138:(At last)

18 1 0
                                    

Krissy pov:

Nangangatog ang tuhod ko, kusa nalang akong napaluhod habang malayang dumadaloy ang mga luha sa mga mata ko.

Kaya pala di ko na siya nakikita, nababaliw na ako kakaisip sa kanya dahil pala dito.


"Tay, ang daya mo naman. Ito ba ang sinasabi mong gusto mong mabuo ang pamilya namin ni jumin? Ito ba ang sinasabi mong pagtupad sa pangarap ko? Pero bakit? Lahat ng pangarap ko alam mong kasama kayo lagi ni mama diba?" hinayaan ko lang na bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.


"Kaya pala pakiramdam ko ibang tao na ako. Kaya pala may piklat sa may dibdib ko. Ilang beses ko mang tanungin ang lahat walang may gustong sumagot" halos wala na akong boses kakaiyak.


Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin habang nakaluhod ako "Patawarin mo ako anak, patawarin mo kaming lahat kong inilihim namin to sayo lahat." umiiyal na sabi ni mama.


"Pero bakita ma?" humagulhol pa din ako sa pag iyak "Anak, ito ang gusto ng tatay mo" "Bakit hindi niyo siya pinigilan?" tinabig ko ang kamay ni mama saka ako tumayo at hinarap si kuya.

"Bakit panget, bakit dimo sakin sinabi? Bakit dimo pinigilan si tatay na gawin yon hu? Diba nangako kang gagawin mo lahat" paninisi ko kay kuya, nag iwas lang ito ng tingin kaya nilapitan ko ito at pinaghahampas ko ang dibdib nito.


Pinigilan na ako ni mama at aira para mailayo kay kuya "Hindi naman ito ang gusto kong mangyari eh" "Bakit sino bang may gustong mangyari yon hu? Sino bang may gustong mawala si tatay hu?" gigil na sabi ni kuya habang hinahawakan ng pwersahan ang magkabilang braso ko.


"Hindi mo alam kong anong nararamdaman namin nung mga sandaling yon. Nag aagaw buhay ka, at kailangan naming mamili kong sino sa inyo ng anak mo ang mabubuhay" para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Sa tingin mo ba wala akong ginawa? Lahat ginawa namin, pero di kami swenerte nung mga panahong yon hanggang sa..." binitawan na niya ako saka tumalikod at napasuntok ng malakas sa hangin habang umiiyak.

"Wala na kaming ibang choice nun kundi, ni hindi na nga namin alam kong saan kami pupunta. Lahat ng pwedeng maging donor mo halos lahat nag aalangan" dama ako ang bigat na dinadala ni kuya kaya pala kahit nakangiti ito parang walang ligaya sa mga mata nito at nagkataon pa na palagi silang nag aaway ni aira dahil sinisisi nito ang sarili pero kailanman ay hindi siya sinukuan ni aira.



"Pero bakit, bakit ginawa ni tatay yon?" napaupo na ako sa lupa habang panay parin ang pag iyak, si jumin naman napaka blangko ng expresyon sa mukha. Parang ayaw niyang makita akong nagdurusa at nasasaktan gaya ng sinasabi nila kaya iniwasan nilang malaman ko ang katotohanan.


"Krissy, si tatay ang may gusto nun" seryosong sabi ni kuya "Bakit nga?" parang diko parin tanggap ang katotoohanan kaya gusto ko pa ding malaman. "Dahil....." hinintay ko ang sasabihin ni kuya hindi ko alam kong bakit.

"....si jumin ang pwedeng mawala sayo  pag nagkataon" napatanga ako sa narinig. "Anong ibig mong sabihin? Sabihin mo ano? Napaka walang kwenta mong tao." gigil na sigaw ko, ito ang unang beses na nagkasagutan kami ni kuya. isa isa ko silang tinignan, may kanya kanya silang expresyon sa mukha.



"Tama na, hindi mo pwedeng isisi lahat ng nangyayari sa kuya mo. Hindi mo alam nang dahil sa pagkamatay ng tatay mo sinisisi niya hanggang ngayon ang sarili niya." napatayo ako sa narinig mula kay aira.


"Buong buhay niya inalay sayo, alam mo ba yon? Siguro nga hindi, dahil masyadong mahalaga ang love story niyo ni jumin kaya dimo napapansin ang pamilya mo o ang kuya mo nahihirapan kakainirindi sayo. Wala kang ibang ginawa kundi ang buuhin ang lovestory mo habang ako at ang kuya mo durog na durog at tanging anak nalang namin ang tanging dahilan ng pagsasama namin" nakita ko ang mga luha sa mga mata nito.


"Aira, sorry wala akong alam" "Alam ko, kailan mo ba malalamang nasasaktan din kami? Lalong lalo na ang kuya mo, hindi mo ba alam na muntikan na din siyang mamatay. Muntik na siyang madisgrasya nung mamatay ang tatay mo para lang madugtungan ang buhay mo at sabihing walang kwenta ang kapatid mo na siyang dahilan ng pagbabalikan niyo ng asawa mo" napatanga ako sa narinig.


"Tama na aira" awat ni kuya "Hindi kailangan niyang malaman ang lahat. Yong sinasabi mong walang kwenta, halos patayin niya si george para lang pakiusapan si jumin at magbalikan kayo" nilapitan ko ito saka ko ito hinawakan sa kamay pero di niya ako tinignan.


"Sa totoo lang gusto kong magalit sayon, dahil sa mga rejection na natatanggap ko sa kapatid dahil mas inuna niya ang kapakanan mo kaysa samin na pamilya niya. At ang mas malala, never kong naramdaman na naging parte ako ng buhay niya" saka niya tinanggal ang kamay ko at kumaripas ng takbo habang umiiyak, hinabol naman siya ni kuya.



Napatakip ako ng bibig, nilapita ako ni jumin para yakapin, "Anak, gusto nang makipaghiwalay ni aira sa kuya mo dahil hirap na siyang pakisamahan ang kuya mo" hindi ko alam kong anong sasabihin.


Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay jumin, sinabihan ko silang baka pwedeng iwanan na muna nila ako, gusto kong makausap ng sarilihan si tatay. Naintindihan naman nila ako, pero sinabi ni jumin na kapag gusto ko nang umuwi o may kailangan tawagan lang siya.


"Tay, mali bang binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay? Kung may pagkakataon ako na makausap ka bago ka mawala sana napigilan pa kita. Mas nanaisin ko pang mawala kaysa ganito. Ilalaan ko lahat ng lakas ko hangga't kaya ng puso ko na mailuwal ang bata dahil alam ko namang hindi niyo siya pababayaan. Kaysa ganito, pakiramdam ko, hindi lang ako basta nagbago. Nasira ko pa ang samahan ni aira at kuya. Tay, sabihin mo naman ow' ano bang dapat kong gawin para maging okay ulit kami. Mahal ko kayong lahat, tatanggapin kong wala kana nang dahil sakin ang hindi ko lang matanggap ang pagbabago ko na nagdulot ng kaguluhan sa buhay nila kuya"


Umiyak lang ako ng umiyak. Ayokong pagsisisihan ang mga bagay bagay kung may nagawa man akong mali, if i could turn back the clock mas gugustuhin ko pang ako ang magdusa kaysa may mawala ni isa man sa kanila.


Sana lang mapatawad pa ako ni aira, sana may magawa ako para sa kanila ni kuya.


.

.

Update:

Lasts episode ko na yong next part sana mapatwad niyo ako if may hindi maganda ang ending, basta ginawa ko ang lahat para lang maging maganda ang takbo ng storyang to.


Gusto ko ring magkaron ng inspirasyon sa inyo to, i mean gaya ni krissy nangarap din akong mag karon ng oppa haha, kaya binubuhos ko nalang ang oras at panahon sa mga ganito. Ako ang gumagawa ng sariling love story ko by writing here.

Hope you like it!

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon