Chapter 14
A night with him
Hinatid ako ni kuya sa shop. Nagsimula na ulit ako sa paggawa ng gown na ako mismo ang may gawa. Syempre kailangan ko rin mahasa sa field na pinalalago ko. Kumuha ako ng tao para may katulong ako sa paggawa ng mga gown para sa pang-ilalim dahil magagawan pa ito ng magandang art kapag nilagyan ng pagkakamalikhain.
"Kesley, kailan darating ang mga inorder ko na tela?" I asked her while I am sipping my coffee. The tape measure is still around on my neck. "Ngayon ba yun?"
"No, Ms. A. Bukas daw po. Masyado po malakas ang ulan, Ms."
Lumabas ako sa kuwarto kung nasaan kami at nakita ko nga namaulan pala. "Ganoon ba ako ka busy ng hindi ko na napansin na umuulan pala?" tanong ko sa sarili ko.
Bumalik ulit ako sa loob at kaagad na pinagpatuloy ang pananahi ko. Inayos ko ito at alam ko na masaya ako sa ginagawa ko. Nagsisimula na rin kami magdisplay ng mga gown sa shop para naman may laman na at kahit papano ay bisitahin na kami ng tao.
Nang paglabas ko ay nakita ko pa rin na madilim sa labas. Nag-aayos na sila ng mga gamit nila kaya naman sabi ko na mauna na sila at ako na ang magsasara. Nagpupumilit pa na magpaiwan si Kesley kaso sabi ko okay lang.
Pagtingin ko sa relo ko ay nakita ko 6 pm na. Nakakatawa lang na kapag gustong-gusto mo talaga ang ginagawa mo ay makakalimutan mo na ang oras. Napakabilis ng oras hindi ko kaagad namalayan.
Paglabas ko ay saka ko narealize na wala pala akong sasakyan. How nice! Hinatid nga pala ako ni kuya kanina.
Stupid!
Wala sina kuya now sa bahay. Deadbat phone ko, kailangan ko na umuwi kaso ang lakas ng ulan tiyak na mahihirapan ako.
Nang maisara ko na ang shop ay tumakbo ako papunta sa isang malapit na convenient store. May malapit din naman kasi dito so papasok na sana ako sa loob para bumili ng maiinom ng makita ko si Art na mag-isang umiinom. Napalinga-linga pa ako bago lumapit sa kanya.
6 pm pa lang mukha na siyang lasing.
"What are you doing here?" Napaangat siya ng tingin at nakangiti sa akin habang naniningkit na ang mga mata niya dahil sa mukhang lasing na siya. "Lasing ka na ah!"
"No, I'm not lasing. Kilala pa nga kita eh."
"Really?" I asked. "Then... sino ako?"
"My future wife." My heart pounding so fast and I can't help it but to smile. Why am I smiling? "Andrea Ryleigh Santiago, my wife." Halos mag-init ang mukha ko dahil sa pinagsasasabi niya. "I missed you," he said before he passed out.
Bakit kaya siya uminom ng ganito? Masyado pa nga maaga passed out na kaagad.
Gusto ko man siya iwan pero hindi ko magawa. Sobrang lakas na rin ng ulan kaya buti na lang at nakita ko wallet at remote ng kotse niya. Kahit mahirap ay pinilit ko siyang alalayan. Kamuntikan na sana kami matumba ng mapahawak ako sa railings.
"My gosh! What should I do to you? Saan ka ba nakatira! Condo?" Pinipilit ko siya gisingin pero wala eh. "Bakit ba kasi kita kinuhang walanghiya ka!"
He just smiled and pinched my nose.
Argh! Kairita!
Dahil sa sobrang lakas ng ulan ay minabuti ko na lang na dalhin siya sa malapit na hotel. Kahit hirap ay pinilit ko pa rin. Medyo basa na rin ang damit ko kasi ang hirap niya isakay sa sasakyan. Nakaakbay siya sa akin ng pumunta kami sa loob para magcheck in.
"2 rooms," I said.
"Isa na lang po bakante, madam. Nagstay po kasi halos dahil sa lakas ng ulan," sabi ng receptionist kaya lumingon ako sa labas habang nakaalalay pa rin kay Art. "Kukunin niyo po?"
I nodded.
Kapag tumila na ang ulan ay aalis na lang ako. Mas mahirap pa atang asikasohin itong si Art kapag lasing kaysa kay Zeun or Tim. Nakakapagod maging assistant ng lasing.
Halos itapon ko na siya sa kama kaso bigla na lang akong hinila ng mokong kaya napapatong ako sa kanya. Tatayo na sana ako ng hapitin niya ang baywang ko para mas lalong ilapit sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng kiliti ng sumagi ang ilong niya sa leeg ko.
"Andrea, stay please..."
"Why should I stay? Let me go na nga. Uuwi pa ako, " sabi ko habang pinipilit kong makawala sa kanya. "Art! Nagagalit na ako! Let me go! Nakakainis ka na—" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay dumapi na ang mga labi niya sa labi ko.
Nakakarami na siya!
I don't know what to feel. I am nervous but still I don't want to stop him. The butterflies are in my stomach, the rats are into my chest, what should I do?
"A-are you proud of me, baby?" he whispered to my ears when he stopped kissing me. "Do I make you proud?" he asked.
I don't know what to say. I can't find words for him. Yes, I am proud of him pero wala akong lakas para sabihin yun. Bakit ko naman kasi sasabihin?
"Answer me," sabi niya habang unti-unti ng pumipikit ang mga mata niya hanggang sa marinig ko na ang magbibigat niyang paghinga na tanda na tulog na siya.
"I'm so proud of you," I whispered.
Inayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan. Nahiga ako sa couch dahil sa pagod. Nakaramdam ako ng sakit sa balikat ko kaya nahiga na ako at nakatulog.
Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam ko. Para ata akong lalagnatin. Kahit pagod at mabigat ang nararamdaman ko ay pinili kong imulat ang mata ko pero laking gulat ko ng nasa tabi ko na si Art at nakayakap ako sa kanya.
Hala! What happened?
Maingat kong inalis ang mga kamay ko. Dahan-dahan akong naupo at baba na sana ako sa kama ng maramdaman ko ang yakap ni Art sa may tiyan ko kaya napalingon ako sa kanya pero gising na siya.
"What are you doing?" I asked. "Why am I here? Nakakarami ka na ah!" Nagulat ako ng bigla akong mabahing kaya napaupo siya, magkakasipon pa ata ako.
"Are you okay?" Idinampi niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "May lagnat ka."
"I'm fine. Uuwi na ako."
"No!"
Akala ko sa hotel kami mag-istay pero dinala niya ako sa condo niya. Pinahiga niya lang ako sa kama niya dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
"I'm sorry, baby."
"Baby mo mukha mo," sabi sabay mulat ng mata kaya nagulat siya. "Plano mo ba yun?"
"No. Napainom lang kasi nagkita-kita kami doon ng mga kaibigan ko, naiwan ako nag-inom. I don't know that you'll see me there."
Iniwan niya ako sa k'warto niya. Minabuti ko na lang ulit matulog, nakakapagod.
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romance[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...
