Episode 9:(flight)

19 1 0
                                    

Kristoffe pov:

Nakaramdam tuloy ako ng guilty sa ginawa ko. Sa sobrang inis ko dahil sinabi ni aira na tigilan ko na daw siya at wag na daw akong magpapakita hangga't maari. Alam ko namang mahal naming pareho si bunso kaya dina ako magtataka kong bakit siya mag rereak ng ganun.

Kung di pa bumaba si krissy baka kung ano ng nagawa ko sa kanya kagabi nung aminin nitong nakikipag date siya sa isa sa mga kasamahan ko sa trabaho dahil hiningi nito ang number niya at yon daw ang tumawag. Sa sobrang galit ko si bunso ang napagbuntungan ko kaya tuloy ngayong sising sisi ako.

Ngayon, alam na nila mama at tatay at di madaling intindin yon lalo pa't bunso ito. Kung bakit kasi kailangan ko pang ilabas yon ng wala sa oras ang tiantagong sekreto ni bunso naibulgar ng dahil sa pagiging iresponsable ko. Damn it.

Mapatawad niya pa kaya ako? Alam ko naman lahat ng hirap na pinagdaanan nito. She's not lucky to find job.
Hindi madali para sa kanya, magkaiba kami. Or maybe, hindi para sa kanya ang pilipinas, baka nga sa ibang bansa niya makita ang ninanais.....



.

.

.

.

Krissy pov:

Fast forward. . .
(1week later, day flight). . .

"Hello, sige sunduin mo nalang ako pag nakarating na ako bye!"saka ko pinutol ang tawag. "Tay, ma, bakit ho ganyan hitsura niyo?" pinilit kong ngumiti. "Di lang kami sanay na malalayo ka!" naiiyak na sabi ni mama.

Nilapitan ko sila saka niyakap ng nakangiti "Wag ho kayong mag aalala lagi ho akong makikipag video call sa inyo. Unang sahud ko pantubos sa lupa alam ko kulang pa yon kasi 250,000 ang pagkakasanla pero sisikapin kong mabatubos ang lupa natin!" positibong sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Panget!" pare pareho kaming napatingin sa direksyon ng nagsalita "Akala ko huli na ako!" nakangiti nitong sabi "Kuya...." patakbo ko itong pinuntahan saka lumundag dahilan para makalong ako nito na parang bata. "Mag iingat ka dun, wag ka magpapaligaw!"naiiyak nitong sabi habang hinahaplos ang likod ko wala naman akong ibang ginawa kundi ang umiyak di ako sanay na magkalayo kami.

"Pag natapos ko na ang bahay na pinapagawa ko tutulungan ko sila mama na mapaayos ang bahay natin!" napatitig ako dito saka ako nag ask na ibaba na ako. "May bahay ka na?" "Yup, kaya kulang lagi ang inaabot kung pera kay mama." "Ah kaya pala!" ginulo nito ang buhok ko.

"Ah siya nga pala, may regalo ako sayo, sa makalawa na birthday. Ito ang kaarawam mo na di ka namin makakasama!"lalo namang umiyak si mama dahil sa narinig mula kay kuya. Si tatay naman di alam kung ngingiti o iiyak basta nag iwas ito ng tingin. "Ano ba yang regalo mo?" takang tanong ko "Baka maya pinag t-tripan mo lang ako eh!" "Tss hindi, ito oh!"sabay abot ng maliit na kahon pero pahaba.

Nanlaki ang mata ko ng makitang mamahaling kwentas na may hugis puso ang pendant pero kalahati lang. "Bakit kalahati?" tanong ko "Hanapin mo ang kalahati, malay mo matagpuan mo yon sa korea?" pabiro nitong sabi "Kuya..." tumawa lang ito saka isiunot sakin ang kwentas.Napapalundag naman ako sa sobrang tuwa. Pero bago paman, sinabi nitong may nakasabay siyang bumili ng kwentas parang koreano daw kaya nasabi niyang baka sa korea ko matagpuan ang kalahati.

Baliw, sino matinong makakaisip na baka nga i meant for korean guy? Baliw lang ako dun bukod sa mga cute ay nakakakilig talaga ang mag palabas nila kaya diko maiwasang di maging k-pop lover. Lahat ng bagong uso nila, sumusunod ako. I collect everything na nilalabas nila lalo na kay park dong min at sa ka love team nitong si mina hae, sobrang cute nila tignan.

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon