Kabanata 29
Kiss in the Rain
Warning ⚠️(slight spg)
When you love someone, it's not just about all happiness. Hindi laging may spark, kasi minsan nga ang kuyente minsan nga lang din magspark tao pa kaya. Hindi lahat ng gusto natin masusunod. Hindi lahat mapapasaatin.
While walking in the rain I remember all our memories since when we're just a high school student. Yung hindi pa ganito kahirap ang lahat. Yung sa banat pa lang masaya na, bawat simpleng galaw nakakakilig na, at yung problema hindi pa ganito kabigat.
Tatawid na sana ako ng kalsada ng biglang may humablot sa papulsohan ko. Dahil sa paghila sa akin ay nauntog ako sa dibdib niya. Napahawak ako sa noo ko bago ako nag-angat ng tingin ng makita ko si Art na basang-basa na rin ng ulan.
"Art." Kaagad ko siyang niyakap. "I'm sorry for leaving you that night, baby. I'm sorry."
"Alam mo ang hirap mo ng pagkatiwalaan, Andrea." And that line broke my heart. "Mahal na mahal kita pero bakit ang hirap? Alam mo, gusto kita habulin sa States pero ako sa Germany pinatapon. Ginagawa ko ang lahat para sayo. Ikaw inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko kasi gusto ko pagbalik ko kaya ko na ipaglaban ka na ako mismo."
Alam ko naman ang gulo ko eh. Pero kung hindi naman nakikisawsaw ang tatay ni Kieran hindi ko naman gagawin yun eh. Mahal ko si Kieran bilang kaibigan kaya nasasaktan ako na hinahayaan niyang maipit ako sa sitwasyon. Na parang ako pa ang dapat na mag-adjust.
Paano naman ako? Paano naman yung nararamdaman ko? Paano naman yung taong mahal ko?
"I'm sorry."
Pinilit niya akong inilalayo sa kaniya. Hindi siya makatingin sa akin habang ginagawa niya yun kaya alam ko na hindi niya rin gusto ang ginagawa niya. Kagat-kagat niya ang labi niya habang pilit ako pinakakalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.
Nang mabitawan ko siya ay kaagad siyang tumalikod kaya kaagad akong yumakap sa likod niya. Isinandal ko ang saliri ko sa kaniya habang patuloy na umiiyak.
"Baby, I'm sorry. Hindi ko gusto gawin yun. Ayoko lang na madamay ka. Gumagawa ako ng paraan para hindi ka madamay kasi ayoko na ayawan ako ulit ng mga magulang mo."
Noong high school ramdam ko na ayaw nila sa akin. Ayoko na maulit ulit iyon. Hindi ko hihilahin pababa si Art.
"Maniwala ka sa akin. I love you kaya. Mahal na mahal kita, please... I'm sorry." Nang gumalaw siya ay mas lalo ko hinigpitan ang yakap ko sa baywang niya. "Art."
"Luwagan mo. Hindi kita malingon," paramg biglang natuwa ang puso ko sa sinabi niya kaya niluwagan ko lang pagkakayap ko kasi baka tumakas pa eh. Nang magkaharap na kami ay malamig niya pa rin ako titigan. "Ayoko muna magpakamarupok, Andrea. Ihahatid kita sa inyo—"
No choice.
Kaagad ko nilipat ang kamay ko sa batok niya saka ako tumingkayad upang mahalikan ko siya. I closed my eyes when our lips meets. At first he didn't move but when I finally felt his lips moving I smiled. I know you can't resist me. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko na nakapikit siya habang ninanamnam ang mga labi ko. Upang mas lalo pang idiin ang mga labi ko sa kaniya ay naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko at ang isa naman ay nasa baywang ko. Dahan-dahan ko ulit ipinikit ang mga mata ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa batok niya.
Hanggang ngayon kagat-kagat ko pa rin ang labi ko. Nang lumabas siya sa kuwarto niya ay bathrobe ang iniabot niya sa akin.
"Wala akong maibigay na maisusuot mo. Patuyuon mo na lang ang damit mo after mo maligo," sabi niya bago ako iwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/253832065-288-k322580.jpg)
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romansa[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...