82:(Asungot)

8 1 0
                                    

Krissy pov:

Kinuha ko ang sling bag ko para sana umalis. Wala akong oras para makipagplastikan. "Ow.....she's her" ngiting plastic ang pinakawalan nito, saka pumulupot sa braso ni jumin. Di naman mabasa ang reaction sa mukha ni jumin. Ano pa bang bago?




"Did you already till her?" anong.... Kumunot bigla ang noo ko saka ko tinignan sa mata si jumin. Gusto kong sabihin niya sakin kung anong gustong sabihin ng babaeng epal na yan?

...

Kusa akong umalis sa lugar na yon, diko na nga namamalayang tumulo na pala ang mga luha sa mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig. Talaga bang kailangan niyang ipamukha sakin yon? Anong tingin niya nagtagumpay na siya?

Ano bang nagawa ko sa kanya, para paulit ulit niya akong saktan?

..


(days passed....)

Maaga akong pumasok, sumakay ako sa kotseng binigay sakin ni jae wang. Almost 2weeks na ang nakakalipas simula nung magkita kami ni jumin at ang babaeng naglakas ng loob na sabihing .... Ikakasal na sila?

Damn it!


.

Bakit satwing naalala ko ang ginawa nila, paulit ulit na sinasaksak ang puso ko sa sakit. Ano bang ginawa ko para saktan mo ako ng paulit-ulit jumin? At bakit dika mawala-wala sa isip ko ilang beses mo man akong saktan.


.

"annyeonghaseyo" masayang bati ni joji nung makasalubong ko siya sa daan. I nod at her as a response saka ito sumabay sakin papasok. Madami itong kini-kwento, sinabi din niya kung pupunta daw ako sa rehearsal ng kuya niya? Pupunta nga ba ako?

.

.

After kung magturo, madaming kaming napagkwentuhan tungkol sa pagkapanalo nila mateo at joji. Madami ang nabago sa buhay ni joji sabi pa nga nya nung nanalo daw siya parang  nag iba na ang tingin sa kanya ng lahat. Parang ang ganda daw na niya. Maganda naman talaga siya!


"Okay class, what can you say about..." "sillyehabnida" diko natuloy ang dapat sana sasabihin nung biglang sumulpot si mr. Kang "annyeonghaseyo" niyuko ko ang ulo para batiin si mr. Kang.


Sinabi nitong pinapatawag daw ako ng head director "wae?" gulat na tanong ko. Pero di na ito nagsalita pa, seryoso ang hitsura nito. At alam ko kung sino ang head director yon ang papa ni jumin.


"Ma'am, can i take you to his office" biglang saad ni mateo. "No thanks" ngiting sabi ko saka ako lumabas, pero bago yon nag iwan ako nang mga sasagutan nila.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang opisina ni mr. Lee, diko talaga maiwasang di kabahan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalong lalo na nung mabuksan ko na ang pintuan nito.


Nakaupo ito sa swivel chair niya at nakatalikod ito sa may pinto nakatutok ang mata nito sa labas ng building kita ang kabuuang lawak dito dahil puro salamin ang bintana. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga. Bakit kaya pinatawag niya ako bigla? Ano pa bang kailangan niya? Wala na kami ng anak niya so dapat pa nga magpasalamat siya.


"annyeonghaseyo?" bati ko, di parin kasi ito humaharap sakin kaya mas lalo akong kinakabahan. Diko talaga alam kong anong kailangan niya para ipatawag ako. Alam ko pag pinapatawag niya may importanteng pakay. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon, diko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko.


MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon