III THE SUCCESSFUL ARTIST

208 10 0
                                    

Kabanata 3

The successful artist

Wala pa naman akong plano ngayong araw. Mamaya pa naman gabi kami magkikita ni Kie so free pa ako ngayon. Dahil sa wala naman akong magawa I decided to go to the mall. I need to buy some clothes of mine lalo na't halos ng gamit ko ay hindi pa nakakarating dito sa Pinas.

"Kuya, aalis ako. Pakiready po ng sasakyan."

"Ma'am, ako po ba magdadrive? Or kayo po?"

"Ikaw na lang po. Wala ako sa mood mag-drive ngayon. Mag-aayos lang po ako."

Dumiretso na ako sa k'warto ko matapos ko makausap ang driver namin. Kung mapapansin niyo, marunong at sanay pa rin ako mag-tagalog. Kasi naman sa ibang bansa nag-uusap kami in Filipino kapag kami-kami lang naman nag-uusap. May mga Pilipino classmates din kami kaya naman hindi nawala sa pang-araw-araw namin ang pagsasalita ng Filipino language.

Hindi naman ako katulad noong mga tao na pumunta lang ng halos ilang buwan or taon sa kung saan aba iba na ang pananalita. Naalala ko pa noon yung naik'wento sa akin ng isa kong naging kaibigan na pumunta raw sa Manila ang ate niya ng isang linggo pagbalik aba tagalog na raw. Hindi na raw sanay kaya naman grabe tawa namin noon.

Casual lang naging suot ko, shirts and shorts lang at sneakers. Pagdating namin sa mall ay medyo marami ang tao kaya naman mukhang wrong timing ata ako.

"Andrea?' Napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. "Ikaw nga."

"Oh gosh! Mathew, how are you?"

"Fine. So what are you doing here? Are you alone?"

"Yeah, magsashopping lang sana. Pero ang dami atang tao."

"Magkikita-kita kami nina Lie at Cooper."

"Anong meron?" I suddenly asked.

"Book signing." Then I realized that yeah I have some successful published author classmates. Kay Lie ay may libro na ako pero wala pa ako ng kay Cooper. "Pinilit nila ako sumama," dagdag niya pa.

"Don't tell me, ikaw yung cartoonist nila?" Tumango siya. "Hindi nga? Ikaw talaga yung nagdradrawing?" gulat na tanong ko.

He chuckled in a shy way.

"Yeah ako nga."

"Wow naman. Proud na proud naman ako sa inyo. Can I come? May available ba na book ni Cooper? Bibili sana ako."

"Meron. May mapagbibilhan ka pa."

Pumunta na kami sa kung saang spot ng mall sila magsasign. Nakamask na rin si Mathew habang nakasunod naman ako sa kanya. May mga nakapila na rin at halos mga kabataan ito.

"Wow! Famous na talaga kayo." May bantay na security guard sa store pero ng makita nila si Mathew ay pinag-buksan nila ito.

"She's with me." Rinig ko kaya naman nginitian ako nina kuya at pinapasok. Nakita ko na nakaupo sa couch sina Lie at Cooper.

"Hello." Pagbati ko. "Grabe dami ng nakapila sa labas ah. Proud na proud naman ako sa inyo." Nahihiyang ngumiti ang dalawa. "Mahiyain pa rin kayo."

"Kailan ka pa umuwi?" tanong ni Lie.

"Last week lang. I'm with Kie, kaya lang he's busy right now kaya gumala ako. Pabili ako ng book," sabi ko ng makita ko ang book nila at may nag-aassist naman na girl.

Dahil sa naghahanda na ang tatlo bumili na lang ako ng libro nila saka ako unang nagpapirma. Lie is into poems, halos compilation ito ng mga tula na may mga picture at drawing na gawa ni Mathew. Samantalang si Cooper naman ay sa Mystery-Romance novel na may mga drawing din na gawa ni Mathew.

Naupo ako sa isang tabi habang may mga napasok na para magpapicture at magpapirma sa kanila. I take some pictures of them and see how they are happy when their readers approach them. Some of their readers give some gift and some stuff, kitang-kita sa mga mata nila ang saya. May mga nakayakap din sa kanila na parang mahihimatay na.

"Ate, readers ka rin po nila? Ba't ka nandiyan?" tanong ng isang girl na nakapila sa line ni Lie. "Ay sorry po masyado po ba akong feeling close?"

"No, it's okay. Yeah, I'm one of their reader. Tapos na kasi ako magpapirma, una ako eh."

"Sino po friends mo sa kanila? Mukha kasing kilala mo isa sa kanila kasi nakapagstay ka ngayon dito."

"Actually they are my high school classmates. Silang tatlo, nagcross lang ngayong araw ang mga landas namin sa mall na ito."

"Ate, gusto ko rin magpapicture sa inyo. Pwede po ba?" she asked with her sweet voice. "Ang cute niyo po kasi."

Marami na rin ang kumakausap sa akin. Sa tuwing nasa malapit na sila sa akin. May mga nagpapa-picture na remembrance raw. Halos walang pagod na ngumiti sina Mathew, Lie, at Cooper. Pirma lang sila ng pirma dahil sa haba ng pila. Minsan nakikipag-usap din sila sa mga readers nila. Hindi ako nabored kasi naman ang sasaya kausap ng mga tagasupporta nila. Halos nakalimutan ko na ang oras dahil sa sobrang saya.

"Sama kayo sa amin. Magdidinner kami. Papunta na si Kie rito. Ano game? Ayoko pala ng 'no," nakangusong sabi ko.

"So wala kaming choice, Ms. President?" tanong ni Mathew.

"Wala. It's a yes or it's a yes."

I told them that it's a dinner date but it looks like a celebration date right now. We decided to go to a Korean restaurant to try samgyupsal and drink some soju. We talked a lot, ate a lot, and laughed a lot. Yung parang wala lang problema, parang yung dati lang.

Nalasing ang dalawa kaya naman tinulungan ni Kie si Lie samantalang si Mathew naman ang nakaalalay kay Cooper. Mahina sa alak.

"Andrea, are you sure you can handle yourself?" Mathew asked.

"Don't worry about her. Sanay na yan," sabi naman ni Kie kaya natawa ako. Nalalasing naman ako sadyang kaunti lang talaga ininom ko ngayon. "Ako na maghahatid sa inyo," dagdag pa nito.

"I saw 3 butiki there." Turo ni Lie sa pader kaya naman napalingon kami doon pero wala naman. "They are playing love triangle." Humagalpak na ako sa tawa dahil sa sinabi niya.

I didn't expect he'd talk like that.

"I like her, she like him, they like each other, I'm the third wheel. She's into him while I'm into her, the butiki said."

"Butiki will be happy. He will find his happiness soon. He needs to wait and be content with what he has right now. Tell the butiki that he will be okay," sabi naman ni Cooper kaya natigil kami sa paglakad.

"The butiki will be happy," sabi ni Lie bago tuluyang makatulog kaya nahirapan si Kieran.

"The legend of the 3 lizards," I whispered.

Natulog na lang ako ng nasa sasakyan na kami ni Kie. Nasa backseat ang tatlo at isa-isang ihahatid ni Kie kaya pinili ko na lang matulog sa biyahe.

What a wonderful day when you're with a drunk person... It's enjoyable. Sarap mang-trip. Magsisisi sila pag-gising nila for sure. Baka wala na silang mukhang maiharap sa akin. Cute.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon