XXV VACATION

139 10 0
                                    

Kabanata 25

Vacation

Warning -16 ⚠️ there's some scene not suitable for young audience

Art picked me up outside our subdivision. I
said goodbye to daddy but only to him, I didn't tell mommy where exactly am I going. Baka kasi hindi niya pa ako payagan eh. Mahirap na.

Yung tipong sasabihin mo pa lang yung salitang "Mom, can I—" tapos puputulin na kaagad niya tapos sasabihin na kung aalis ka para magbakasyon hindi pwede. Like duh! Mukha ba akong 10 years old? Turning 26 na ako, pero 'asaan ang hustisya at kalayaan? Noong nasa ibang bansa ako carry kasi si kuya ang bantay pero dito sa Pinas, malabo pa sa kanal pero sywempre gagawa na ako ng paraan.

Dahil sa may driver na kasama si Art kaya naman ito na ang nagdrive ng sasakyan pauwi. Hinawakan niya ang kamay ko at ang maleta ko ng nasa airport na kami. Nagulat ako ng makita ko si Zat at sakto naman ang palingon niya sa akin.

"Zat." Binitawan ni Art ang kamay ko kaya tumakbo ako papalapit sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit. "Ang ganda naman. Sana all. Seryoso, flight attendant ka na?" I asked.

"Malamang sa malamang. Ano ito career fashion show sa airport? Naku, naumpog ba ulo mo? Common sense, Andrea." Nang mapalingon siya sa likuran ko ay kumurap-kumurap siya bago ibinalik sa akin ang tingin. "Omg! Don't tell me—"

"Actually... he's with me." Nilapitan ko si Art saka hinila papalapit kay Zat. "We're having a vacation."

"Hi," tanging sabi ni Art.

"Grabe. Hindi ko ineexpect na kayo makikita ko. Paano ba naman kasi... si Kieran lagi mo kasama." Napalingon ako kay Art na nag-iwas tingin kaya sinamaan ko ng tingin si Zat. "Ay grabe, saang eroplano ba kayo?" Pinatingin ko sa kanya plane ticket namin. "Ay sayang, hindi same. Shit! Malalate ako. Bye Andrea, enjoy ah. Art." Lumingon ito saka ngumiti at bahagyang kumaway. "Enjoy kayo, bye."

I held my hand to him and he accepts it while pouting. "Let's go?" He smiled and he tightened his grip on my hand.

Nakasandal ako sa braso niya ng nasa eroplano kami. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko dahilan para makatulog ako.

Nagising ako ng malapit na raw kami. Sa Legazpi Albay ang destination namin.

Dumiretso kami sa isang hotel. Isang kuwarto lang ang kinuha niya at isang kama lang. Ginagago ako ng lalaking ito.

"Hey." Nilingon niya ako pero nakataas ang kilay niya sa akin."Bakit isa lang? Where do you think am I going to sleep, huh?" I asked.

"Beside me. Come on, wala akong gagawin sayo. Baka ikaw pa nga ang may gawin sa akin," natatawang sabi niya. "Galit ka na niyan? Tara na, ayusin na mun natin gamit natin."

Nang nakapasok kami sa room ay kaagad ako humilata sa kama. Nakadapa ako habang nakapikit. This is life.

"Papahatid ba tayo ng foods?" tanong niya habang inaayos ang gamit namin. "Are you hungry?"

"Maya na. Gusto ko muna matulog, nahirapan kasi ako matulog kagabi," sabi saka nahiga nv maayos. Inilapag niya ang dala niya saka inalis ang jacket niya saka lumapit sa akin. Nahiga rin kaya sinamaan ko siya ng tingin. He also tapped his shoulder. "Ano?"

"Higa ka rito. I'll sing a song for you." Naexcite naman ako kaya agad ko sinunod ang sinabi niya. "Remember what you told me back then?"

[Flashback]

"Hm... alin ba?"

"No, if someone will sing a song for me, I want it to be private."

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon