28:(Walanghiya)

13 0 0
                                    

Krissy pov:

Nakita ko ang lungkot sa babae nung lagpasan niya ako, napatingin ako kay jumin na blanko ang reaksyon. Tumayo ako saka nilapitan ang babae, kinausap ko itong bumalik sa table namin, "bogo sipji anh-a" (Ayaw kita makita diba?) supladong sabi ni jumin sa babae ng makabalik.

"I call her!" matapang na sabat ko, pero tinaasan lang ako nito ng kilay saka kumawala ng buntong hininga "yeogie chinjeol hae" (kaya dapat maging mabait ka sa kanya", may halong pambabantang sabi ko. Tinanong niya kung anong ginagawa ng babaeng yon, sabi ko lang na mag pipicture kami together with this girl?

Bago pa siya makapag react "Say, cheese...." isang shot ang nakuha ng babae. Pilit lang ang pag ngiti dun ni jumin. Natatawa tuloy ako sa hitsura niya dun, mukha siyang baby na ayaw sa katabi. Umupo ako sa tabi ni jumin saka ito inakbayan, nakangiti ako yong babae nakatayo at siya ang nakahawak ng camera paharap para makuhaan lang ng picture si jumin na mukhang umiiwas sa camera.

Pagkatapos, bumalik na ako sa pwesto ko nagpasalamat naman ang babae bago bumalik sa table niya. Para siyang bata, sobrang saya niya habang pinapakita ang letrato namin sa mga kasama niya. Akmang tatayo na si jumin para puntahan ang babae at burahin ang picture ng pigilan ko. Napaihip nalang ito sa hangin at pabagsak na umupo.

"neo baegopeu ni?" (gutom kana ba?) nakangiting tanong ko pero di niya ako pinansin. Hanep, diko alam na marunong palang mag suplado to? Sabagay, suplado naman talaga to nung una kaming nagtagpo. Kahiy na, wag ako boi, di sakin uubra yang angas mo. Bakit sino ba nagsabi sayo na dalhin mo ako sa lugar na to? Kung diba naman shunga"

"Suplado!" angil ko "yongseo?" (paki ulit?) "I said, dangsin-ui jal saeng-gin!" (Sabi ko, gwapo ka), oh diba remix haha. Diko alam pano idedescribe hitsura niya nung sabihin ko yon para siyang natatawa na pinipigilan? Namumula na ang ilong at tenga nito., parang kinilig ata siya? Pero saan naman? Sa babaeng yon?

Hmmm....aayaw ayaw pa hu' kinilig naman pala!

"gwiyeobda" (cute) diko napigilan ang sariling kurutin ang pisngi nito. Pinilit kong abutin ang mukha nito kahit na may mesang nakaharang sa gitna. Napapaaray naman ito pero nung bitawan ko parang ngumiti pa. Mukhang nagustuhan niya ang ginawa ko.

Pareho kaming natigilan, nung magsalita ang waiter bitbit nito ang order namin. Namin talaga? Utang mo yan gurl, wag kang assuming.

Madaming inorder si jumin? Halos lumuwa ang mata ko,nakailang balik ang lalakeng waiter lahat yon order ni jumin para sa table namin? Parang di ata mag kakasya sa table namin yon, kaya pala natagalan.

Kimchi,Bibimbap, Red rice cakes(tteokbokki), Bolgogi, Korean stew(jjigae), jajang myeon, samgyeopsal at ang pinaka favorite ko sa lahat ang bibim neng myun o spicy noodles.

"What the....andami nito?" wala na akong pakialam kong naintindihan niya ba yon o hindi basta ang alam ko lang, nag ningning ang mata ko ng  makita ang masasarap na korean foods na talagang pinagmamalaki at mamahalin mong talaga.

Nilantakan ko ang pagkaen, at nakangiting hinirap si jumin "neumo mas-isseo" (ang sarap nito), manghang sabi ko habang ngumunguya pa din, feeling ko ang kapal ng mukha ko kasi namumukol ako pa ako tila ba di ako napapaso kahit pa umuusok pa ang pagkaen.
.

Nakailang subo na ako pero di pa din umaalis yong waiter, nakatayo ito sa dulo ng table malapit kay jumin at nakatingin samin. Gusto ata niyang makikaen? Naiilang ako tuloy di ako sanay na may nakatingin habang kumakaen. Natigilan din si jumin saka napalingon sa direksyon na tinignan ko sa waiter.

Tinanong ni jumin kong anong pang tinatayo tayo niya diyan? Halos mailuwa ko lahat ng kinaen ko sa sagot ng waiter "geunyeoneun cheonsa gatda" (para siyang anghel), sagot nito, napatingin ako kay jumin pero sinamaan niya ng tingin ang lalake, "geuyeoga jeh-a" (parang gusto ko na siya). Hanno daw?

Hala siya, si kuya oh' adik ata!

Nataranta ang lalake ng biglang hawakan ang kamay niya at grinipings ni jumin, ako ang nasasaktan sa ginawa ni jumin sa lalake. Namimilipit ito sa sakit,tapos sinabi pa niyang umalis na siya sa harap namin bago pa siya mawalan ng trabaho.

"Why you do that?" gulat na tanong ko pero di ako nito pinansin bagkus ay pinagpatuloy ang pagkaen. Nakaramdam ako ng takot, parang ibang jumin na ata ang nakikita ko at hindi yong jumin na mabait at gentlemen. Para siyang sinapian ng masamang spiritu ng sabihan ako ng lalakeng yon.

Kumaen lang kami ng kumaen, wala itong pakialam sakin. Di ako ganun kagaling humawak ng chopstick kaya nag kutsara at tinidor na ako. Pero bakit parang di siya nahibirapan sa pagkaen gamit ang chopstick? Ganun na ba siya kabisaha?

Busog na busog ako sa dami ng nakaen. Diko ineexpect na ililibre ako ng kapit bahay ko? Nagpaalam muna ako para mag rest room, habang nasa may cubicle pa ako narinig ko ang ilang babaeng pinag uusapan ata si jumin ata? Nilapit ko ang tenga sa may pintuan para mas marinig ko ang pinag uusapan sa labas mukhang hindi si jumin yon kasi ang sabi, kaya pala di na nag artista si park dong min dahil nag bagong buhay na to. Pinili ang tahimik na buhay kasama ng girlfriend niya?

Si park dong min, dina artista? Nag bagong buhay kasama ang girlfriend niya? Kung ganun malapit na siyang magkaron ng sariling pamilya? Kaya pala diko na siya nakikita.

Lumabas na ako ng banyo,nung wala na akong marinig na nag uusap sa labas, napahawak ako sa dibdib ko habang nakatitig sa salamin. "Mag aasawa na siya?" para akong tangang kinakausap ang sarili. Feeling ko na broken heart ako sa narinig.

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala dahil sa narinig pero wala akong karapatan isa lang akong hamak na fans ni park dong min at kahit kailan di niya ako papansinin kahit pa magunaw ang mundo never kaming magtatagpo.

Bagsak ang balikat ko at tila walang lakas, para na akong lantang gulay dahil sa natuklasan. Diko inaasahan yong taong naging dahilan ng paglipad ko para marating ang dream land ko nag laylo na pala. Huhu, ang sakit naman, mas masakit pa sa broken heart to!

"Aray..." napahawak ako sa noo ng bigla akong mabungo sa likuran ng lalakeng nakatayo malapit sa male's room.  Bakit ako nandito? Anong gingawa ko dito? Ganun na ba ko kalutang?

"mianhe seongsaeng" (pasensya na po sir), para akong naistatwa ng humarap ito sakin "Faith/melvin?" sabay naming tawag "Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong niya. "Sinusundan mo ba ako? Wow, so it means di ka pa din nagbabago ako pa rin ba ang mahal mo kaya ka ba nandito para sakin?" diko alam kong nagyayabang siya o nag fefeeling lang. Ang yabang eh! Ano ako hello? Pagkatapos lukuhin, okay pa din? Ano yon unlimited pasensya lang? Ganun?

Diko alam pano mag rereak, after a few minutes na nakatitig ako dito...
"Walanghiya ka!" buong lakas ko itong sinapak, saka ako tumakbo palapit sa table namin ni jumin gulat itong napatingin sakin lalo pa't nakita niya kong pano ko sinapak ang gagong yon. Sa totoo lang masakit ang ginawa kong pananapak, pero walang kasing sakit ang ginawa niyang pang iwan sakin nun!

Hayop siya, sa lahat ba naman ng lugar na pwede kaming magtagpo ulit dito pa talaga? Walang kasing sakit ang ginawa niyang pag iwan sakin nun, pero bakit ganito ang puso ko akala ko wala na siyang puwang pero bakit pakiramdam ko nasasaktan ako at nanabik pa din? Bakit? Bakit ganito? Ganun na ba ka stupido tong puso ko.




Update:

Opppssss....whoooooooaaaaa.... Sino naman kaya si melvin? Hanep daming boylet ni ateng....ganda ka gurl haha...

Gusto niyo bang malaman kung sino si melvin? Anong papel ni jumin sa buhay ni krissy? Gusto niyo na bang malaman? Hmmm....... Dali basa ulit, samahan mo ako. Alamin na tin😯😊

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon