XXXI FAMILY TALK

177 12 0
                                        

Kabanata 31

Family talk

Dito matutulog si Art. Yeah, pinayagan siya nina mommy basta raw si kuya muna talaga muuna magkaanak at maikasal. Wala pa kaming balak na magmadali kasi si kuya muna talaga. Dahil lagi pala siyang ready may damit siya sa kotse niya kaya ngayon ay naliligo siya sa bathroom ko. Ako ang nauna kaya nagbo-blower na lang ako ng buhok ko habang nagbabasa ng iilang email. Inayos ko rin ang iilang ni-sketch ko.

"Baby, come here." Napairap ako bago ako padabog na maglakad papunta sa comfort room. "Faster."

"Bakit ba!" sigaw ko. Nang makapasok ako ay nakabihis naman na siya. Hawak-hawak niya ang iilang mga pangskincare ko. "Ano yan? Gusto mo?" tanong ko.

"Ako mag-iskincare sayo. Binuhat niya ako at pinaupo sa mesa. "Sabihin mo kong ano uunahin ko sa mga ito. Hindi ko alam eh."

Sinabi ko ang mga dapat niyang gawin. Serysong-seryoso siya kaya tawang-tawa ako. Minsan lang din naman talaga ako magskincare. Sabon at lotion lang talaga ang kadalasan ko nagagamit kaya naman dahil nag-insist siya ngayon, gogora na ako.

Habang pinagmamasdan ko siya sa ginagawa niya ay napangiti ako ng sumagi sa isip ko na ang s'werte ko sa kaniya. Hindi man kami yung couple na katulad ng iba na sobrang sweet, maganda ang first meet, at maraming memorable memories, at kung anu-ano pa. At least alam ko na matured ang lalaking bumihag sa puso ko.

"Stop staring, Andrea." Ngumuso ako kaya bigla niya ako hinalikan. "Bayad mo yun sa ginagawa ko."

Nang matapos ay nahiga na kami. Hindi na kami nag-usap pa dahil sa alam ko na pareho kaming pagod na. Natulog ako na siya ang katabi ko at nagising ako na siya pa rin ang nasa tabi ko.

"Good morning, baby." Napatakbo ako papunta sa cr at kaagad na naghilamos at nagtoothbrush. "Baby, you're beautiful. Ba't mo ako iniwan."

"Malamang kasi umalis ako," sabi ko. Niyakap niya lang ako habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang nasa harap kami ng salamin. "Pupunta sina Kieran dito ngayon, dito sila magbi-breakfast."

"It's okay. Sa nakita ko kahapon aba hahawakan kita ng mahigpit." Natawa ako ng maalala na nama ang mga nasaksihan namin kahapon. "Maliligo lang ako."

Nauna na siyang maligo. Inihanda ko ang damit niya sa kama ko maging ang isusuot ko. White long sleeves ang kanya ganoon din ang akin. Lalagyan ko lang ng belt ang akin para naman may dating. Paglabas niya sa cr ay nakabathrobe siya habang nagpupunas ng buhok niya gamit ang isang kamay niya.

"Lumabas ka na after mo magbihis. Susunod na lang ako," sabi ko bago ako pumasok sa cr. Naligo ako at halos natagalan dahil sa pagbababad ko sa tub.

Paglabas ko sa kuwarto ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako nagbihis ng damit ko. Naglagay din ako ng kaunting light makeup dahil agahan lang naman. Pagbaba ko ay nakita ko si Vincent na kausap si Art.

"Where's Kieran?" I asked.

"Sabay sila pupunta ng family niya rito." Bakit marunong na siya magtagalog kahit medyo may accent pa rin talaga. "I'm nervous."

"You're afraid uh." Panunuya ko habang natatawa. "Kaya mo yan. Cheer up."

"I don't care about how his parents react. I am afraid that Kieran's decision."

"Sa kabila ng nakita ko. Hindi pa sure?" Sinamaan ko ng tingin si Art. "Men, minarkahan mona kaya magtiwala ka." Taka siyang tinitigan ni Vincent.

Nang dumating ang parents ni Kieran maging siya ay dumiretso kami sa dining. Katabi ko si kuya at Art. Nasa kabilang bahagi naman sina Kieran kasama ang parents niya at katabi niya si Vincent.

"So ano ang pag-uusapan?" tanong ni tito Kris. "I thought this is a family talk. Bakit may sabit?" Sinamaan ni tita George ng tingin si tito Kris.

"George, you're my bestfriend pero hindi ko mapapalampas ang ginawa ng asawa mo." Nagulat si tito sa sinabi ni mommy. "Walang engagement party na magaganap. Walang kasal na magaganap. Pumayag lang naman ako kasi akala ko may something kina Andrea at Kieran. Pero all this time, wala naman pala talaga."

"What are you talking about, Amira?" tanong ni tita kay mommy. "Hindi kita maintindihan."

"Ikakasal sila. Walang hindi matutuloy." Nagulat ang lahat ng ibagsak ni daddy ang kamay niya sa mesa matapos sabihin ni tito Kris iyon. "What?"

"Art is my daughter's boyfriend." Turo ni dad kay Art. Hinawakan ni Art ang kamay ko na nakapatong sa binti ko. "Kung may ikakasal man sila iyon at hindi si Kieran. Huwag mong iniipit ang mga bata. Wala naman silang relasyon. Huwag kayong mag-alala palalampasin namin ito pero subukan niyo pa gumawa ulit ng hakbang ay magkakalimutan tayo."

I heard tito Kris chukled. Matalim niya rin tiningnan si Kieran na nananatiling nakayuko.

"Tito, Kieran is my best friend. Walang may kung ano sa amin." Tumingin sa akin si Kie kaya ngumiti ako. "I'm sorry," dagdag ko saka tumingin kay Vincent.

May kasalanan din ako. Ginamit ko si Vincent. Alam ko na mali pero paano kung sila talaga diba? Hindi naman ako against at hinding-hindi ako magiging against sa kanila. Kita ko kung paanong itrato na special si Kieran. Ang mahalaga rito kung sino ang mahal mo at kung kaya kang alagaan nito.

"Mom, I'm sorry." Tumayo si Kie at inayos niya ang necktie niya. "Me and Andrea is not what you all thinking. Yes, I love Andrea. I love her as my bestfriend. Nothing more, nothing less. This man." Turo niya kay Vincent. "Is my man." Bahagyang pinisil ni Art ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya. "Dad know that I am different. Kaya ginigipit niya ako maging si Andrea. Pero... I'm sorry pero walang makakapagpabago pa sa akin." Hinatak ni Kie si Vincent palabas.

Galit na galit si tito habang pinipigilan soya ni tita George. Hindi tanggap ng papa niya kung ano ang mayroon sila ni Vincent.

"I love you," bulong ni Art habang ang kamay niya ay naglalakbay sa likuran ko. "I'll hold you tight this time, baby. Mahal kita."

I smiled and I cupped his face to give a kiss on his lips.

"I love you too," I said while smiling.

Nagulat kami ng biglang pagtikhim nila Daddy at mommy. Lumapit ako sa kanila saka yumakap. Grabe, ang s'werte ko. Sa dami ng pinagdaanan namin ganito pala yung feeling na suportado ka ng pamilya mo. Na ikaw yung kinakampihan nila. Na ramdam mo na mahal ka nila.

"I love you both."

"We love you too, Sweetheart." Lalo kung hinigpitan ang yakap ko sa kanila.

Ito ang family talk na hindi ko makakalimutan. Na naramdaman ko na pamilya ko sila, na mahal nila ako.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon