27:(Getting to know more)

19 0 0
                                    

Krissy pov:

Gulat na gulat ako ng makita si jumin, sinabi pa nitong napadaan lang siya tapos napahinto nung may marinig siyang kumakanta. Di daw inaasahan na bukod sa pagiging maganda, maganda din pala anv boses ko.

Ene beh, simpleng banat lang. Pufff....kinikilig na ako!

"Aaaaaaaarrrrgfffffff.........." napatitig ito sakin, maging ako nagukat din napalakas pala ang boses ko. Pabulong ko lang na sinasabi yon tapos biglang narinig niya? Gusto ko lang naman na, maglaho dahil sa sobrang kilig at syempre hiya, di naman ganun kakapal ang face ko nuh para di makaramdam ng hiya?

He ask me, if may gagawin daw ba ako ngayon? Sabi ko wala naman, baka mag mukbang lang kami ni aira habang ka video call sila mama. Napakamot naman ito sa batok at biglang nagseryoso ang mukha nung tanungin ko kung bakit? Bigla nalang niya akong hinila palabas. Buti nalang at nakaligo na ako di ako magiging mabantot.

Ikaw ba naman tangayin at dalhin sa kung saan.....Actually ganito ang nangyari, tahimik ito habang hawak ako sa pulsuhan at inaakay palabas ng building naghagdan lang kami kasi ayaw gumana ng elevator at buti nalang naka doll shoes lang ako kaso naka turtle neck na dirty white at jumper na maong below the knee kaya naiilang ako.

Kaya ang lagay hinahatak ko pababa ang suot na jumper kasi di ako sanay na maiksi ang suot lalo pa't may kasama akong engkanto este gwapo, sa buhok naman ang ayos ko ay simpleng tali lang ng buhok, naglagay ako ng ringban na ginawang hairbond dahil nga sa di ako prepare at naglilinis lang ako, di ako nakapag retouch manlang. Paniguradong hahanapin ako nito ni aira pagbalik.

Tinatanong ko ito kung saan niya ako balak dalhin. Sinakay niya ako sa itim na kotse. Diko alam na may kotse pala to, mukha pa namang mamahalin to? Magkano kaya ang ganito? '1 million, 2 or 3? Kinukulit ko siya sa bagay na yan pero sabi lang niya hiniram lang niya to sa kakilala.

Wow hu' ibang klase yang kakilala niya  mukhang imported!

Habang nasa kahabaan kami ng biyahe papuntang jupiter dahil di ko alam kung anong planeta o destinasyon nandun kami, kinukulit ko ito kung saang kami papunta? Kasi tahimik lang ito habang nakatuon ang atensyon sa harap in short, busy ang mata sa pag d-drive, hindi sakin. Pahingi naman diyan...kahit kunting pagtingin kung mang gagaling sayo' hanoo daw? May virus ata sa utak ko kung anong sumasagi ehk!



Dapat sana prepared ako kasi, ito ang unang beses na mapapadpad ako sa ibang parte ng korea. Ngayon may ikkwento na ako kay mama palagi niyang tinatanong kung maganda ba ang korea? Palage lang oo minsan kasinungalingan pa para lang mapaniwala silang nalibot ko na ang korea kasi aasarin lang ako ng magaling kong kapatid pag nagkataon.

Nababagot na ako,tahimik lang ito di ba mapanis laway niya? 'Hello kaway kaway naman diyan' sarap sabihan ng ganun. Nakailang tanong na ako,pero iisang tanong lang naman di pa masagot? After 10 years nagsalita rin ito kaso ......Sabat lang niya, 'akala niya tahimik akong tao, mas maingay pa pala ako sa latang walang laman' natatawang sabi niya..

..arrayy...bakit sa lata ako kinumpara? Of all things talaga? Seriously ses? Grrrrrr...... Ganun na ba talaga ka walang laman tong utak ko at sa bibig ko ang preno? Grabeh siya....

Natahimik nalang ako, saka ibinaling ang atensyon sa labas. Nagagandahan ako sa nakikita kaya natahimik nalang ako, puna niya wait lang daw ako may ipapakita daw siya sakin? Makalaglag panga ang pagkakasabi niya nun.

Ano kayang ipapakita niya? Waahhhhh...naku naman wag naman yong 'ANO' niya, i'm not ready for that!

Nagsusumiksik ako sa gilid habang napapapikit ng biglang huminto ang sasakyan? Napadilat ako pero wala na si jumin sa tabi ko nakababa na pala ito. Umikot ito para buksan ang pintuan ng kotse, inilahad pa nito ang kamay, medyo nahihiya ako.... Asshhhh...may nahihiya bang akala mo pag aari si kuya? Nagkunwari kasi akong nahulog pero sinalo niya ang lagay nakahawak ako sa leeg nito as in sobrang lapit namin.

Ang gentlemen naman ng pogi kong friennie......wutwut....

Ang kinis at ang nipis ng kutis niya, para siyang babae. Ang nipis ng lips parang ang sar......"Krissy?" husky pero baritonong boses ang lumabas sa bibig nito "mianhe" nakangiting sabi ko saka ako bumaba. Ehk, muntik na ako dun...hmm...para paraan!

"What kind of place is this?" nakangiting tanong ko habang nililibot ang paningin, tinuro niya ang exclusive at malaking kainan dun ko lang napansin na restaurang pala ang napuntahan namin. "W-what are we doing here? I mean, its too expensive. I-i know this resto....its Pierre Gagnaire am i right?" tumango ito ng nakangiti. "And....ahm, according to my research pierre gagnaire was located in SEOUL?" nanlaki ang mata ko, naniningkit naman ang mata nito lalo habang gumuguhit ang matamis na ngiti sa labi na tila natutuwa sa naging reaction ko.

"Were in seoul?"  tatango tangi naman ito "ne, naneun igeos-eul salanghanda" (Oo, at gusto ko dito), kaya pala nasa malaking garage ang kotse niya dahil nasa sikat na reataurant pala kami? Wow, hanep, paniguradong mamahalin ang mga pagkaen diyan. At sino magbabayad? Naku fatay, mukhang matatae ako ng wala sa oras pag ako nagbayad. Wala akong pera...huhu, bakit pa kasi ako sumama?

Malaya ako nitong inakay papasok ng restaurant, may sumalubong samin na waitress sabay turo ng table na para sa mag couple sasabihin ko sanang di kami couple. Nag abot na ito ng card para sabihin na bigyan kami ng pinakamasarap na pagkaen. Dina ako umangal, nagbayad na ito baka pag nakialam pa ako ako ang papagbayarin nito.

Wala akong pambayad, baka mamaya gawin pa akong diswasher dito no way! Habang tinatahak namin ang table, nasa likuran ko ito at ang kamay niya nasa may hips ko. Nuh ba' nanantsing na siya oh'

Tinanong ko ito kung saan siya kumuha ng pambayad dito kasi sabi niya caretaker lang naman daw trabaho niya minsa prome diser sa mall yon ang sagot niya nung minsan ko siyang tinanong about sa job niya. Sabi ko, wag mong sabihing nanghiram ka sa kakilala gaya ng kotse? Tumawa ito sabay sabing, ipon daw niya ang perang yon?..



Gulat ako sa nalaman, pero bago pa ako nakapag reak pinaupo na ako nito. I asks him again bakit niya ginamit ang perang inipon niya sa ganitong pagkakataon. Sabat lang niya, andami ko daw tanong, ano gusto ko mag kkb nalang kami? 'Kanya kanyang bayad?' syempre, dahil wala akong pera mas pinili ko nalang na manahimik na ikinatawa niya.

"aleumdau" (ganda)

"jal saeng-jin" (ang pogi)

"gwiyeobda" (Ang cute nila)

"geudeul-eun nugu-ibnikka? star? (sino sila? Parang artista)

Sunod sunod na bulungan ng mga katabi naming table. So, samin pala sila nakatingin.

May biglang lumapit samin na isang babae kung di ako nagkakamali below 20 palang ata yon. Sinabi nito kung siya daw ba si park dong min? Napatingin sa direksyon ko si jumin bago magsalita, umiling ito pero kinulit siya ng babae para magpa picture pero biglanh nagalit si jumin sabay sabing...

"nal naebeolyeodwo? michin" (Pwede bang lubayan mo ako? Baliw!) napasinghap ako sa narinig mula dito diko eneexpect na ganun pala siya kasuplado sa iba, pag ako naman kasama mukhang okay naman siya. Sabagay, nakailang beses ko na din siyang napapansin na naeereta pag may lumalapit sa kanya o nagpapapansin?

Mukhang ayaw niya ata ng ganun? Pero kahit na, pwede naman niyang kausapin ang babae in any ways he can ng hindi magtataas ng boses. Para naman siyang si kuya. Napaka bipolar!






Update:

Hello guys!

Nagustuhan niyo ba?

Anong pakiramdam kaya nuh kung kayo ang nasa sitwasyon ni krissy? Isang sikat at gwapo na nilalang ang makakatagpo mo ano sa tingin mo ang gagawin mo?

Ako? I undress hin😂😂😂,✌✌✌✌, jowk lang haha, di ganun syempre step by step muna 😅✌✌✌, hanoo daw? Kaluka anyre sakin?haha

Ingat kayo guys, baka may maka encounter kayo na buang mahawa kayo sa kanya haha, gaya ko😂

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon