XI AT THE BAR

228 14 0
                                        

Kabanata 11

At the bar

I became busy sketching some gown designs. I need to have unique and more designs for future use. As a fashion designer dapat alam ko rin kung paano maging creative na hindi kagastusan na afford ng kahit sino hindi yung afford lang ng nasa taas. 

Ito rin naman talaga ang dream ko. Ang makagawa ng mga clothes design na afford din ng iba. 

Sinundo ako ni Zeun after niya sa company, miss niya na raw mag-bar. Sa amin pa rin siya nag-istay. Papa-ampon na raw kasi siya eh. I wore a crop top, cargo pants, and boots. Wala ako panahon makipagsabayan. Gusto ko lang sumama para makapag-chill. 

Nang makarating kami sa loob, musika ang sumalubong sa amin at ingay ng tao. 9 pm na kasi, masyado natagalan si Zeun sa kumpanya nila. Dahil siya ang nag-aya syempre ako naman si tanga na naghintay.

Naghanap kami ng mauupuan. Zeun ordered some drinks and I stayed on the couch. Kieran texted me that he'll be here after an hour. Isa ring napakabusy na tao yun ngayon.

"Dami, chicks. Sana all," sabi ni Zeun habang umiinom na ng vodka. "Pili na lang ako."

"Pipiliin ka naman kaya?" natatawa kong tanong para mainis siya. "Oh! I almost forgot! Pinipili ka naman pala, pinipili ka maging kaibigan. For short, friend material ka."

"Akala mo hindi ka nakakasakit?"

Tinawanan ko na lang siya. Pareho kaming nagulat ng makita si Art na may mga kasamang lalaki sa kabilang couch. May mga kasama naman siya na hindi sa akin pamilyar. Siguro mga kakilala niya.

"Spin the bottle tayo. Dare lang ang only choice." Hindi na ako umangal pa. Pinaikot niya ang bote at saktong sa kanya huminto. "Malas. Ulitin natin."

"No!" 

"Kiss some girl doon sa dance floor na dapat kita ko." Tumayo siya kaagad saka kumindat sa akin at umalis kaagad. Nakipag-sayawan muna siya saka na lang may hinilang babae at hinawakan niya sa likod at sa leeg sabay halik. Hindi siya simpleng kiss lang, he's kissing the girl in French style. "Damn! What the heck!"

Dapat ba nilinaw ko?

Hindi yun ang ineexpect ko. Nasa isip ko ay masampal siya ng malakas, pero sa nakikita ko ngayon wala lumaban din sa halikan yung babae. Nakasimangot tuloy ako. Gusto ko sampal part. Nang maglakad pabalik sa akin si Zeun ay pinupunasan niya pa ang labi niya saka naupo sa tabi kaya napangiwi ako.

What was that!

"Dare kita," sabi niya habang nakangiti na parang may hindi magandang kalalabasan ang pinapagawa niya. "Para fair."

"Ayoko," mabilis na sabi ko. "Paikutin mo ulit yung bote in the last time. Wala ng susunod," sabi ko na hindi ko na naisip na sa akin iyon hihinto. "Sinadya mo, ulitin mo."

"No! Last na lang sabi so... ako bahala."

Hindi ko gusto tumatakbo sa isip ngayon ni Zeun. Wala akong balak ipangalandakan ang sarili ko para mapahiya naman. Dapat pala naging easy ako sa kaniya para hindi niya ako gantihan.

"Ay weak! Hindi ka pa ata move on. Ang hina mo naman, Andrea. Ilang taon na hindi ka pa rin nakaka-move on? Yaks," diring-diring sabi niya habang umaakto pa itong nasusuka. "Naku! Ano kayang sasabihin nila kapag nalaman nila. Bakit noong nasa ibang bansa ka ba wala ka pang naganoon?"

Seriously, naganoon talaga? Malilintikan talaga ito sa aking lalaki ito.

"I'll do it. Gagawin ko para hindi ka na magsalita ng kung anu-ano. Huwag akong hinahamon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari basta bahala na. Ibinulong ni Zeun ang gagawin ko na halos magpataas ng dugo ko sa uli kaya nabatukan ko siya.

"Masakit ah!"

Napahinto ako sa paglalakad at humarap ulit sa kanya. "Ahm, paano kung may sabit?" nauutal na tanong ko.

"Wala yan. Sure yan, naitanong ko kay Arianne. Wala raw eh," he confidently said. 

Nakagat ko labi ko bago nagpatuloy ulit sa paglalakad. Hindi ko ata kaya. Dumiretso ako sa counter table at nag-order ng inumin saka ko ininom yung tatlong baso bago ako naglakad na papunta sa gawi nila.

Malapit na sana ako ng tumingin ulit ako kay Zeun saka siya tumingin na ng hahamon habang umiinom. Napailing na lang ako.

Nang makita ko na lumingon si Art ay napatingin siya sa akin. I don't know if I can able to do this but I need to do this for my prize. 

Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa couch habang nakatingin sa amin ang mga kasama niya. Nang lalapit na sana ako ng mas malaplit pa ng biglang namatay ang ilaw at naramdaman ko na lang na may nakatulak sa akin. Napahawak ang kamay ko sa couch, ramdam ko naman eh pero iba ata nadampian ng labi ko.

Nang biglang bumukas ang ilaw ay si Art ang bumungad sa akin. We kissed? Tila may napakalakas na boltahe ng kuryente ang nananalaytay sa buong katawan ko. Nakalimutan ko na rin ata huminga. Nakalapat ang dalawang kamay ko sa couch at nakakulong siya sa pagitan ng braso ko habang magkadikit ang mga labi namin. Nabitawan niya ang baso kaya maging ako ay nabasa ng kung ano man iniinom niya. Napaayos ako ng tayo saka inayos ang sarili.

"My gosh!" I said.

"Woah! What was that, miss? Alam mo huwag ka diya maheheartbroken ka lang, dito ka na lang sa akin." Napalingon ako sa lalaking nasa kabila ng couch. "Mag-eenjoy ka pa."

Nang tumayo si Art ay napaatras ako ng kaunti at napahawak sa labi ko. Halos masugat na ata ang labi ko sa pagkakakagat ko. Uupo lang naman dapat sa lap ang kailangan ko gawin bakit sa ganito nauwi ang lahat?

Nagulat ako ng hawakan ni Art ang papulsuhan ko saka hinila na sa kung saan. Dumiretso pala kami sa kung nasaan ang restroom. "Hintayin mo ako rito, I'll buy you a clothes. May malapit diyan. Please... wag kang umalis dito." Tumango na lang ako ng makita ko na basa pala damit ko.

This is all your fault, Zeun! 

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Art na may dalang paper bag. Nang maiabot niya na sa akin ay pinapasok na niya ako sa loob habang pumasok na rin siya sa men's room. 

When I opened the paper bag I saw a black hoodie jacket. 

My gosh! 

Wala naman na akong magagawa pa kaya isinuot ko na lang. Inayos ko muna sarili ko bago ako lumabas dala ang paper bag na damit ko na naglalaman. Nadatnan ko na nakasandal si Art sa pader habang nakacross ang mga braso. Nang magtama ang paningin niya sa akin ay napayuko ako.

"Sorry! Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari. Ano kasi—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong hinila papalapit sa kanya at kaagad na isinandal sa pader. Hindi naman ako nauntog kasi nakasuporta ang kamay niya sa likod ng ulo ko. Walang anu-ano ay kaagad niya akong hinalikan kaya nabitawan ko ang dala kong paper bag lalo na ng maramdaman ko ang pag-galaw ng mga labi niya sa labi ko.

"I missed you," he almost whispered when our lips parted. 

What was that?! 

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon