XXX LET'S TALK

190 10 3
                                        

Kabanata 30

Let's talk

Nagising ako ng may suot na akong damit. Damit lang talaga, damit niya. Maingat ako na bumangon para hindi siya magising. Ibinabad ko ang sarili ko sa bathtub. Masakit pa rin, grabe naman, first time kasi. Medyo nahirapan nga ako maglakad eh, hindi ko naman ineexpect na ganoon eh. My gosh! Umiling-iling pa ako habang iwinawaksi ang mga nakita ko kagabi.

Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari. Art is my everything, I don't wanna lose him again. Hindi ko na rin ata kakayanin.

Matapos ko maligo ay kumuha ako ng shorts at tshirt sa closet ni Art. Nang tuyo na rin undies ko kaya okay na. Nagluto ako ng fried rice, bacon, at scrambled eggs. Yun lang ang mga niluto ko para sa agahan namin. Nilubayan ko talaga yung hotdog. Nang maihanda ko na sa mesa ang pagkain ay nagulat ako ng makita ko na tumatakbo si Art, magulo pa rin ang buhok niya na halatang kagigising pa lang. Nakaboxer lang siya kaya napaiwas ako ng tingin. My eyes. Nagulat ako ng dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Damn! I thought you left again," sabi niya habang yakap ako. "Tinakot mo ako."

I chuckled.

"Nagluto lang ako."

"Bakit kasi hindi mo ako ginising?" tanong niya. "Ako dapat magluluto eh."

Naging maayos ang breakfast namin. Siya na rin ang naghugas ng mga pinggan dahil sa ako na ang nagluto. Nakaupo lang ako sa high chair habang umiinom ng juice habang nakamasid sa kaniya. Nang lumingon siya ay ngumuso siya.

"Stop staring, baby. Nadidistract ako maghugas ng pinggan. Pero infairness, sa tinagal-tagal ko sa mundo ngayon ko lang nagustohan maghugas." Sumimangot ako sa sinabi niya kaya tawang-tawa siya.

Nang maligo siya ay naiwan ako sa living room. Napaisip ako na kailangan ko ng tapusin ito. I need to talk to them. Hindi ito matatapos kung hindi ko ito sisimulan.

It's time to fight. Sa laban na ito hindi ako mag-iisa kasi alam ko na lumalaban si Vincent. Hindi siya uuwi para pabayaan si Kieran. Hindi ko naman ibinibigay or basta na lang itinutulak si Kie, alam ko na napipressure lang siya. Ayaw niya lang kamuhian siya ng pamilya niya. But he always have me kahit nasasaktan na ako sa mga ginagawa niyang pagsasawalang bahala.

Nang matapos maligo ni Art ay dinala niya ako sa kuwarto niya. Nakahiga ako sa braso niya samantalang hinahaplos-haplos niya ang buhok ko. Nakayakap rin ang isa kong kamay sa baywang niya habang nakapikit.

"There are so many things I want to ask but when you told me that you love me, my world stopped." He kissed my forehead that's why a gave him a short smile. "I can't wait to be your husband. Sa lahat ng hiling ko, ikaw lang ang pinaka nasa taas at hindi nasa dulo."

I chuckled. He smiled.

"Let me fix some things, Art. Just trust me, baby. Hindi kita niloloko." Nagmulat ako ng mata saka ko hinaplos ang pisngi niya dahilan para mapangiti siya habang nakapikit. "This time I'll pull some strings and ako dapat aayos. Okay? But don't worry, ikaw na rin naman ako uuwi. Just trust me, that's all what I want from you."

"Fine. Don't do stupid na makakasakit sayo. Kapag hindi mo na kaya tandaan mo na ready ako itanan ka." Kinurot ko ang pisngi niya dahilan para ngumiwi siya. "I love you."

"Should I answer?' tanong ko.

"No. Kiss in the lips means I love you too so—" Dali-dali ko siyang hinalikan sa pisngi niya para matigil siya. "Lagi mo akong binibigla, Andrea. Dapat matagal."

"No." Umayos ako ng upo saka humarap sa kaniya. Nakasandal na siya ngayon sa headboard ng kama habang hinahawakan ang kamay ko. "Drive me to Kieran's condo. Nandoon kotse ko tsaka may kakausapin ako doon."

"Ngayon na ba? Mamaya na kaya. Gusto pa kita makasama eh."

"30 mins."

He sighed then I giggled. "Fine," walangbuhay niyang sagot. "Bibisitahin kita sa bahay niyo, makikisleepover ako sa k'warto mo. I wanna see how you organize your room."

"Ang kapal mo. Malinis din ako sa kuwarto ko. Tsaka nandoon sina mommy, wala pa silang alam. Tsaka my gosh baka ipatapon ako ni kuya sa ibang dimension."

Nang hindi na ako nagbihis pa ng damit pero pinapitan ko ng jeans ko ang shorts ni Art. Didiretso ako sa unit ni Kie to check them.

"Amoy na amoy ko ang amoy ko sayo." Bqhagya siyang tumingin sa damit niya na suot ko. "Pwede namang mga damit ko na lang ang suotin mo, Andrea. Pwede ring huwag ka na lang magdamit basta ako lang ang nakakakita."

"Such a pervert!" I hissed. He chuckled. "Bilisan mo na nga."

Dapat ay hindi siya sasama pero naiinis ako kasi gusto niyang sumama at hindi ko na siya pinabalik. Hindi ako sumabay sa kaniya sa paglalakad nauna ako. Nang makarating kami sa harap ng unit ni Kie ay kaagad ko na pinindot ang password. Nang magbukas ang pinto ay tuloy-tuloy ang pagpasok ko pero gusto ko na lang lamunin ng lupa. Napatalikod ako kaya napaharap ako kay Art na ngayon ay literal na nakanganga.

Itinulak ko siya papalabas sa unit at mahina kong isinara ang pinto. Napabunga ng hangin si Art at napatakip ng kaniyang mga mata.

Okay. I don't expect it from them. Akala ko inaayos pa pero mukhang maninira ata sila ng gamit sa counter table.

"My gosh, Andrea. Baby, alisin mo sa isip ko ang mga nakita ko. I mean hindi ako against pero damn, baby!" Kanina pa niya sinasabi yan. Wala naman akong power na maalis ang nakita niya kanina. Sino ba namang hindi mabibigla. Kahit ako biglang-bigla. " For pity sake. They're kissing. Nasa counter pa talaga habang nakaboxer na lang at nagkalat ang damit. Oh crop!" Hanggang sa sasakyan ay hindi pa rin siya makapaniwala.

"Manahimik ka nga. Kiss lang naman yun." Alam ko na hindi. My gosh ang isip ko. "Sa bahay tayo. Hindi ko na muna kukunin ang sasakyan ko."

Umuwi ako sa bahay at nadatnan namin sina mom and dad. Dahil magkahawak kami ng kamay ni Art ay doon napako ang paningin ng dalawa. Bibitaw sana si Art ng higpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

"Mom, me and Kie has nothing romantic feeling with each other. We're just a best friend. And this, guy." Turo ko kay Art. "He's my man po."

Natawa si daddy kaya tinampal ni mommy ang braso niya. "Help us to stop, tito Kris. He's blackmailing me, dad. He's using Tim. And I know Kieran too. Me and Kie are not for each other, mom. I know you can help me." Nagulat ako ng lumapit si mommy ay niyakap ako pero hawak ko pa rin ang kamay ni Art.

"I'm sorry." Biglang nanubig ang sulok ng mga mata ko. "Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi kayo eh. Nagpromise ako sayo diba?" Hinawakan niya ngayon ang pisngi ko. "Nagpromise ako na hindi namin uulitin ng daddy mo kung anu man nangyari sa amin noon, anak. Of course, mom and dad is on your side." Bahagya siyang lumingon kay Art.

"Hi po. I'm Art Luther Hernandez—" Hindi na natuloy pa ni Art ang sasabihin niya ng niyakap siya ni mommy. Binitawan ko ang kamay niya saka ako lumapit kay daddy at ginawaran ito ng yakap.

"Welcome to our family, Art." Sa sinabi ni mommy kay Art ay nanubig ang mata ko dahilan sa pagtulo nito.

"Alagaan mo ang prinsesa namin, Art. Welcome to the family."

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko wapa na akong mahihiling pa. My parents are now really okay and they support me whatever I want. Hindi na ako makahihiling pa. Masaya na ako sa kung ano man ang mayroon sa akin ngayon.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon