117:(Emergency)

8 1 0
                                    

Krisstoffe pov:

"Hello ma, ano?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kay mama. Dina ako nag aksaya pa ng oras, pinaharurut ko na ang sasakyan para makauwi ng bahay. Papasunurin ko nalang si aira dun para iwanan na muna sa katuloy si roy.


Diko alam kong anong gagawin, nung malaman ko kay aira na baka di kayanin nito ang panganganak dahil sa kundisyon niya kaya lagi kaming nakabuntot dito kahit saan ito magpunta. Magkasama kami lagi para di ito magalit o maghinala pag nalamang nakabuntot kami.

Iniiwasan nga namin ang anumang magbibigay sa kanya ng stress. Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya. Hindi-hindi ko mapapatawad ang sarili.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo halos ilipad ko na ito. Wala pang 10minuto na sa bahay na ako, mabilis akong bumaba saka patakbong pumasok, hinanap ko sila mama pero sabi nung katulong sinugod na sa hospital si krissy kasama ang kanong lalake. Naikwento ng katulong na kinuha ni krissy, na nag uusap lang sila malapot sa pool. Matapos ni krissy mag exercise dumating yon. Ilang minuto lang ang itinagal, nag sisigaw na ang lalake dahil nag collapsed nalang bigla si krissy habang nakahawak sa dibdib niya.

Damn it, sinasabi ko na nga bang hindi siya mapagkakatiwalaan. Unang kita ko palang sa gagong yon, alam kong may hindi siya magandang maidudulot sa kapatid ko.

Humanda siya sakin.

Mabilis ko na namang pinatakbo ang sasakyan, tinawagan ko si aira na huwag na siyang pumunta ng hospital, puntahan nalang nila ni roy si tatay baka mapabayaan ng katulong yon wala ang personal nurse ni tatay ngayon dahil nag day off kaya kailangan may maiwan sa bahay, naintindihan naman ako nito.

Nung marating ko na ang san lazaro hospital bumaba na ako saka ko hinanap sila mama. Patakbo akong lumapit nung makita itong palakad lakad at di mapakali habang panay ang paghikbi.

"Ma? Si krissy?" para akong mababaliw, sana walang manyaring masama sa kanya. Nakita ko ang lalake na nakaupo at di mapakali, agad ko itong sinugod saka ko inangat mula sa pagkakaupo habang hawak ang kwelyo nito. Matangkad ito kumpara sakin, di hamak na mas malakas naman ako kaysa dito.

Akmang susuntukin ko na ito nang bigla akong itulak palayo ni mama dahilan para mabitawan ko ito "Ano bang ginagawa mo?" hingal na sabi ni mama "Kita mong may problema tayo, dadagdagan mo pa?" sigaw nito.

Napamura ako sa hangin habang tinitignan ng masama ang lalake. Nagpaalam na ito kay mama dahil paalis na daw siya. Mabuti pa nga, at baka mapatay pa kita. Gustuhin ko mang sapakin at bugbugin ang lalakeng yon hanggang sa kahit sarili nya ay di na siya makilala pero natigilan ako sa sinabi niya.

“Kailangan na niyang itama ang lahat. May kasalanan siya dahil nanahimik lang siya at walang ginawa. Kailangan pa bang humantong sa ganito bago niya marealize ang nagawang pagkakamali?”


Naguguluhan ako sa narinig mula rito pero sabi pa niya kailang daw malaman ni jumin ang katotohanan. Aling katotohanan? Bago pa ako makapagreak wala na ito, tuluyan na itong nakalayo.

Napaupo ako sa mahabang upuan habang iniisip ang mga narinig hanggang sa lumabas ang doktor kasama ang mga assistant nito mula sa emergency room. Napatayo na ako para lapitan ito, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman.

"Pangalawa na niyang naisugod sa hospital dahil sa kumplikasyon niya sa puso, masyado nang mahina ang puso nito, at pag umabot pa ng pangatlo baka dina magising ang pasyente" napahilamus ako ng mukha. Totoo ba to? Sabihin niyo namang mali ang dinig ko?

"Anong ibig mong sabihin dok? May sakit sa puso ang anak ko?" di makapaniwalang tanong ni mama habang umiiyak "Mommy, sad to say but yes." "Di pa naman siya mamatay diba?" prangkang tanong ko pero ang totoo nasasaktan akong  bigkasin yon.

Natatakot akong malaman ang katotohanan.

"She's not going to die, malakas siya at lalo pa niyang nilalakasan ang loob dahil sa baby niya. Malaki at malusog ang baby, kaya natatakot akong baka di niya kayanin lalo pa't baby boy ito" napaluhod si mama saka humagulhol.

"Ma? Okay kalang?" nag aalalang tanong ko "Hindi, hindi totoo yan. Walang sakit ang anak ko" napamura ako ng mahina, kung pwede lang na sana ako nalang ang magkasakit bakit hindi?

Wag lang sana si bunso, wag lang sana siya. Ako nalang sana...

"Anong p-pwedeng gawin dok?" sarkastikong tanong ko. Napabuntong hininga ito kaya kinabahan ako "Hindi ko alam kong good idea to, pero sa ngayon ang nakikita kong magandang gawin ay wag muna bigyan ng anumang sakit na mararamdaman nito" "Nagpapatawa ka ba? Hu? Dok? Pano naman yon mangyayari? Kahit baliw nakakaramdam nun" gigil na sabi ko.

Tinulungan ko si mama na maiupo sa mahabang upuan dahil parang gaya ko baka di narin niya kayanin ang anumang naririnig.

"Sir, ang pinupunto ko po kailangan ilayo niyo ang pasyente sa..." "Diretsuhin mo na ako kung anong gusto mong sabihin?" may bahid nang pananakot na sabi ko habang pinang gigilan ang paghawak sa braso nito.

Huli na nung marealize kong nasasaktan na pala ito "I'm sorry, nadadala lang" napatalikod ako saka ako napasuntok sa  hangin. "Sir, ma'am, sasabihin ko na to ayoko nang magpaligoy ligoy pa alam kong magulo na ang isip niyo sa mga nalaman." napatingin ulit ako sa doktor maging si mama nakaabang narin sa kung anong sasabihin nito.

"Kailangan niyang sumailalim sa heart transplant. Pero sa kundisyon niya ngayong buntis siya malabong mangyari yon, maliban sa mahirap makahanap ng donor sa heart para sa transplant bawal sa kanya ang anumang gamot sa katawan dahil buntis siya. That's why i ask your consideration and cooperation about this. Magtulungan tayo kung gusto niyo pa siyang makasama ng matagal, saka nalang natin pag usapan about sa transplant niya. I'll go ahead, excused me"

Hanggang sa nakalayo na ang doktor, para pa din kami ni mamang pinagsakluban ng langit at lupa. Napapahilamus ako ng mukha, si mama naman tumayo at pinuntahan si krissy. Ililipat daw ito ng kwarto kaya sumunod na si mama.

Nakatanga pa din ako habang nakatingin sa kawalan. Sinundan ko si mama para hiramin ang cellphone ni krissy. Hinanap ko ang numero ni jumin pero wala akong makita, kailangan niyang malaman to, baka sakaling may maitulong siya. Kakalimutan ko na muna ang galit ko sa kanya ang mahalaga sakin ngayon ang buhay ng kapatid ko.

.

..

.

.

Update:

Whahaha..... Ang lungkot, naiiyak ako sa mga kaganapan.

😢😢😢😢

Lasts na talaga to. Haha tatapusin ko na naiinis ako sa sarili. Sorry na bae, hope nagustuhan mo pa din labyoupuh😘😘😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon