XXXIII PARTYGIRL

150 8 0
                                        

Kabanata 33

Party girl

I have become super busy with my shop. I didn't expect that there some artist and model wants to meet me up to see what design I've got. I'm happy and very blessed. This is some of my law of attraction, and I'm happy that some of them are happening right now.

"Ms. A, nagpadeliver po ng pagkain ang jowa mo. Ipinahanda ko na po, kain na muna po."

"Madami ba siyang pinadala?" I asked. Tumango siya kaya nilapag ko munaang hawak kong tape measure. "Tara na. Kain muna tayo. Sabay-sabay na tayo."

Kanina pa ako busy sa pananahi at palalagay ng mga design sa mga gown. tumigil muna kami sa pag-dedesign ng mga damit dahil  napakaraming omoorder.

Malapit na raw matapos ang hassle na project ni Art. Kahit papano ay makakabisita na raw siya. Pinagbawalan ko kasi siya na puntahan ako. Mas gusto ko na itulog na lang niya ang free time niya kaysa umalis pa siya para puntahan ako kaya sa call lang kami nakakapag-usap.

Inabot na ako ng dilim sa shop. Dumating na rin ang guard kaya nagpatulong kami sa kaniya sa pagsara ng shop. Iniwan ko na rin sa kaniya yung pagkain na para sa kaniya. May lakad kasi kami ni Zeun kaya nagdinner na ako sa shop.

"Ano sure ka, Kesley? Hindi ka talaga sasama?" Kanina ko pa siya kinokumbinsi. Kanina pa rin siya todo ayaw. "May iniiawasan ka ba?"

Iling siya ng iling na parang hindi ko dapat itinanong ang tanong na iyon. Hindi ko na siya pinilit pa. Kawawa naman, puro pag-iling lang ang sagot niya. Sarap nilang pagtripan ni Zeun, feeling ko kasi may something sa kanila. Nahihiya lang talaga ang dalawa pero may feelings naman para sa isa't isa.

"Ang tagal mo. Sana aware ka na kanina pa ako naghihintay sayo. Sarap mong ipatumba eh," masungit na sabi ko sa kaniya. "Ano!" hasik ko ng ang sama ng tingin niya sa akin.

"Ang sama mo rin. Ikaw na nga itong sinusindo eh."

"Sino nag-insist? Ganyan ka kasi iniiwasan ka ng crush mo. Alam mo yang galawan mo parang pang-high school. Ano na Zeun?"

"Sumakay ka na nga lang. Ang daming satsat, Andrea. Palibhasa may lovelife. Magbibreak din kayo."

Nang makarating kami sa bar ay iniwan kaagad ako ni Zeun. Ibinigay niya rin sa akin ang remote ng sasakyan niya. Mukhang may balak pa atang magkalasing.

I don't know the real score between them. Basta ang alam ko may something na sa kanila. Parati ko rin nakikita na panay ang tawag ni Zeun kay Kesley.

Nagulat ako ng makita ko si Zat kasama si Euqe. Naghuhunting si Zat ng magiging asawa. Masyado na raw siyang naiinip kaya asawa na raw hahanapin niya para sure na.

Dahil sa hindi talaga ako pwede magpakalasing ay hindi na nila ako pinilit. Sudunduin naman daw si Euque ng asawa niya kaya ayos lang. Sila na rin daw bahala kay Zat.

Art;

Nasa bar ako. Sorry late ako nakapagpaalam. May co-worker want me to be with them. I'll behave, baby. I promise.

Natawa na lang ako sa text niya. He doesn't know na nasa bar din ako. Nakalimutan ko rin na mag-paalam sa kanila kaya kaagad ako nagtype ng message sa kaniya kaso nagulat ako ng yumakap sa may likuran ko. Buti na lang at kilala ko na kaagad yung amoy.

"Hindi ko alam na paparty ka ngayon. Ba't hindi mo sinabi?"

Pinakita ko sa kaniya na magrereply na sana ako. "Sorry. Actually nandito lang naman ako samahan si Zeun. Gusto ata magpakawasted." Nang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko ay alam ko na pagod siya. "Puntahan mo na mga co-workers mo. Okay lang ako rito. Tsaka I'm with Euque and Zat too."

"I'll be back. Ako na maghahatid sa inyo. Wala naman akong dalang sasakyan." Tumango ako saka siya humalik sa pisng kobago ako tuluyang iniwan.

Nang mapagod si Zat ay bumalik na sila sa piling ko, char. Bumalik na sla kassi lasing na si Zat. Nagtest na rin daw asawa ni Euque kaya ilang minuto aydaratingna raw si Weylan.

Hindi pa nakontento ang dalawa kaya hinila na nila ako sa dance floor bago pa man daw dumating si Weylan. We danced, laughed, and enjoy. Sa edad namin ngayon ibang-iba na sa kung ano kami noon. Ang mahalaga kinakaya pa rin namin ang dagok ng buhay hanggang sa kung ano man kami ngayon.

"I thought you will not drink," Art said. "But you're wasted now."

Hindi ko alam kung bakit mabilis akong nalasing ngayon. Umiikot na rin ang paningin ko. This is Weylan's fault. Kung nagmadali lang sana siya ay hindi na ako mapapainom pa ng marami dahil sa dalawang babae na 'yon.

Si Art na ang naghanap kay Zeun. Bagsak na raw pala ito kanina pa. Dahil kaya ko pa maglakad ay hawak ni Art ang kamay ko habang papalabas kami ng bar. Pasa-pasan niya tuloy si Zeun.

Nang maipasok na namin sa sasakyan si Zeun ay nakita ko si Kesley na papasok sa bar kaya pinahabol ko ito kay Art.

"Magsisisi ka na nagpakalasing ka, Zeun." Tumawa pa ako ng bahagya bago ko nakita si Art na kasama na si Kesley. "Ikaw na bahala sa kaniya, Kes. Naghihintay naman yung cab sa inyo so kami na bahala sa sasakyan niya. Enjoy."

Hinila na ako papasok ng sasakyan ni Art bago niya inilabas muli si Zeun. Nang makaalis na sina Kesley ay saka lang ako pinuntahan ni Art. Nakabukas pa kasi ako pinto ng sasakyan. Inayos niya ang seatbelt ko saka hinaplos ng bahagya ang pisngi ko.

"Iuwi kita sa unit ko nakita mo," sabi niya. Galit ata? "Sa unit ko na lang talaga. Ang pangit naman kung iuuwi kita--"

"Gusto ko sa bahay. Doon ka na lang," sabi ko bago ko ipinikit ang mga nata ko. Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa. "Gusto ko na matulog. Let's go home."

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko nakauwi naman kami ng safe. Pinatulog na lang si Art sa guestroom at halos isumpa ako ni Zeun kinaumagahan. Hindi ko naman kasalanan. Nauna na talagang may tumawag kay Kesley na nagtatrabaho sa bar. Babe raw kasi nasa name kaya iyon ang tinawagan. So kawawa nga si Zeun. Masyadong kahihiyan ang inabot ng lalaking iyon.

"Next time sabihin mo kapag magpaparty ka. Ako mismo magsusunod, Andrea. Masyado mo akong pinahirapan kagabi. Pero ayos lang na ako ang mahirapan huwag lang iba kasi mahal kita."

Gusto ko ihambalos kay Art ang bitbit kong hanger sa kadaldalan niya. Hindi nakakatuwa ang mga magagandang salita. Nakakaurat talaga, mas okay na makita sa gawa.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon