30:(Getting closser)

10 0 0
                                    

Krissy pov:

Suddenly, everything has stop yon ang pakiramdam ko. I don't know why, pero pakiramdam ko parang ang tahimik bigla parang wala akong nakikitang anuman sa paligid tanging siya lang. Bakit ganito? Ang weird naman!

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, kahit nung kay melvin. Never kong naramdaman ang ganito. Nilapit nito ang mukha sa mukha ko. Napapalunok ako, sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko, ramdam ko na din ang hininga nito.

"dangsin-ege kisuehaedo doenayo?" (pwede ba kitang halikan?), pakiramdam ko hindi na niya kailangan pang mag paalam pa. I'm willing to give my first kiss to him yon ang alam ko. Hindi ko alam kong bakit ganun nalang kabilis na nagtiwala ako sa gwapong nilalang na to. Feeling ko pag siya ang kasama ko, walang mananakit sakin, i mean parang secured at safety ako sa tabi niya.

Malapit ko ng maramdaman ang labi nito, as in nakanguso na ako ng biglang.... "Krissy?" bumukas ng malakas ang pintuan at iniluwa mula doon si aira na parang sasabog sa inis.  Napatingin ako kay jumin na nakatingin lang sa sahig pero nakangiti?

Anong meron sa sahig? Hello! Andito ako boi oh'.....errrr...nakakahiya, nakita niya kayang nakanguso ako? Kaya ba nakangiti siya ng ganyan? Aist, aira kasi epal!

Mabilis agad kaming naghiwalay ni aira, "Kanina pa kita hinahanap. Kung saan saan na ako napunta. Alalang alaala na ako sayo, buong akala ko may nanakit na sayo. Inisip ko...Yong mga die hard fanny ng love team nila jae wang at mina hae tapos andito kalang pala? Saan ka ba nagpuntang babae ka? At bakit kasama mo siya?" parang walang prenong sermon ni aira sakin.

Napatingin ako kay jumin na di mabasa ang reaksyon. Maybe, dahil di niya nagustuhan ang mga narinig? O baka di niya naintindihan? Haist, ibang klase din kasi mag alala ang beshie ko akala mo pinatay na ako sa reaksyon niya?

Wala siyang kasing astig, kala mo naman kakasa! Hmm...wag ako aira, duwag ka pa sa duwag.

.

.

.

.

.

.

Maaga akong nagising kasi nag text si ms. Jesu na kailangan maaga kami ngayon para sa nalalapit na exam after nun may event na magaganap sa school. At medyo late kami, kasi may ilang di nakakahabol. Sa class ko si mateo at joji ang mas active at mas marunong sa klase ko.

Although walang pakialam si mateo kay joji at maging si joji ganun din. Parang enemy nga yong dalawa kaya dina ako magtataka kong bakit di sila nagkakaintindihan.

"Nililigawan ka ba ni jumin?" biglang nagsalita si aira mula sa likuran no habang nag t-toothbrush pa ako. Umiling lang ako "Ganun, bakit lagi siya nag bibigay ng pagkaen sayo?" nagmadali na akong mag toothbrush para makaapaghanda na.

"Alam mo di porke't nagbibigay ng pagkaen manliligaw na. And dumi ng utak mo!" patay malisyang sabat ko "Eh ano yong nakita ko kahapon?" nag iwas ako ng tingin "Hu? Alin?" "Alin? Sus kunwari ka pa." saka niya sinundot sundot ang tagiliran ko, iniiswasan ko naman ito, nakikiliti na kasi ako, pinipigilan ko lang na di matawa eh. "Baliw, diko alam kung anong pinagsasabi mo" "Haha wag ako gurl, Kung di pa ako dumating baka di lang kiss yong naabutan ko baka..." tinakpan ko bigla ang bibig nito "Ang bad mo" pagkatapos, pumunta na ako ng kwarto para magpalit ng damit.

Ilang minuto palang ako kumakatok na si aira "Babae, para ka namang taga ibang planeta may pakatok katok ka pang nalalaman diyan. Pumasok kana kasi!" sita ko saka ako naglagay ng kunting powder sa mukha at liptint, inayos ko ang buhok pero bago yon i put maskara on my eye shadow para makitang makapal at mahaba naman talaga ang pilik mata ko kulang lang talaga to sa alaga, i mean nahihiya akong maglagay ng kung anu ano sa mukha ko feeling ko di ko makagalaw eh.

"Ses, labas kana diyan... Ayeeeei may bisita siya" tila kinikilig na sabi ni aira habang nakaharang ang ulo sa pintuan tapos papalit palit ng mata sa pag kindat. Tinarayan ko lang ito kunwari pero ang totoo natatawa talaga ako para kasi siyang ewan ng kulit din ehk, "Wala akong panahon sa kalukuhan mo" saka ko hinila ang pintuan para mabuksan muntik naman itong matumba buti nalang at nakahawak siya sa doorknob.

Pagkalabas ko ng pinto, para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng makita si jumin na bihis na bihis pa talaga. Actually, ang gwapo niya sa suot niya. Tinanong ko kung may lakad ito, sabi niya may pupuntahan lang daw siyang importante, interview ng inaaplayan niya daw.

Tanong ko naman kailangan ganun ang purmahan? Tawa ng tawa naman ito, sinabihan niya akong ihahatid niya ako sa trabaho ko aayaw pa sana ako, dahil feeling ko hihimatayin ako sa sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko ng biglang itulak ako ni aira palapit dito muntik pa akong mabuwal buti nalang at nahawakan niya ako.

Ang weird naman kasi ng feeling ko, bakit parang kinikilig ako sa mga ngiti at simpleng banat ng gwapong nilalang na to?

.

.

.

.

.

.

Other person:

Di maipaliwanag ni jumin ang nararamdaman, nakasabay niya si krissy. Tinanong niya ito kung saan ito nag t-trabaho sinabi nitong sa sungkungkwan. Natahimik siya bigla, tinanong iya ni krissy kung may problema ba? Sagot lang niya, dati siyang nag aaral dun. Di maipaliwanag ni jumin kung bakit ganun nalang ang sayang nararamdaman niya sat'wing kasama ito. Never siyang nakipag usap sa iba, at ayaw naman niyang mag take for advantage. Gusto niya ang dalaga yon ang pakiramdam niya, pero may hesitation sa part niya na baka hindi siya magustuhan ng dalaga lalo pa't may iba itong gusto. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganito? Feeling niya walang katulad si krissy hindi siya kagaya ng iba. Ang tanong pwede nga bang maging sila? Katulad ngayon, habang nag d-drive si jumin pasimple niyang tinitigan si krissy, may kausap ito sa cellphone. At alam niyang yon ang mahal ni krissy, kaya siguro di nito magawang tumingin sa iba. Para sa kanya, perfect si krissy. Napaka simple nito, walang kaarte arte sa katawan at masarap kasama. Makulit, at medyo pilya pero never niyang maiimagine na pwedeng maging sila. Alam niya sa sariling may mahal itong iba. Napabuntong hininga nalang ito, di niya kasi maitatangging gwapo ang lalakeng kausap nito. Tall, dark and handsome at mukhang mahal nila ang isa't isa the way na mag usap sila at magkulitan makikita sa mukha nila ang pananabik at pagmamahal sa isa't isa. Habang pinagmamasdan niya si krissy di niya mapigilang di mag isip ng kung ano, parang nakaramdam pa ata siya ng selos?. Masaya kasi ito sa pakikipag usap. Tawa ng tawa pa kasi ito habang may panguso nguso pa siyang nalalaman sa kausap niya na mukhang nag eenjoy din naman. Bago pa matapos ang pag uusap nila sinabi pa nito ang magic word ng nagmamahalan ang salitang 'i love u' feeling niya nabigo siya ng maraming beses dahil sa pag aassume na pwedeng maging sila ng babaeng nais niya. Nung makarating sila ng sungkungkwan university, bago bumaba si krissy sinabi nitong bumaba muna siya para maipakilala siya sa mga kapwa niya guro. Tumanggi agad siya, ayaw niyang may makaalam na kahit sino tungkol sa totoo niyang pagkatao. Gusto niya ng tahimik na buhay at ayaw niyang magulo yon. Ang pinakamagandang nangyari sa kanya, ay nung time na guluhin ni krissy ang tahimik na buhay niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman imbis na magalit siya bakit di niya naramdaman yon? Bagkus ay; natuwa pa siya sa pagdating nito sa buhay niya. Para bang may kung anong dala ito. Dapat sana wawakasan na niya ang walang kwentang buhay niya pero biglanh dumating ang babaeng gaya niya? Para kay jumin, malaking pagkakamaling nagustuhan niya ang isang gaya ni krissy, na walang maipag mamalaki gaya ng inaasahan ng iba. Pero para sa kanya, to be with her is more than anything else. Sana lang talaga, dumating ang araw na matutunan niya rin akong mahalin. Tanging nasambit ni jumin habang pinagmamasdan si krissy na pumasok sa school. Wala siyanh ibanh nasabi kundi.... 'wala itong kasing ganda', she's tall, slim, nice, very sweet, responsible, at higit sa lahat lovable. Iyakin nga lang. Di niya maiwasang di mapangiti sat'wing  naiisip niya ang mga oras na sinusundan niya ito para lang iligtas, ngayon lang ata siya nag alala ng sobra sobra......



Update:

Sorry, now lang ulit, na busy si ateng ... Luma lablyf na din kasi hehe...

Salamat again and i love yah all, about pala sa ibang stories ko saka na po yon hehe nag enjoy na ako dito. After nito tatapusin ko yon my loves hehe😚

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon