123:(Recovery)

11 1 0
                                    

Krissy pov:

Fasts forward...

.

.

Two weeks later...

Unti-unti ko nang binuksan ang mga mata, dinig ko na ang pag iyak ng sanggol. Pinilit kong kinilos ang katawan pero parang diko siya magalaw. Tanging mga daliri lang ata ang kaya kong igalaw sa mga sandaling to.

Medyo malabo pa ang mata ko, pero may naaninag akong tao na karga-karga ang isang baby habang masayang pinapadede. Habang tumatagal, unti-unti naring naging malinaw ang paningin ko, unti-unti ko na din siyang nakikilala.

Jumin?

Pinilit kong magsalita, pero bakit pakiramdam ko walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko, at hinang-hina pa din ang katawan ko.

"Ju-ju-mi-hin?" feeling ko mapuputulan ako ng ugat sa leeg habang binibigkas ang pangalan nito. Nakita kong nanlaki ang mata nito habang tinitignan ako, naninigurado kong totoo ba ang nakikita niya?

"jagiya?" gulat na tawag niya, naramdaman kong nabasa ang pisngi ko, umiiyak na pala ako ng hindi ko nalalaman. "Gising na ikaw?" naramdaman ko ang saya at excitement sa maga mata nito.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone habang karga pa din ang baby. Teka, baby ko na ba yan?Pinilit kong galaw ang kamay, saka ko hinawakan ang tiyan. Nagulat ako nung maramdaman kong maliit na ulit ang tiyan ko. Hindi nga ako pwedeng magkamali, siya na nga anh baby ko.

Mas lalo kong naramdaman ang sunod sunod na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko, pero halos nakanganga lang ako dahil walang halos boses na lumalabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit?

Maya-maya napansin ko na ang mga nakaputing damit ng tao papalapit sa direksyon ko, yong baby na hawak ni jumin inabot niya sa isa pang babaeng nakaputi, kahit natatakpan siya nung mga taong lumapit sakin. Nakikita ko ang bakas ng pag aalala sa mukha nito.

Nilapit ng doktor ang isang bagay ba parang maliit na flashlight saka niya tinutok sa magkabilang mata ko. Madami pa silang ginawa sa katawan ko, may dala itong makapal na notebook saka sinusulat ang mga bagay na ginagawa niya sakin..


Matapos ang ilang minuto, isa-isa na silang lumabas kasama na si jumin. Naguguluhan ako sa mga kaganapan. Bakit kailangan pa nilang lumabas? Ayaw ba nilang ipaalam sakin ang mga bagay-bagay.

Napabuntong hininga nalang ako, ilang segundo lang naman ang itinagal bumalik na ulit si jumin pero nakangiti na ito. "Jagiya" nakangiti niyang sabi saka umupo sa gilid ng bed. "Kumusta ikaw?" saka niya hinawakan ang kamay ko habang yong isang kamay hinahaplos ang pisngi ko.

Tinitigan ko lang siya, diko alam kong anong sasabihin, o mararamdamang ngayong kasama ko na ito ulit. "Jagiya, i've been waiting for you to awake. My baby and i was so happy to see you again. Buo na ulit tayo!" nanabik nitong sabi, makikita sa mata nito ang mga kinang wala nang bahid nang anumang kalungkutan gaya nung una kaming magkita ulit bago ako manganak.

"Jagiya, i want you to be healthy ang strong again. I will marry you again, but this time i will assure you we will legally married not only here but ofcourse in korea also" hinayaan ko nalang ang mga luha sa mga mata ko. Nakangiti ito habang sinasabi yon pero may bahid ng mga luha sa mata.

Literal na speachless talaga.

"Jagiya, i miss you so much, i miss you so damn much. Without you i feel incomplete, my life has no direction, i become lonely, my life was so misserable. I was nothing without you jagiya. I'm so sorry if i never fight what love would be for us. Sorry for being so selfish, sorry for everything...." humagulhol lang ako sa pag iyak habang yakap niya ako, pinatong niya ang ulo sa dibdib ko habang panay ang paghikbi.

A million of sorry's always making me fine. Mahal ko talaga siya. Ilang beses ko mang pakiramdaman ang puso, siya pa din talaga ang tinitibok nito.

.

.

Nakauwi na kami ng bahay, si mama ang nagkarga kay baby. Jukris Daniel ang pinangalan sa kanya, si tatay daw ang nagsabi sa kanila nuna. Nakaalalay si jumin sakin sa lahat ng gusto kong gawin.


"Are you hungry?" tanong ni jumin, umiling lang ako. "Si baby?" tinignan niya muna ako na parang bang... 'seryoso?' , he kissed my forehead saka ito lumabas para kunin si baby sa kabilang kwarto.


Halos umabot na sa tenga ang mga ngiting pinakawalan ko nung makitang karga niya si baby. Nakangiti din ito, hiniga niya si baby sa may bed namin. Nilalaro lang namin to hanggang sa nakatulog na ito.

"Thank u for caring our baby" nakangiting sabi ko kay jumin, kinuha nito ang crib sa kabilang kwarto, nilipat niya sa kwarto ko saka hiniga si baby. Pinagmamasdan ko lang siya, nakangiti ako habang ginagawa nya yon.

Ako na ata ang pinakamswerteng tao sa mundo, pero bakit diko manlang magawang magalit sa likod ng mga nagawa niya sakin.

.

.

.

Other person:

Wala nang mapagsidlan ng tuwa si jumin. Masaya siyang makitang malusog na ulit ang asawa. Pinagmamasdan niya ito habang mahimbing na natutulog. Bumaba na muna siya, nadatnan niya ang kuya tope kasama ang anak nito sa backyard at naglalaro ng basketball. Nakatayo lang siya habang masayang pinagmamasdan ang mag ama. After a few seconds, lumabas na din si aira na may dalang juice at sandwiche. Nagkwentuhan na muna sila, at nung mapansin ni tope na nandun pala si jumin hinayaan na muna niyang maglaro ang anak saka siya nakipagkwentuhan kina jumin. Masaya silang nagkkwentuhan ng kung anu-ano nung biglang makita si krissy na nakatayo sa likuran nila at tinanong kung pwedeng makipagkwentuhan samin? Pare-pareho pa silang napaisip pero sa huli wala din silang nagawa lalo pa't umupo na ito sa tabi ni jumin at tinawag si baby roy at nakipagkulitan. Nakakaramdam pa din sila ng takot at kaba, pero habang tinitignan nila si krissy na masigla at mukhang okay naman, napapawi ang pag aalala nila. Pero para kay jumin, unti-unting nag iba ang pakikitungo ni krissy sa kanya hindi niya alam kong galit pa ito o dahil bago na ang puso nito. Tingin niya parang wala na itong pakialam sa kanya. Nakakapanibago man para sa kanya pero kahit kailan di niya ito susukuan, ngayon pa ba na alam niyang wala naman talaga itong minahal kundi siya. Gagawin nito ang lahat para unti-unting bumalik ang tiwala nito sa kanya.

.

.

.

Update:

Malapit na akong matapos, hope you like it. May magaganap na twists, para mas intense at maganda ang magiging ending.

.

Godbless!😇

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon