112:(So pale)

7 1 0
                                    

Krissy pov:

Lumabas na ako na patuloy parin anh pag iyak. Sinalubong agad ko nila jae wang para tulungan ako sa mga gamit ko. Nasa labas na pala sila ng bahay ni jumin, muli kong sinulyapan ang bahay ni jumin. Umaasa akong hahabulin niya ako pero hindi.

Duwag ka jumin, isa kang malaking duwag. Wala kang isang salita. At wala kang paninindigan, sapat lang ang minsan nakilala ka at nagpakatanga ako sa isang tulad mo.

Hanggang narating namin ang airport, di pa din natigil ang pag iyak ko. Paulit-ulit akong nag sosorry dahil sa inasal ko sa kanila. Hindi dapat ako naging madrama sa harap ng gaya nilang artista pero ibang usapan to. Laban ng totoong buhay at pangyayari at naiintindihan daw nila ako.

Nagpasalamat ako ng paulit-ulit, hinding hindi ko sila malilimutan. Niyakap ko ng mahigpit si jae wang habang panay ang pag iyak ko ganun din ito. Inaalo niya ako at pinapatahan, nag iyakan na kaming lahat. "I'm so sorry!" saad ko kay jae wang bago bumitaw sa pagkakayakap.

Ginulo niya ang buhok ko saka niya ako ngitian. "How many times do i have to tell you, your wasting your tears with a bullshit like them" alam kong gaya ko galit din ito pero nagtetempe lang.

Lumapit sila joji at jenny para yakapin din ako, sinabihan ko silang mamiss ko sila na mas lalong nagpaiyak sa kanila. Sinabi nilang masaya silang nakilala ako lalo na si joji, marami daw siyang natutunan sa buhay dahil sakin. Ako daw ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Ako daw kasi ang naging tulay para muling umuwi ang kapatid niyang halos kalimutan na sila.

Napangiti ako pero patuloy parin ang paghikbi, sinabihan ako ni jae wang at jenny pag may kailangan daw ako tawagan lang siya. Sinabihan ko si jenny na ang swerte niyang nakilala niya si jae wang, alam ko naman na magiging mabuti siyang asawa, nakikita ko kung pano siya naging tatay at kapatid kay joji.

Lumakad na ako para makasakay sa eroplano, pahabol na sabi ni jae wang sakin na wag ko daw kalimutang kunin siyang ninong nang magiging anak ko kay jumin, dun manlang daw madugtungan pa ang pagkakaibigan namin. Napangiti ako habang nilalandas ang daan papuntang eroplano ng biglang....

"Krisssyyyy......" sandaling tumigil ang mundo ko nung makita si jumin na umiiyak habanh may dalawang guard na nakahawak sa magkabilang braso niya para pigilan ang paglapit niya. Sa mga sandaling yon nakaramdam ako ng awa at takot na iwan siya.

Pero naisip ko kung mananatili ako sa tabi niya paulit-ulit lang akong masasaktan, mas okay ng hindi niya malaman ang tungkol sa magiging anak namin. Nakita kong nilapitan na siya ni jae wang para pigilan din, saka tumingin sakin na lumakad na ako.

Napatakip ako ng bibig habang nag kakarerahan lalo ang mga luha sa mata ko na tila ba walang kapaguran. Nakita ko ang hitsura ni jumin, awang-awa ako gaya ko mugto ang mga mata nito at nagmamakaawang wag akong umalis.

Nakapag disisyon na ako kailangan kong gawin to. Ito ang mas makakabuti samin. Ang layuan siya kahit parang sasabog na sobrang bigat ang dibdib ko. Sorry jumin,mahal na mahal kita pero diko na kaya.

.

.

.

Nagmadali akong makasakay ng eroplano, naririnig ko pa anh pag sigaw nito sa pangalan ko habang nakaluhod at walang tigil ang pag iyak. Alam kong nahihirapan ka pero mas mahihirapan akong burahin ka sa buhay ko.

Ito lang ang naiisip ko sa ngayon, ang layuan ka...

.

.

.

Buong biyahe, di ako nakatulog nakatanga lang ako habang nakatingin sa kawalan. Di mawala-wala sa isip ko ang reaction ni jumin gusto kong tumakbo para lapitan at yakapin siya ng mahigpit para mawala ang sakit na nararamdaman namin.

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon