XIX SAVED

151 11 0
                                    

Kabanata 19

Saved

Art and I are still seeing each other. Sometimes were having a coffee and sometimes we're going to a restaurants too. No one up what's going on about Tim. I don't know what is his problem because he's not telling me what's happening.

"Ms. A, sure ka na ikaw na magkikipagmeet sa client?" Kesley asked. "Hindi na po ba talaga ako sasama?"

I smiled but her eyes is still shouting that she wants to accompany me.

"Don't worry to much, Kesley. Para kang tanga, dinaig mo pa boyfriend —"

"May boyfriend ka, Ms?" tanong bigla ni Mickey. I glared at him. "Ay masama ang tingin."

"For your information...I don't have a boyfriend, Mickey." I pouted. "Hanapan mo ako baka pwede pa."

"Baka malagot ako kay fafa na sumusundo sayo, mamash. Don't try to get him jealous kasi hindi ikaw ang masasapak kapag nagkataon, baka ako." We chuckled. "Take care, Mamash. Dapat kasi magpasama ka na lang." I waved my hands to they as my goodbye.

Dali-dali na akong lumabas hawak ang plastic bags na dala ko. Laman ito ng mga damit na ginawan ng paraan para malapit sa uso. May isang store na nag-order sa amin at ako na ang magdadala.

Nagdrive ako kasi may dala akong sasakyan. Nang makarating ako sa location ay maraming tao. Mukha kasing daanan papuntang market kaya naman dumiretso na lang ako kung saan ako pupunta. Nagpark ako sa gilid ng kalsada saka bumaba ng makita ko na nasa kabila pa pala ang store. Dahil no parking doon naglakad na lang ako papunta doon.

Buti na lang at medyo magaan naman ang dala ko. Palinga-linga pa ako bago ako tumawid sa kabilang kalsada. Nang makapasok ako sa store ay kaagad din niya ako binayaran. Pagkalabas ko ay sakto namang tumatawag si Zeun.

"Problema mo?"

[Where are you?] he asked. [Why did you leave without me?]

"Wala ka namang sinabi."


[Where are you? Pupuntahan kita.]


"Ano—" Hindi ko na natapos sasabihin ng bigla na lang may humablot sa cellphone ko, maging ang hawak kong sling bag. "Hoy!"


Mabilis ang pagtakbo niya kaya naman nakitakbo ako. "Hoy! Gago ka!" sigaw ko.


Buti na lang at nakasapatos lang ako ngayon. Not my bag! Takbo rito, liko roon. Suot dito, suot doon. Hindi ko siya tatantanan.


Hingal na hingal na ako pero panay lingon niya sa akin kaya naman nagpatuloy ako. Nang mabangga siya sa nagtitinda ng prutas ay tumilapon ang mga prutas na tinda ni kuya. "Kuya, tulungan mo ko! May atraso sa akin yan!" Akala ko hindi na ako tutulungan ni kiya pero nakihabol na rin siya.

Habang patuloy kami sa paghabol sa snatcher ay napalingon ako sa tabi ko na pumipito na at halos malampasan na ako sa bilis ng pagtakbo. Parang slow-motion ang paglagpas niya sa akin, ang g'wapo ni kuyang pulis.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may hunarang pa na pulis kaya nacorner ang snatcher. Halos matuyuan ako ng laway sa pagod. Nakayuko ako habang nasa tuhod ko ang mga kamay ko dahil sa pagod. Sumakit ata ulo ko sa kakatakbo.

"Miss, gamit mo ba ito?" pag-angat ko ng ulo ko ay iniabot sa akin ni kuyang pulis ang sling bag at phone ko. "Iyo 'to?" I nodded. Tumayo ako ng maayos at pinunasan ang pawis ko bago ko kinuha sa kanya ang gamit ko.

Nang mapatingin ako sa name niya na nasa uniform ay laking gulat ko ng makita ko ito, hindi niya ako nakilala at hindi ko rin siya nakilala.

I smiled but he gave me a questionable look.

"Grabe ka, Rey. Pulis ka pala?" hinihingal ko pa rin na tanong. "Hindi kita nakilala. It's me, Andrea." Nabigla rin siya bago ako niyakap.

Narinig ko ang hiyawan sa likod kaya napabitaw si Rey at napalingon sa kasamahan niya.


"Bilis talaga ng pulis!" sigaw ng isa.

"Mga malisyoso! Kaibigan ko ito!" sigaw pabalik ni Rey kaya natawa ako. "Kamusta ka na?" he asked.


"Syempre, fine."


"Sumama ka sa presinto. May mga kailangan kami itanong sa inyo ng kasama mong tumatakbo." Nakita ko si kuyang tindero ng prutas na sumama na rin sa mga pulis. "May sasakyan ka?" I noodded.

"Wait me here."


Kinausap niya kasamahan niya bago bumalik. Sinamahan niya ako kung nasaan ang sasakyan ko saka siya na raw magdadrive. Dumiretso kami sa presinto, nakaalalay sa akin si Rey habang nasa upuan ay binigyan kami ni Rey ng tubig.


We explained what happened. Wanted pala si kuyang snatcher kasi pusher pala siya at mag-iimbestiga pa sila sa ibang maaring kaso nito. Dahil mukhang wala naman mahihita si kuyang tindero ay binigyan ko ito ng 5k.

"Salamat, kuya. Salamat kasi tinulungan mo kami."

"Salamat din po rito, ma'am. Ingat po kayo."


Nang makaalis na si kuya ay tinawagan ko si Zeun at sinabi ko na nasa presinto ako. Mura pa siya ng mura kasi bigkanna lang daw naputol ng tumawag siya, akala niya kung ano na nangyari sa akin.

"Sure ka hindi ka na magsasampa ng kaso?" Rey asked. I nodded. "Kahit hindi ka naman na magsampa ng kaso marami maisasampa sa kanya."


"Kayo na lang bahala sa kanya."


"Uuwi ka na?"

"Susunduin daw ako ni Zeun. Tumatawag kasi siya kanina mahablot phone ko kaya nagkada-mura-mura pa ang gago!"

Nag-usap pa kami ni Rey habang wala pa si Zeun. Nang nakarating si Zeun ay kaagad niya ako hinanap. Nagtaxi na lang daw siya para siya na ang magdadrive ng sasakyan ko.

"Ang anggas mo na, P're. Pulis patula ka lang ata eh." Inakbayan ni Rey si Zeun ng papalabas na kami sa presinto. "Puro anggas."


"Ang kapal talaga ng mukha mo, Zeun. Inggit ka lang sa akin."

Tumingin sa akin si Zeun at sinamaan ako ng tingin. "Sabi na kasi magpasama ayaw makinig." Napalingon si Rey sa akin saka ngumiti. "Ang kulit-kulit, sumbong kita kay Kie diyan eh ay kay Tim pala ay baka kay Art," nagugulohang tanong niya sa sarili niya.

"Kayo ni Art?" casual na tanong ni Rey. "Nagkita pala ulit kayo." I nodded.

"Pero hindi kami."

"Hindi pa kamo," singgit ni Zeun. "Mauuna na kami, P're." Sumaludo pa ito kay Rey kaya natatawa ako. "Salamat sa pagtulong sa babaetang pasaway na ito," dagdag pa niya.

Kumaway kami sa kanya ng makapasok na kami sa sasakyan. Nakita pa namin ang paglapit kay Rey ng isang babae na may dalang bata kaya napapreno bigla si Zeun at napalingon din sa likuran. Nang makapasok na ang mga ito ay saka ko narinig si Zeun na tumawa.

"Anggas talaga, may anak na pala. Pulis mabilis, ang gago!" Tinampal ko siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Nakakapagod ang araw na ito. Pinagalitan ako ni Zeun kasi hinabol ko pa raw yung magnanakaw sana tumawag na lang ako ng pulis. Paano raw kung nasaktan ako! Paano raw kung may baril or kutsilyo pala yun! Paano raw kung hindi ako iniligtas ni Rey! Napahamak ba ako? Hindi naman ah! Mukhang tatay na naman ang lalaking ito!

Pwede na maging tatay wala nga lang asawa or ni girlfriend.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon