyeobda" (Your so cute), tila nahihiya pa niyang sabi. "geojismal jaeng-i" sinabi kong sinungaling siya? Duh' pati ba naman siya idadamay ko sa galit ko kay jumin?


"mianhe" nahihiyang sabi ko nung mapansing biglang umasim ang timpla nito. Tumingin ito sa malayo saka pasimpleng tumawa pero halata namang napipilitan lang "dangsin-ui aleumdaun araso?" sinabihan niya akong maganda naman daw talaga ako.


Eh ano pa nga ba, alangan namang umepal pa.

"If that's what you think, gamsahabnida" nakangiting sabi ko. Ginulo niya ang buhok. Para naman niya akong kapatid kong ituring lagi niyang ginugulo ang buhok ko eh. "neoege jul seonmul-iss-eo joh-ahagil balae" (I had a gift for you, i hope you like it?) napatingin ako kay jae wang nakangiti ito.


MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon