69:(Himutok)

7 1 0
                                    

Other person:

Napasuntok si jumin sa malaking pader habang walang humpay ang pag iyak. Inaawat siya ni mr. Lim, napaluhod siya habang umiiyak pa din pero hindi pa din niya tinigilan ang pag suntok. Nasasaktan siya sa ginagawa sa babaeng mahal niya pero kailangan. Mas masasaktan silang pareho pag pinatagal pa nila ang relasyon nila. Napahinto siya sa pagsuntok nung buong lakas na may pumigil sa kanya. Napatingala siya at nakita niya si jae wang. "sinabihan na kita, hindi maganda ang pakay ng tatay mo kay krissy" baritonong turan ni jae wang. Napatayo siya saka pinilit na ngumiti, "wala kang alam" gigil na sabi niya. Napatingin si jae wang sa kamay niya maging siya ay ganun din madaming dugo. Pero tinawanan niya lang .. "mas masakit malayo sa kanya kaysa sa dugong to" ngitngit na sabi ni jumin. "Ano bang himutok yan? Bakit nag aalburuto ka? Ginusto mo naman yan diba?" mga salitang binitawan sa kanya ni jae wang. Natatawa siya na naiiyak. Malulugi na ang negosyo nila, lahat ng pinaghirapan ng mama niya mawawala ng ganun gano lang ng dahil sa kapabayaan niya. Kung hindi sana niya inasa lahat sa walang kwenta niyang ama hindi sana mangyayari ang lahat ng to. Ngayon kailangan niyang lumapit sa pinakakilalang tao at mainfluensiya ang pamilya ng ex niyang si mina hae. Kapalit ng pagbangon nila ang pagpapakasal niya sa babaeng yon. "Ginigipit kalang ng babaeng yon, naniwala ka naman" paulit ulit na sinasabi sa kanya ni jae wang. "Alam ko ng ganun ang plano nila ng tatay mo. Kaya mo namang mabawi ang lahat ng nawala sayo kaso kailangan mo ding isuko ang malaking alas na hawak mo ang paaralang ito" mas lalong siyang nag ngitngit sa galit. Kung galit siya sa kawalang hiyaan ng tatay niyang plano pang ibenta ng paaralang ito ng hindi kinokunsulta sa kanya. Mas galit siya sa babaeng minahal niya, nagawa nitong magpabayad para lang sa sariling kapakanan? Kahit pa sabihing nasa peligro ang buhay ng tatay niya hindi naman sapat na dahilan yon para tanggapin niya ang bayad kapalit ng paghihiwalay nila? Wala ba talagang halaga sa kanya ang relasyon nila? Para tanggapin niya ang bayad na binigay sa kanya ng tatay niya? Sana manlang pinaglaban niya ang relasyon namin pero hindi! Mga salitang paulit ulit na tumatatak sa isipan ni jumin. Pano niya nagagawang ngumiti ng ganyan sa lahat ng ginawa niya? Talaga bang nagawa niyang ipagpalit ang relasyon namin sa pera lang? Maraming beses ko mang ipadama kong gano siya kamahal kung siya mismo ayaw lumaban wala ding halaga yon. At ang mas malala, yong mga sinabi ng mga tao tungkol sa kanya gusto kong magalit at magwala dahil di naman yon ang pagkakakilala ko sa kanya pero sa nakikita ko ngayon ganun na siya. Goldigger, maharut, at higit sa lahat makasarili. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko, kahit harap harapan nakikipag usap siya sa iba tapos sasabihin niyang nasasakal na siya? Bakit siya lang ba? Nakakainis gusto kong ipaglaban kong anong meron kami pero bakit napaka imposible. Pano nga ba nila haharapin ang problemang hinahadlangan ng lahat? Pero bago paman, tuluyang nilisan ni jumin ang lugar na yon sinabi niya sa sariling... "Kailanman ay hindi mo ako matatakasan, ipaparamdam ko sayo kung ano ang sinayang mo" Dali dali niyang pinuntahan ang nag s-set ng tugtog sa back stage wala pa ang mga contestant sinabihan niyang may special performance na magaganap pasabihan ang MC na yon ang openning program. Napapangisi pa siya habang naiisip ang bagay  na yon at nagkunwari pa siyang walang kinalaman.

.

.

.

.

.

.

Krissy pov:

Bagsak ang balikat ko habang tinutungo ang classroom ko. Masaya ang buong class ko at sobrang excited sila kaya hindi nila ako pwedeng makitang malungkot mawawalan sila ng kumpiyansa sa sarili. Kaya bago ako pumasok, humugot muna ako ng malalim na hininga kahit madaming masasakit ang narinig ko ngayon wala akong pakialam.

Hindi ako magpapaapekto sa kahit na sino kahit kay jumin pa. Kung tinapos niya ng ganun kabilis ang relasyon namin. Wala akong pakialam, ang mahalaga sakin ngayon ay mairaos ang pageant na to at manalo ang manok ko ayokong ma dissapoint sila.

"Hello everyone, are you ready?" masiglang sabi ko sa mga studyante ko. Masaya silang tumango. "So, now get ready. Where is joji?" nilibot ko ang paligid wala kasi ito "Here she is" sabay turo ni kimaru sa direksyon ni joji, nakasuot ito ng silver na damit na madaming glitters hapit na hapit at may mahabang hiwa sa may bandang hita kaya exposed ang mahaba at maputi nitong legs. Nakatali na parang bulaklak ang buhok nito.


"Are you ready?" matamis ang ngiting pinakawalan ko. Kinakabahan daw siya pero sinabi kong wag siyang kabahan kasama naman niya kami. Tapos naghiyawan na may kasamang palakpakan ang mga studyante.

Pinauna ko ng lumabas ang mga studyante para dun na sila maghintay kailangan nila ang pag chear para hindi kabahan si joji. Masaya naman silang lumabas.

Habang tinatahak namin ang corridor, may ilang studyante na aamaze sa hitsura ni joji ngayon maging ako man din pero di ako halos makagalaw sa sinabi ng baklang kinuha ni jae wang na mag m-make up kay joji na ang ganda ko daw parang gusto na daw niyang maging straight dahil sakin?


Hala siya? Pinagsasabi nito?


I actually wearing long black gown na tube tapos may design na bulaklak sa may dibdib na kaprehas din ng tila. May hiwa sa may hita ko pa slanting ang slit hanggang beywang kunting galaw lang makikita ang kaluluwa ako. Ayoko sana nito pero inabot sakin yon ng isa sa mga nag oorganize ng school yon daw ang pinapasuot sakin.

Di ako halos makagalaw tapos, yong eye shadow at make up ko binagay sa suot ko. Parehas ang tali ng buhok namin ni joji parang bulaklak sa likod. Matigas ang buhok ko dahil sa sprinit na ginamit ni bakla.


Sa totoo lang nakakataba ng puso habang papunta kami ng gymnassium mas lumalakas ang hiyawan t tilian ng mga studyante. Tudo support sila sa mga contestants na ang gaganda nga naman talaga. Pero iba ang manok ko mas lalong napatanga ang ilan, may ilang di pa halos makilala si joji kung hindi ako ang kasama.



Sino ba naman kasing mag aakala na ang isang panget, at gingawang katatawan ng halos lahat ng tao dito sa school isa sa mga contestant ng beauty pageant? Yong hitura kasi dati ni joji, may suot na malaking salamin, nangigitim ang ibaba ng mata dahil sa eyebags, yong mukha niyang may maitim na dot...dot..dot.... O wrinkles at may pimples din siya na sobrang mapapansin mo talaga dahil mapupula at malalaki.



Yong ngipin niyang may malaking front teeth at ang worst ay ang buhok niyang sobrang buhaghag kahit suklat masisira ng wala sa oras. Kaya madalas tuksuhin, asarin at pandirian siya ng halos lahat ng makakasalubong niya.

Saksi ako sa lahat ng paghihirap at pambubully sa kanya sa school kaya siya ang kinuha ko para ipamukhang mali ang manlait ng kapwa dahil lang sa hitsura magagawang pagtawanan at katakutan? Ngayon, hindi na ibang joji na ang nakikita nila.

May malinis n mukha, wala ng malaking salamin na halos matakpan lahat ng mukha naka contact lens na ito kailangan niya yon dahil malabo daw talaga ang mata niya. Mas makikita mo kong gano kaganda at kaamo ang minsang nilait ng iba.



Hindi nga ako nagkamali ng pagpili sa kanya!

..

.

.

.

.

Update:

..wow.... Ang nays naman nun"

How to be you po ateee?😅😂😂

Yan na muna bhe hah? Busy pa ako,magmumuni muni mo na ako haha...
.

Ingatssss....

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon