XIII WITH A MODEL FRIEND

177 11 0
                                    

Chapter 13

With a model friend

"Kesley, pasuyo ako ulit."

"Sige na, Ms. 3 pm na rin naman, kaya na namin ito."

I smile at her before saying goodbye to them. This week palagi na lang ata akong busy sa iba-ibang mga bagay. Kailangan ko talaga pagtuonan ng pansin ang mini shop na ito.

Nagdrive ako papuntang airport para sunduin si Euque. Kagagaling niya lang sa ibang bansa for some photoshoot kaso walang susundo sa kanya kaya ako ang inabala niya. I waited for her until I saw her while smiling sweetly and she's so gorgeous the way she walk towards me.

"I miss you," she said while hugging me. "I taught hindi na tayo magkikita but you manage to see me and fetched me today."

"What friends are for? Kahit ang totoo ay abala ka talaga. I have some things I need to do but here I am fetching the International model."

"You're lucky."

"No, Im not. Ikaw kaya kasi ako nagsundo sayo."

Dumiretso kami sa condo niya. Gusto niya raw ako ipagluto so sumama na ako. Sa condo sila nag-istay pero may bahay na rin naman daw sila pinapatayo. Napaisip din tuloy ako kung magpapatayo na ba ako ng bahay or kung ano eh.

Matapos namin kumain ay nanood kami ng movie habang umiinom ng beer. Hindi rin naman ako makapagfocus kasi wala ako sa mood kaya kumain na lang ako ng chips at uminom ng beer.

Namiss ko yung ganito.

Pagtingin ko sa wallclock ay nakita ko na 7 pm na pala. Nakarami na rin kami kaya kahits beer lang ay medyo nahihilo na ako. Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang isang lalaking nakasuot pa ng pilot uniform habang may karga na batang babae na tulog.

Tumayo si Euque saka kinuha ang bata at maingat na kinarga. Sumenyas siya na ipapasok niya lang sa kuwarto.

Masasabi na successful na si Euque. He has a pilot and a loving husband who are supporting her. A cute little princess that completed their home. Kahit may anak na ay may mga tumatanggap at kumukuha pa rin sa kanya upang maging modelo o maging mukha ng mga produkto ng mga ito.

"So how's life?" Weylan asked. "Still single?"

"Walang bago. Alam mo sa tuwing nakikita kita nabibwiset ako. Ba't ba lovelife ko ang pinapakilaman mo?"

He chuckled before sitting beside me. "You're just bitter. Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal ni Kie, you're both single."

"They are not meant for each other, Hon." Sabay kami napalingon kay Euque. "If sila noon pa sana may nabago na sa relasyon nila. For 8 years na magkasama sila abroad bakit hanggang ngayon wala? Kaya hindi ako magtataka kung ang isa ay mahulog dahil nasanay. At imposibleng si Andrea iyon."

Weylan shook his head as he believes in his wife said. "You have a point, Hon. That's my wife." Sinimangot ko sila.

"So what do you mean by that? Is there any chance na si Kie may gusto sa akin?"

"We can't say so but if hindi ikaw tiyak na may isa sa inyo," sabi ni Euque bago naupo sa tabi ni Weylan.

8 years kami magkasama abroad ni Kie. We do a lot of things ng magkasama. Adventure, the vibe and everything, nagkakasundo kami pero man lang sumagi sa isip ko na lumagpas sa kung ano mang mayroon kami.

Sometimes, I mean lagi nilang napapansin na we look like a couple. Sa sweetness, sa closeness ay pansin nila na hindi naman namin inaamin o dinideny ang lahat ng komento nila.

Kaya marami nag-iisip na kami talaga ni Kie. Sa tuwing pupunta kami ng party, family gatherings at ano mang occasion ay kasama lagi kami ng mga parents namin kaya nila nasasabi yun.

"I think you should stay here tonight, Andrea. Bukas ka na umuwi," sabi ni Weylan kaya nabalik ako sa ulirat. "Doon ka na lang sa guestroom," dagdag pa nito na ikinangunot ng noo ko.

"Asawa mo, Euque oh... Nilalandi ako. Ang kapal ng mukha sa harap mo talaga. Tinalo ata ng beauty ko ang beauty ng pang-international model."

"Gaga! Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Inilalaban mo pa rin ganda mo sa ganda ko. Ikaw lalandiin pero ako ang laging hahanap-hanapin," sabi niya sabay haplos sa tiyan ng lalaki saka naghalikan pa sa harap ko pa talaga.

"Get a room, guys." Sabay takip ko sa mata ko. "Kadiri kayo, wala man lang kayong konsiderasyon. Ang sakit niyo sa mata." Narinig ko si Weylan na tumawa.

"I'll leave you guys here. I need to sleep, jetlag eh. Ipakilala mo na yan sa mga kakilala mo, Hon. Tatanda na yang dalawa."

"Ibabato ko na itong lata ng beer sayo, Weylan. Pagsabihan mo nga yan, Euque. Masyado naman atang nawiwiling ibully ako." Tumawa lang ito saka tuluyang umalis.

Euque still laughing while giving me a new can of beer. "Ganyan talaga yan. Gusto niya kasi noon magkakapatid ng babae kaso hindi pinalad. He treats you like his little sister, Andrea that's why he's like that to you."

Medyo matagal ko na kasi talaga kilala si Weylan kas matagal na sila ni Euque. Sa tuwing may project si Euque abroad minsan nagkikita kami kapag sa States siya. Masasabi ko na strong sila kasi kahit na mahirap ay pinilit nila ang relasyon nila. Nang mabuntis si Euque noon ay itinakwil siya ng pamilya niya, nawala sa pagmomodel at nahinto sa pag-aaral. After niya manganak nagsumukap siya para makabalik sa pag-aaral ang ginawa ang lahat para magbukas muli ang pinto ng pagmomodeling.

"Alam mo talagang maghanap ka na Andrea. Lagi kang pumaparty wala pa rin?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit manghalik ka na lang tapos pagclick gora na sa next stage." Nag-init ang pisngi ko ng maalala ko si Art. "What the f! Did I see it right? Y-you blushed!"

I shook my head several times. "No! Lasing na ako!"

Damn it!

"Sino yang nakahalikan mo? Sino humalik? Hoy babae! Kilala ko!"

"Hindi."

"So may nakahalikan ka nga? Omg! Kahit palaparty at wawal ka hindi ka nakikipaghalikan, Andrea. Who's this lucky, guy?"

Hindi ako tinatantanan ni Euque kaya halos marindi na ako sa kakatili niya. "Omg! Si Art! Omg! Magpapatuloy na ba angnaudlot na pag-iibigan? Paano si Kie? I mean kyah! Si Art?"

Sinamaan ko siya ng tingin saka lagok ng beer. "Ulit-ulit? Bwiset ka! Si Art nga."

"I hoping na next stage. Depende kung ano una, kasal o anak. Omg! I feel bad kay Kie pero team Art ako," sabi niya.

"Huwag mong idadamay si Kie," nakabusangot lang ako. "Next stage ka ng next stage. Gaga! Gusto mong maglandi-landi ako? Kamusta kaya future ko."

"At least may future ka na iisipin."

Hindi na nga ako nakauwi pa. Ang gaga sa akin pa tumabi kaya halos isumpa na ata ako ni Weylan kaya nagbye na lang ako bago magsara ang pinto.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon