II HIS PRESENCE

218 11 0
                                    

Kabanata 2

His presence

Room is my comfort zone, pero kapag may asunggot hindi na. Nakahiga si Tim sa kama ko habang may hawak na libro. Naka-sando lang siya at shorts. Mukha siyang bagong gising pero nandito siya ngayon sa k'warto ko at nangungulit. Dahil nasa same pa rin naman ang bahay namin so mabilis lang siyang makapunta rito kahit anong oras niya gustohin.

"Andrea, pumayag ka na. I need you."

I chuckled. Well ako lang ito.

"Parang yung mga panahon na pinipilit mo pa ako maging class President noon ah," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa swivel chair sa work desk ko. Wala naman akong work, hindi naman na kasi siya maiko-consider study desk kasi hindi na ako nag-aaral. "You know what, Tim? You should ask your girls to accompany you. Hindi naman yun mahirap sa dami ng babae na umaaligid-aligid sayo."

"Madali lang naman makahanap ng babae. Pero mahirap makahanap ng babaeng pwedeng pumantay sa mga babaeng makakasama nila."

"You see, I'm not sexy. You'll brag to me with their girl without knowing na wala naman akong laban."

"They will bring hot girls for sure, kaya nga cute girl ang dadalhin ko. Magbabago ang perspective nila sa word na maganda."

I almost choked because of his words.

"Wow! What a reasonable answer from you, Mr. Santiago." I chuckled. "Pilitin mo pa ako. Alam mo iba na yung dati sa ngayon so ano naman ang maipapangako mo sa akin?"

"Bilib din ako sayo. Magaling ka pa rin sa salitang Filipino."

"Of course kasi ako ay dalagang Pilipina. Hindi mo ako mauuto, so ano nga?"

Napaupo siya sa kama ko. Nakaalalay sa may likuran niya ang mga kamay niya habang ang mga paa niya ay nakalapat na sa sahig habang nakaupo. "I'll buy you a branded bag that you want. Isa lang, wala ng dagdag pa. Close na ang deal. Sasama ka sa party, and I'll buy you for favorite branded bag."

"Deal." I smirked while he's face is mukhang nalugi. "Ano ba dapat kung isuot?" I asked.

Baka naman kasi ma-out of place ako sa suot ko kung hindi ko alam.

"Dadalhin na lang yun later dito. Ako na bahala. I'll see you later, may kailangan pa ako ayusin. Susunduin na lang kita around 7 pm." I waved my hands before he left my room.

Dahil sa wala naman akong ginagawa, maghapon akong nasa k'warto. Lumabas lang ako kanina para kumain, since ako lang naman mag-isa sa bahay wala talaga ako magawa. My brother is busy with handling our grandparents' school. Isipin mo na lang may g'wapong may-ari ng school. Baka magkasala ka pa.

Si kuya na ang namamahala sa mga naiwan ni Lolo Dean. 4 years after namin umalis ng atakehin siya sa puso na naging sanhi ng pagkamatay. Maging ang lolo ko sa father side ay binawian na rin ng buhay dahil sa sakit din. Sa ngayon lolo na lang sa mother side ang natitira. Mahina na rin siya dahil sa katandaan. Sa probinsya siya nag-iistay kasi yun naman ang pinili niya.

"Ma'am, dumating na po ang pinadala ni sir Tim." Tumayo ako saka pinagbuksan ang katulong.

"Pakipasok na lang."

Hindi ko na muna binuksan ang kahon. I decided to take a bath before opening it. I put some makeup on my face and curl my mid-back straight hair. After I curled it in a slight wave, I put my phone in my purse.

Cute pink coral lace short sweetheart romantic party dress is what gown and a gold type of belt are inside the box. Hindi ko naman alam na kacareerin ko talaga ang pagiging cute. Hindi naman ako nahirapan sa pagsuot dahil tube type naman ito.

Nang saktong 7 pm ay lumabas na ako sa k'warto ko. I take some pictures to para pang post sa IG, nangangalawang na kasi. Nagmukha na akong model sa bahay ng wakas ay dumating din si Tim.

"I thought after life ka na darating. Hanggang ngayon ba naman late ka pa rin?" I asked.

"I'm sorry, madam. So... let's go?"

"Basta huwag mo kalimutan ang pinangako mo. Once na wala pa pag-uwi ko ang bag, tatlo na utang mo sa akin."

"Opo."

Dahil sa pagod daw siya ay nagdala siya ng driver. Nagretouch na lang ako sa sasakyan kasi nakapikit naman siya.

"Don't drink too much, Andrea. Hindi bar ang pupuntahan natin, maawa ka sa akin. Ayoko mapahiya kaya please... behave."

Nagsasalita na siya ng tulog. Alam ko naman ang gagawin ko. Hindi ko naman first time umattend ng party.

Syempre pagpasok namin ng hall ay pangbonggang party nga ito. Marami ring mayayaman na bisita na halata naman sa mga suot nila. Nakaalalay sa akin si Tim, ginagampanan ang pagka-gentleman cousin. Akala mo naman mabubuwal ako. Bumabati si Tim sa mga kakilala niya ako naman taga-ngiti lang.

Nang may dumaan na waiter ay kumuha ako ng isang baso ng wine saka sumimsim. Nang lumingon sa akin si Tim ay nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa baso ko.

"Isa lang," nakangiti kong sabi kaya napa-irap na lang siya sa akin. Nang maubos ko na ay nagpasalin ulit ako. "Isa pa pala," bulong ko sa sarili ko. Nang makita ako ni Tim ay inagaw na niya ang baso sa akin.

"Sabi ko behave. Baka hindi ko sundin ang napag-usapan, Andrea."

"Fine."

Mga sexy nga halos ang dala ng mga kakilala niya pero napapako na sa akin ang mga mata ng mga lalaki. Minsan may teen, gusto ata akong gawing ate. May mga kaedad ko rin, gusto na siguro ako asawahin. May mga may edad na gusto na ata ako maging anak, apo sa cuteness ko.

"Tim, itago mo na lang ako. Kanina pa sila nakatingin sa akin, naasiwa na ako."

"Hanggang tingin lang naman ang mga yan. Hanap ka na lang ng pwede mo rin titigan."

"Salamat. Nakatulong ka talaga." Nagpaiwan na lang ako sa isang mesa dahil sa wala naman akong magawa. Nilibot ko na lang ang paningin ko. Tama siya pwede naman ako maghanap ng pwede kong titigan. "Right side kaya or left side?" bulong ko sa sarili ko.

Sumisimsim ako ng wine ng napako ang tingin ko sa lalaking nakangiti habang may babae na nakaangkla sa braso niya. He's wearing navy-blue double breasted suit. Mukha silang masaya ng kasama niyang sexy. Napatingin ako sa dibdib ko.

Walang laban.

Pinilit ko iiba ang atensyon ko pero balik ng balik talaga sa kanila. Pinaghila niya pa ng upuan ang babae, at kung anu-ano pang sweet gestures. Siguro girlfriend niya, or asawa or pwede rin na wala sa nabanggit.

"Are you fine here?" Timothy asked. "Nakailang baso ka na?" Napatingin ako sa hawak ko. Nagbibilang pa ako sa isip ko at saka ko lang narealize na hindi ko na mabilang. "Andrea, sabi ko behave."

"Behave ako. Uwi na lang kaya tayo. Wala na ako sa mood. Halos magdadalawang oras na rin naman tayong nandito. Or mauuna na ako?" tanong ko.

"Mauna ka na nga. Magpahatid ka sa driver. Pabalikin mo na lang ulit dito." Ngumiti ako ng malawak saka tumayo at humalik pa sa pisngi niya. "Wala kang bag."

"Hoy! How dare you!" Napatingin sa amin ang mga tao kaya napahilamos na lang ng mukha si Tim.

"Fine. Umuwi ka na."

Pagkalabas ko ng hall ay nakita ko si Art na may kausap sa phone ng nasa hall way na ako ng hotel. Huminga pa ako ng malalim bago naglakad papunta sa gawi niya. Nakatalikod naman siya kaya hindi na niya ako mapapansin. Nang malapit ko na sana siyang malampasan ay sakto namang pagharap niya sa gawi ko, medyo nahalata ko ang gulat sa kanya at pagkatulala.

"I'm sorry. What is it again?" tanong niya sa kausap niya sa phone ng makabawi.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa parking lot. Napabuga pa ako ng hangin dahil sa nakalimutan ko na ata huminga kanina. Ba't ba may ganoon pa sa tuwing nasa paligid ko lang ang presensya niya? Nakakakaba pa rin.

Hindi nawala ang ngiti ko sa labi ko. May epekto pa ba ako sayo, Art? Masyado na naman akong nagbubuhat ng sarili kong upuan.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon