Episode 10:(Welcome to korea)

22 0 0
                                    

Krissy pov:

Diko namalayang nakalapag na pala ang sinasakyan kong eroplano. Nagising ako ng alugin ng lalakeng katabi ang ulo ko. Diko namamalayang nakatulog ako ng mahimbing, di ako nakatulog dahil sa ingay ng mga kapitbahay na naki despededa sa bahay kagabi. Nag pa party pa kasi sila mama, ayan tuloy! "Ay, sorry...." inayos ko ang sarili maging ito din. Iaabot ko sana ang panyong pinahiram niya ng tumayo na ito saka naunang lumabas. "Suplado" bulong ko sa hangin.

Dali dali kong kinuha ang gamit saka hinabol ang lalaki, mahigit sampung tao pa ang kailangan kong lagpasan  bago ulit malapitan ang lalake, sumingit ako ng sumingit diko na nga alintana at bigat na dalang maleta basta maiabot ko lang ang panyo sa lalake at makapag thank you manlang  bilang utang na loob.

Singit ng singit ako may ilang umaangal na, panay naman ang paghingi ko ng paumanhin. Napansin kong papalayo na ang lalake pero wala na itong bitbit na maleta dahil pinabuhat niya sa nakasunod sa kanya na akala mo kariton dahil dalawang maletang dala tapos may nakapatong pa na bag sa may balikat nito.

Aist...siya walang dala, bakit di niya tulungan ang isa?

Patakbo akong palabas ng airport pero nadatnan kong may nakaparadang itim na magarang kotse saka ito sumakay. "Teka, hui...." diko na abutan ang lalake ng humarurot na ang sasakyan. Hingal akong napahinto, "Akala ko pa naman maaabutan ko di naman pala, whoa nasayang energy ko!" eretang sabi ko "Hui ..  Sino kausap mo?" halos tumilapon ang kaluluwa ko ng mapansing nasa likuran ko na pala si aira.

"Hu? Ah wala! K-kanina ka pa diyan?"pagpapalusot ko "Ah, bakit parang hinihingal ka?" panunudyo nito "Akala ko kasi wala ka dito, tumakbo ako para sana makasakay ng taxi" "Shunga, ibahin mo dito, ingat ingat ka bawal clumsy dito!" pabirong sabi nito "Ganun!" pinilit kong ngumiti kahit feeling ko hihikain na ako sa bilis ng takbo ko para lang mahabol ang lalake pero wala din. "welcome to korea!" masiglang sabi ni aira saka ako nito niyakap.


Tinulungan na ako nitong mag ayos sa dala kong mga gamit nung makarating kami korea. Madami kaming pinag kwentuhan, pero umiiwas ito pag natatanong ako kung ginugulo ba siya ni kuya. Nung maramdaman kong umiiwas ito kaya tinawagan ko na muna sila mama para ibalitang nasa korea na ako.



Bukas niya ako sasamahan sa agency para alamin kung anong university ang papasukan ko para makapagturo.
"Saglit lang maglalaba lang ako" paalam ni aira, mahigit isang linggo na ito sa korea kasi nauna itong lumipad kaya medyo may alam na ito kung anong kaganapan meron dito.

"Ah, pwede ba tayong mamasyal maya o kaya bukas?" awkward na tanong ko kay aira. Sinabi lang nito pag weekend nalang kasi strikto ang napasukan niyang work masungit ang supervisor, bawal ang ma late kaya sinabi ko nalang na mag papahinga na muna ako kasi parang nahihilo ako.

zzzzzzzzzzzzzzzhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.......😴😴😴

.
.
.
.
.
.

"Umiiyak ka na naman?" inabot niya sakin ang panyo, inangat ko ang mukha para matitigan ang lalaki. Naka mask ito ng kulay itim at naka hoodie jacket na itim. Sino ba to? Umasta kala mo clossed kami? "Bakit ba satwing nagkikita tayo, lagi kang umiiyak? Ganun ka na ba kaiyakin?" di ako sumagot. Umupo naman ito sa tabi ko, diko alam kong anong lugar ang napuntahan ko? Pero parang park ito.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo? Di naman kita kilala ah!" pang iignora ko "Aist, kilala mo ako dimo lang gustong maalala. Isipin mo yong taong laging nasa isip mo, dahilan para marating mo ang dream land mo!" kahit naka mask ito, nararamdaman kong nakangiti ito bago ito tumayo at lumakad papalayo.

"Sandali......." hinabol ko ang lalake, naglaho ito na parang bola, alam ko sa madilim na sulok siya dumiritso kaya sinundan ko ito pero wala siya. Diko siya makita... "Bakit? Bakit mo ako iniwan waaaaahhhhh......." isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay aira, hingal akong napaupo "Bakit ba? Ang sakit hu!" napahawak ako sa pisngi kong mahapdi.

"Bakit? Bakit mo ako iniwan?" pang gagaya ni aira "Gaga, sino ba yang nasa panaginip mo to the point na umiyak ka?" napahawak ako sa gilid ng mata ko may kunting luha nga. "A-akala ko totoo panaginip lang pala!" dissapointed na sagot ko. "Kaluka, yan kakapanood mo ng k-drama pati sa panaginip binabangungot kana!" saka ito humagalpak ng tawa binato ko nalang ito ng unan.


Kinuha ko ang cellphone saka ginawang wallpaper ang picture ni Park dong min sa lock screen, pero sa homepage na wallpaper picture namin ni kuya nakaakbay ito sakin nung minsang nagpunta kami nila mama sa beach. Pareho kaming nakangiti, kaya satwing nalulungkot ako picture namin ni kuya ang tinitignan ko feeling ko kasama ko lang siya lagi para gabayan at protektahan ako. I miss my kuya! Pero kailangan din matutunan kong lumayo para tumayo sa sarili  kong mga paa.




Wala itong suot na damit pantaas kaya kita abs nito feeling artista eh, naka black na bathing suit naman ako while i cross my arms na naka shades din pair kay kuya at naka bend ang isang paa sinandal sa may likod dahil may puno ng niyog. Hot kami tignan ni kuya dun, kaya madalas napagkakamalan kaming mag jowa kahit mga babae ni kuya pero mas gwapo si park dong min para sakin .


Hayy, napaka gwapo mo talaga, ang liit ng mukha, charming na mata, kissable lips. Hawig niya talaga si Chan Eun Woo... Kailan ba kita ma m-meet park dong min?





Nagising ako ng maaga para mag prepare ngayong araw kami pupunta sa agency na inaplyan ko para alamin kong anong unibersidad ang papasukan ko para maka pagsimula na ng trabaho. "Ui... Ang aga mo naman ata!" namumungay na mata ni aira ang bumungad sakin habang nag uunat pa ng kamay. "Wow fresh, kumusta naman ako gurl?" puna ni jasper ka video call ko ito.

"Ui.. Bakla, kumusta ang korea?" excited na tanong ni jasper "Diko pa alam, dipa ako naka gala eh. Ayan tanungin mo siya nauna siya may alam!" sabay turo ko kay aira. "Ui, bruha ikaw nga muna, aayusin ko lang pag lagay ng maskara di pantay eh!" utos ko kay aira. "Wow, salamat te hu' nakaligo kana samantalang ako di pa!" pagmamaktol nito.


"Ses, wag kana mag ayos wala din mababago eh!" pabirong singit ni jasper natawa naman ako na ikinainis ni aira, nagmadali na itong maligo ng makitang si kuya na ang  tumatawag "Bakit ayaw mo ba makausap si kuya?" panunudyo ko "Nahihiya ka pa din ba sa pag amin mong crush mo siya?" dina ito lumingon pa, nagmadali itong nagtungo ng banyo.



Hanggang sa marating namin ang agency campany dina nag open pa ng kung ano si aira. "Ang awkward hu!" pambabara ko "Wag mo kasing binabanggit ang kuya mo, naeereta ako eh!" "Okay sabi mo eh!" Na discuss na sakin lahat about sa papasukan kong trabaho.


Mukhang mag eenjoy ako ah' sana lang di gaya sa napapanood kong palabas na akala mo talunan ako palaging nakabusangot pag umuuwi dahil stress palagi sa work......





Update:

Hello beshhhhhhy.......

I wanna know your thoughts... Galaw galaw naman, press niyo star sa baba hehe, tapos yong box leave a comments down there hehe... Namilit😂😂😂

Charut lang hehe! Labyah all😘

MY ULTIMATE FAN GIRL_(ᴅʀᴇᴀᴍ ᴏɴ ʏᴏᴜ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon