122:(Life and death)

13 2 4
                                    

Kristoffe pov:

Patakbo kaming pumasok ng hospital nung tumawag si mama, alalang-alala ako nung makita ang reaction nito halos wala na itong boses kakaiyak.

"Ma? Anong nangyari?/ what happened po?" halos sabay pa naming tanong ni jumin. Humahangos pa kami sa bilis ng pagtakbo. "Anak" lumapit si mama sakin saka ako niyakap ng sobrang higpit habang humahagulhol ng pag iyak.

"Ma, ano bang nangyari?" nag aalalang tanong ko, dina ako mapakali, kinakabahan ako ng sobra diko alam kong handa akong marinig ang sasabihin ni mama. May pakiramdam akong di maganda.

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sakin, nilapag ni jumin ang dalang mga pagkaen sa upuan saka lumapit kay mama "Jumin/tope, kailangan nang sumailalim ni krissy sa heart transplant" "wae? Bakit  po ma?" sabay ulit naming tanong ni jumin.

"Kasi anak..." nagpipigil si mama na di maiyak ulit "Ma, please sabihin niyo na pinapakaba niyo ako eh!" "Mister, the patient is really need hearth transplant sa lalong madaling panahon, at kailangan niyong maghanap ng bagong donor" kumunot ang noo ko sa sinabi ng doktor na bigla nalang itong nagsalita.

"Bakit? Ano hong nangyari sa donor na kinuha namin?" tanong ko "Sorry about that sir, sad to say but hindi match ang puso nila. Masyadong marami proseso ang gagawin kung ipagpipilitan. 50'50 of chances din para maka survive at hindi lang yon, maliit ang puso niya compaired to the heart of the patient!" napasabunot ako sa sariling buhok saka pabagsak na umupo sa mahabang upuan.

"Saan naman kami maghahanap ng bagong donor dok?" problemadong tanong ni mama "Sa ngayon, diko pa masasagot yan may tinawagan kaming bagong donor pero medyo alanganin, malaki ang posibilidad na baka mag back out pa siya" sagot ng doktor.

Tumayo si jumin saka kinuha ang cellphone sa bulsa. May tinwagan ito pero diko maintindihan kasi nag korean na ito. Sana pala diko pinairal ang galit sa kanya kung nakinig lang sana ako kay krissy baka naagapan pa ng mas maaga ang kundisyon niya, di pa sana lalala nang ganito.

.

.

After a few seconds bumalik ulit ito "I find a donor, with in two days she would come" "What? Two days?" halos sabay pa kami nung doktor.  "I'm sorry, but that was the fastiest donor i know. The rest is more than one month and more....." napamura ako nang mahina.

Wala na bang mas maaga pa?

"May i excused first myself sir and ma'am, tawagan niyo nalang po ako pag okay na ang lahat. Gawin niyo po ang lahat para sa pasyente, isipin niyo po ang bata, pag hindi kayo makahanap kailangan niyong mamili ng isa sa kanila. Yong asawa niya ang mamili nun talaga pero dapat pag usapan niyo pa din ng maayos, kung gusto niyong pareho silang mabuhay. Malapit nang lumabas ang bata, madami kaming nilagay sa katawan ng pasyente dahil nawalan ito ng malay pero may heartbeat pa naman siya yon nga lang masyado nang mahina baka di na niya kayanin pa ang magluwal ng bata" pagkatapos nun, iniwan na kami ng doktor.

Pare-pareho kaming natigilan habang nakatingin lang sa kawalan, si mama nama di parin tumigil sa pag iyak, hinagod ko nalang ang likod nito. Parang gusto ko nang mamatay at ibigay ang puso sa kapatid ko pero naisip ko ang asawa at anak ko. Habang buhay nilang dadalhin ang bigat sa kalooban dahil di nila matatanggap ang mangyayari.

"Ano bang gagawin natin? huhuhu" patuloy pa din ang pag iyak ni mama "Tiwala lang ma, may awa ang diyos may mahahanap din tayong donor. Di matatapos ang araw na to na walang mangyayari" naiiyak ako pero naging positibo pa din ako para di na si mama makaramdam ng lungkot, dahil mas mahirap makita siyang nagkakaganyan.

Nakakapagpahina talaga ng loob.

Pareho kaming natigilan nung biglang tumayo si jumin saka lumakad "Saan ka pupunta jumin?" tanong ni mama "I talk to the doctors, i give my heart to krissy" disididong sabi nito "Nababaliw kana ba? What? Are you crazy?" halos sabay na sabi namin ni mama.


MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon