104:(Great fighter)

6 1 0
                                    

Krissy pov:

Nakapili na kami ng kwarto ni aira, magkabila lang para alam namin pinag gagawa ng dalawang to. Paranoid na kung paranoid, kinabahan ako pag kasama ni kuya si jumin feeling ko may gagawin silang di maganda, kahit pa kapatid ko yon diko pa din maiwasang di mainis.

Kinakausap ako ni jumin pero diko pinapansin. Kahit nakakaramdam ako ng guilty sa pang iignora ko sa kanya nilalabanan ko pa din. Sabay kaming bumaba para kumaen, nasa baba na sila kuya at aira na mukhang di pa din okay. Pinagtataluhan pa din nila ang nangyari kanina.

After naming kumaen, napag isipan namin nila kuya na magswimming sa pool na muna bukas nalang kami maliligo sa dagat tapos mag b-bonfire para masaya.

Nagpaalam muna kami ni aira para makapag rest room naduduwal na naman kasi ito. Sinabihan kong magpahinga na muna ito sa kwarto pero ayaw nya baka daw malingat lang siya nikikipag laro na pala sa apoy ang kapatid ko.

Like what i have said, mahirap labanan ang praning na utak. Pero mas mahirap labanan ang selos. Madalas nagiging dahilan ng tampuhan at away yon.

Teka, speaking of; di kaya nahihirapan na si jumin sa pang iignora ko sa kanya?

.

"Okay kana ba?" tanong ko kay aira, nung makita kong okay na ito. Inaya ko na ito na bumalik na. Pero wala na sila kuya sa table namin. Nagkatinginan kami ni aira, nakaramdam na naman ako ng tensyon mula rito kailangan pigilan ko na siya baka magsawa o maumay ang mga lalake dahil sa pagiging selosa at nega namin.

"Teka, hayaan lang natin sila. As long as na wala naman silang gagawing masama" "What? Naririnig mo ba ang sarili mo?" eretang tanong ni aira mukhang galit na nga ito.

"Relax kalang okay? Tayo pa din ang asawa nila kaya lahit sino pang ahas ang umaligid sa kanila satin pa din ang punta nila" "Sayo? Oo, pero sakin? Ewan ko lang!" nakaramdam ako ng awa at lungkot sa narinig mula kay aira.

Dipa kasi si kuya nag p-propose sa kanya, minsan sinasabi ni aira na baka bata lang daw ang kailangan ni kuya at hindi naman talaga siya. Baka pinag titiyagaan lang siyang makasama ngayon dahil buntis siya. Dahil dun, diko maiwasang di mainis kay kuya dahil naiintindihan ko ang side ni aira kung ako ang nasa sitwasyon niya malamang mararamdaman ko din yon.

Hinawakan ko ang kamay ni aira, saka ko siya kinausap ng maayos dapat maging sweet lang kami sa dalawang ugok na yon. Kailangan maramdaman nilang hindi kami iba sa kanila.

At nung sumang ayon na ito, inakay ko na ito papuntang pool at di nga kami nagkamali. Nasa may pool sila habang nakababad ang mga paa sa tubig at umiinom ng wine habang napapaligiran sila ng mga babae.

Naka topless sila at tanging swimtrunk lang ang suot nila, sobrang hot at ang gagwapo nila lalo na si jumin na exposed ang mapuputi at makikinis niyong balat, nakaramdam ako ng matinding selos kahit di niya pinapansin ang mga babae andun pa din sila, kaya diko mapigilan ang sariling makaramdam ng ganito. Diko masisisi kong madadarang sila sa mga babaeng nakapalibot sa kanila magaganda at mga sexy ang mga ito. Kita ang mga kurte ng katawan nila sa mga swim wear nila.

"Papakabog ba tayo?" pilyang tanong ko kay aira "Nope!"  confident na sagot nito kahit buntis na ito maganda pa din ang katawan nito at di halatang buntis parang umbok lang ng puson dahil masyadong maliit ang tiyan nito.

Sexy naman talaga si aira, kaso kulang siya ng height plot 5 lang siya kumpara kay kuya na 6'2, pag kasama namin siya nagmumukha siyang bunso tawag nga sa kanya dati ni kuya duwende. Kaya duda akong nainlove na ganun kabilis si brother.

"Excused me?" napatingin ang mga babaeng kanina pa kinukulit si kuya at jumin actually apat sila. "Grabeh ang init, sarap magbabad girl!" saka ko tinanggal ang suot na mainipis na damit at tinapon ko yon sa direksyon ng mga babae.

Sinamaan nila akong ng tingin pero ngumisi lang ako, ngayon nakasuot na  ako ng black pair of undies at bra na pang swimming. Nakita kong napalunok si jumin sa nakita kaya mas lalo akong ginanahan sa ginagawa.

Tinanggal ko ang tali sa buhok saka ko ginulo. Ang sasama lalo ng tingin ng mga babae, si kuya naman pinapag bihis ako. Di na nakapag tanggal ng topis si aira dahil akmang tatanggalin palang niya nung pigilan na siya ni kuya.

"Wow, pare ang ganda ng babae" "Sexy ah" sabay sipol ng ilang lalake na nandun sa area na yon na halos kasing edad din nila kuya "Hi miss can i get your name?" biglang may lumapit sa direksyon namin ni aira at nilahad kay aira ang kamay kaso biglang kamay ni kuya ang nahawakan ng lalake.

"Gusto mong mamatay?" maangas na tanong ni kuya saka grinippings ang lalake, nangangalaiti ang lalake sa galit lalo na nung itulak siya ni kuya dahilan para bumagsak siya sa tubig ng pool.

"Wow pare, masyado ka naman atang protective. Kung sabagay di rin kita masisisi!" sabay lapit sakin at hinapit palapit sa kanya habang hawak ang beywang ko. "Di kalang maganda sobrang hot mo pa" napalunok ako sa takot nang mga sandaling to pero di ako makagalaw masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sakin "Ang sexy mo, at ang bango" habang inaamoy amoy pa ang buhok ko.

Nakaramdam ako ng takot sa lalakeng lumapit sakin, sa totoo lang gwapo siya kaso mukhang manyak "Gago ka ah. Huwag mong mabastus bastus ang kapatid ko lalo na sa harapan ko" sunggab ni kuya sabay sapak sa lalake. Lumapit na din ang ilan, saka nakipagsuntukan kay kuya pero di nq nagpaawat si kuya nakipagsuntukan lang siya. Pinipigilan ko na ito pero gaya ng nasa isip ko kalabanin nyo na ang lahat huwag lang si kuya di niya kayang kuntrulin ang sarili, pag galit siya galit talaga.

Masyado itong low tempered!

  Kinabahan na ako maging si aira di narim mapakali. Di naman ganito ang gusto naming mangyari.
Gusto lang naman namin ni aira na patunayan kay kuya at kay jumin na maling tumingin sila sa ibang babae. Dapat kami lang, pero di namin inaasahang magiging ganito.

Akmang susugod na naman ang lalake nang biglang mag flying kick si jumin. Nagpaikot ikot pa ang katawan ng lalake sa ere na parang slow mo bago ito tuluyang bumagsak sa lupa.

Lumapit pa ang tatlo pang kasama para sugurin si jumin, pero parang kidlat ang pag galaw nito sa isang iglap lang nakahandusay na ang tatlong lalakeng sumugod kay jumin at walang malay.

Napatakip ako ng bibig, si aira naman yakap na si kuya para awatin sana pareho din silang nagulat sa ginawa ni jumin, "Whoooaaa....that's my boy!" proud na sigaw ni kuya, ako naman parang naparalize na sa nakita din ako makagalaw sa kinatatayuan.

Dun ko lang din napansing samin na pala nakatitig ang lahat. May ilang staff at securities na ang lumapit para alamin ang mga pangyayari. Tumistigo ang ilang nakakita  samin pero ang mga babae kanina ang sasama ng tingin.

Yong apat pala dun sa nabugbog kasama nila diko alam kong boyfriend o ano. Kasi tinulungan pa nilang makatayo ang mga yon. "Jumin, okay kalang?" makapigil hiningang tanong ko.

Blangko ang expresyon sa mukha nito habang di ako sinasagot, kumuha siya ng robe na hiningi niya sa staff saka niya ibinalot sa katawan ko yon habang sinasabing wag akong maghuhubad sa harap ng iba kung ayaw kong makapatay daw siya.

Sa tuno ng pananalita nito kahit di siya umamin alam kong galit ito "mianhe, jagiya!" parang maiiyak na ako. Kasalanan ko to eh. Di niya ako pinansin hinila niya ako papasok habang nakasunod naman si kuya.

"Kuya sorry" pahabol kong sabi, hawak pa din ni jumin ang pulsuhan ko. Di kumibo si kuya kaya nakaramdam ako ng takot. Bakit ngayon ko lang napansing magagaling pala sila makipaglaban.

Para silang mga great fighter sa mga palabas.

.

.

.

Update:

Pasensya kong mabagal akong mag udd.

Surna bebe... Salamwach sa pag waiting😘 labyah

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon