14:(unexpected)

20 0 0
                                    

OTHER PERSON:

(Hindi namamalayan ni krissy na nagtagpo na pala ulit ang landas  nila ng lalakeng iniidolo niya. Kaso, pano nga ba niya makikilalang siya yong lalakeng labis na hinahangaan kong lagi naman itong nakasuot ng mask? May chansa kayang makilala niya ito? Sa kanya kaya ang nicklace na nakita niya sa panyo? May katotohanan kaya ang biro ng kapatid nito na baka sa korea niya matagpuan ang kalahati ng kwentas? Habang nasa biyahe, parang bubuyog si krissy bulong ng bulong. Laking gulat naman ni park dong min ng marecognize kong sino ang katabi sa upuan. Siya yong babaeng nakasabay niya sa eroplano na tumawag sa kanya na pogi. Na gustong gusto niyang tanungin tungkol sa bagay na yon pero dahil nga busy ito sa pakikipag usap sa cellphone di niya ito matanong tanong. At nung matapos naman, nag abot na ito ng bayad sa driver dahil malapit na daw itong bumaba. Di naman mapakali sa upuan si park dong min ng maalalang naiwanan niya ang cellphone niya at wallet sa apartment niya ng lumabas siya para sana bumili ng makakaen, wala pa kasi ang P.A. nito kaya napilitan na siyang lumabas. Patakbong siyang tumawid, sinadya niyang magsuot ng mask at hoodie jacket para walang makakilala pero dahil alam ng ilang fans ang apartment niya nalaman parin na siya yong lumabas mula sa building. Di niya alam kung saan pupunta ng makitang sinusundan ng mga babaeng nagtitilian ang direksyon niya hanggang may huminto na taxi agad naman siyang sumakay. Isa sa mga bagay kung bakit ayaw na niyang maging artista, kahit gustong gusto ng lahat dahil di siya makagalaw ng normal gaya ng dati. Gusto niya ng tahimik na buhay ng walang magulo at walang isturbo. Simula pagkabata hinahanap pa din niya ang tunay na kaligayahan. Ang atensyon at pagmamahal ng pamilya lalong lalo na ng taong mahal niya. Simula nung mag college na siya nakuha na siya sa mga modelling hanggang sa nakitaan siyang may potential sa pag aarte. Isa sa mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ng babaeng mahal nito dahil di  siya kayang suportahan sa kung anong gusto niya. Ngunit nalaman din niya na ang babaeng mahal niya ang magiging ka loveteam niya sa isang pelikula pero hindi naman siya ang  bida. Madalas third party lang siya, pinilit niya maging matatag at kalimutan ang nakaraan na inakala niyang may forever pero satwing nakikita ang babaeng mahal na parang masaya sa ka loveteam nito halos durugin siya. Pero dahil sa contract ng tv channel wala siyang choice kundi ang i set aside ang personal issue niya with his ex kahit feeling niya dinudurog ang puso niya1. Pero mas sumikat pa din siya kaysa sa gumanap na bida dahil sa gwapo nitong hitsura, mabait, at maunawain kahit suplado ito at marami ding lengwaheng alam maliban sa korean gaya ng español, english, at ilang salita sa tagalog pero pili lang. Magaling din itong kumanta, kaya mas lalo pa itong nakilala. In short, halos lahat ng hinahanap ng babae nasa kanya na. He's an ideal man, a wishing true of every woman's dream ngunit dahil kakilala niya ang gumaganap na bida mas pinipili nalang niya na maging third party nalang. Independent at wokaholic ito kaya sa edad na 27 may sarili na itong negosyo, boutique ang naisipan nitong negosyo. Siya din ang tagapagman ng angkan dahil nag iisa lang itong anak ngunit ayaw niyang umasa sa kanyang mga magulang. Ni ayaw nga niyang sinasama siya sa usaping pampamilya. May malalim na dahilan si park dong min kung bakit pinili niyang mamuhay ng mag isa.

.

.

.

.

.

.

.

.

Krissy pov:

"Ui bakla kumusta ka?" masayang tanong ko kay jasper habang ka video call ito "Ito maganda pa din!"malandi nitong sabi "Ui bruha, sino yang katabi mo?" napatingin ako sa lalakeng katabi sa taxi,huminto na naman kasi ang taxi dahil sa traffic light. "Ewan, dika nagmamadali? Gusto mo tanungin ko?" pabirong sabi ko "Shunga wag na baka mamaya ma deadma beauty mo ikaw din!" natatawang sabat ni bakla. "Shunga ka talaga, oh siya mamayang gabi na kita tawagan." pagpuputol ko.

"Sige bye" "I love you!" pang aasar ko "Yuck, kadire ka di tayo talo!" nataea ako sa reaksyon nito na tila ba direng dire "Yuck ka din!" natatawang sabi ko "Baliw, kahit naman maganda ka, di pa din kita type baka yang katabi ml pwede pa. Hanapan mo kaya ako ng oppa diyan?" hirit nito "Gusto mo?" tumango ito ng nakangiti.

Landi talaga!

"Sige, antayin mo ipapa LBC ko nalang!" pagkatapos binabaan ko na ito, sakto namang tumawag si kuya "May lakad ako, maya kana makipag video call sakin!" saad ko "Teka lang. Sasabihin ko lang naman na, salamat daw sa padala natubos na ang bahay at lupa!" "Kulang pa naman yon diba? Kalahati lang naman napadala ko kasi kailangan ko pa magbayad sa agency diba?" takang tanong ko.

"Bakit, ano bang ginagawa ng gwapo mong kapatid?" presko nitong sabi habang nagpapasikat sa muscle niya.  "Tss.. Yabang...." pang iignora ko, humagalpak lang ito ng tawa "Mukha kang temang,pero salamat kuya!" saka ako mag wave sa kanya para patayin na kaso biglang...

"Bawal landi hu? Sige love you bunso!" "Hmmmm....kuya talaga!" nagkunwari pa akong naiiyak "Yuck, ang panget mo wag ka ngang madrama!" saka ito humagalpak ng tayo "Tss... Sige na nga bye namimis lang naman kita eh!" tampong sabi ko "Oo na i miss you too....345...." "Baliw!" pagkatapos pinatay ko na.

Napabuntong hininga ako ng biglang may sumingit sa taxi na sinasakyan namin dahilan para mapahawak ako sa lalakeng katabi. "mianhe!" nahihiyang sabi ko. Akala ko magagalit ito pero hindi, nagulat pa ako ng sabihin nitong baka pwedeng ako na muna ang mamasahe dahil nakalimutan niya ang wallet at cellphone dahil nagmamadali siya kanina.

Pumayag naman ako mukha namang nagsasabi ito ng totoo, isa pa mukha namang di siya modus. Pinahinto ko na ang taxi para bumaba na ako. Lalakarin ko nalang malapit na rin naman ang groceries store mula dito sa kinatatayuan ko.

Parang humaba ang panga ko ng makitang nakabuntot ang lalake sakin. Ayoko sana siyang pag isipan ng masama kaya lang bawat hakbang ko parang sinusundan niya. Pag nahinto ako ganun din ito kaya naman gigil akong humarap dito at kinausap ito gamit ang sariling lengwahe ko.

Sinabi nitong magsalita ako ng korean dahil di niya ako maintindihan pero umiling ako, "Ano yon ako pa mag aadjust para sayo? No way? Alam ko namang may masama kang pakay kaya sabihin mo kung ano yon? Di ako mayaman kaya wag mo akong buntutan sayang energy mo!" sunod sunod na sermon ko.

Napatanga lang ito, habang pautal utal na sinasabi ang lenggwahe nila mukhang kinakabahan na iwan. "Bahala ka sa buhay mo kung maintindihan mo ako o hindi. Wala akong paki!" eretang sabi ko saka ako nagmartsa palayo pero bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman kinabahan ako bigla.

Baka ano ang gawin ng lalakeng to? Sabi ko na nga ba may masamang balak ito sakin. Diyos ko, iligtas niyo po ako sa masamang nilalang na to....


Update:

Haha...grabe imagination ni krissy masyadong advance mag isip? Diba pwedeng may itatanong lang? Kung makaisip na masamang tao wagas haha....

Anong say nyo sa part na to? Sino ang lalakeng naka hoodie jacket na buntot ng buntot kay krissy? Masamang tao kaya yon? Hmmmm....gusto niyo na bang malaman? Keep on reading, ako bahala sa karugtong.... 😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon