XV THE CONFESSION

201 12 0
                                        

Chapter 15

The confession

Being with Art is damn tiring. Kahit wala naman akong ginagawa parang ang dami kong ginawa. Mas lalo ata akong magkakalagnat sa tuwing he's around. Imbis na gumaling ay mas tila nag-iinit lang at ang pakiramdam ko.

"Just let me go home, Art. I'm fine, please... I wanna rest at home." I pleaded. "Please..."

He sighed heavily before he sat beside me in his bed.

"I'm sorry. I just wanna talk to you that's why I want you to stay." Napayuko siya saka ngumiti ng bahagya. "Okay, ihahatid na kita. Magbibihis lang ako." Tatayo na sana siya ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng pagkapit ko sa braso niya.

"What do you want to talk about?
I mean do you have something to ask or to say?" I asked. "Stay a bit and I wi let you talk."

He chuckled and I hate my self for smiling.

"Kagabi. What am I do? Did I say or do something weird to you? I'm drunk so you know I expected that I do something weird."

I chuckled. I saw how his face turns red. Lalaking nagbablush, baka naman may naalala siya sa pinag-gagagawa niya.

"Nothing. Behave ka kagabi."

"Are you sure?"

I nodded.

He sighed heavily before he hold my hands.

"Can you stay here? I want to take care of you. Ako ang may kasalanan kung bakit ka may mild flu, please?"

"Fine. Kanina ka pa. Naririndi na talaga ako. Fine, I'll stay." I saw how his lips pursed. "Ang saya mo ah."

Pinahiga niya lang ako. Kumuha siya ng bimbo at tubig bago umalis ulit kasi malapit na raw maluto yung soup. Pinalibot ko ang mata ko sa paligid at maayos talaga siya sa k'warto. Ako lang talaga siguro yung magaling mag-ayos tapos magaling din magkalat.

Sinubuan niya pa ako kahit ayoko. Pinanasan niya ng basang bimpo ang noo ko. Siya rin nagpainom sa akin ng gamot. Sa tuwing seryoso siya sa ginagawa ay napapatulala na lang ako sa mukha niya. Napakaperpekto niya sa paningin ko na kahit ang paggalaw lang ng adam's apple niya ay parang nag-islow motion sa paningin ko.

"Art?"

"Hm?"

"Why are you doing this?" Napabaling ang tingin niya sa akin. "I mean yung unang meet natin hindi ka naman ganito. Ni akala ko nga hindi na tayo magkakapag-usap. Ang snob mo yung tipong parang ayaw mo na akong kilalanin."

I saw how he smiled. "Nakakatawa na natataranta kasi talaga ako. You know what, I promised myself that I will chase you when I am successful on my own already?" Napalunok ako sa sinabi niya. "Hindi ka basta alaala lang, Andrea. Isa ka sa inspirasyon ko hanggang ngayon. Takot na takot ako kasi alam ko na diyan sa puso mo hindi mo masisigurado kung mahuhulog ka na lang basta sa iba."

Inilabas niya ang necklace niya at nakita ko ang necklace na ibinigay ko sa kanya. "Nasa iyo pa pala yan?" Hinawakan ko ang pendant nito kahit nakasabit ito sa leeg niya kaya lumapit pa ako ng bahagya. "Sure ka ito talaga yun?" tanong ko. Nang mag-angat ng tingin kaya napaiwas siya ng tingin.

"Oo."

Umayos ako ng upo saka ngumiti sa kanya ng nakaloloko.

"May feelings ka pa for me noh?" natatawa kong tanong. "Ayos lang naman na sabihin mo na, Art. Habang maaga pa magkaalaman na. Joke lang patawa lang. Alam mo bakit mo kasi tinatago pa yan?"

Hindi siya nagsalita saka mas lumapit pa lalo sa akin. Napahawak ako sa dibdib niya ng sobrang lapit na niya at halos makalapit na ang mga labi namin. Grabe na ang kaba na nararamdaman ko.

"Wala na ako pakialam sa lahat, Andrea. Ikaw naman ngayon ang gusto kong ipursue. I'll do my best to be the best for you. Alam ko na hindi ako perpekto, pero gagawin ko ang lahat para ako piliin mo."

"Art, what are you trying to say?"

"Choose me coz I will always choose you no matter what happens. Years had passed, tama na yun. Hindi ko na gustong malayo pa sayo."

Ang kaninang nasa dibdib niyang mga kamay ko ay ibinaba ko at iniyakap ko sa baywang niya. Isinandal ko ang sarili ko sa kanya habang unti-unti ko ng nararamdaman ang mga bisig niya at ang halik niya sa ulo ko.

"Mahal kita noon, pero mas mahal kita ngayon. Alam ko na sobrang bilis, Andrea. Pero ayoko na kasing magpabagal-bagal, ayoko ng makuha ka pa ng iba."

"Sino naman kukuha sa akin?" tanong ko ng hindi mawala sa labi ko ang ngiti. "May kikidnap ba sa akin?"

"Ewan ko sayo," sabi niya na lalong nagpahagikhik sa akin. "Ang Andrea ko kinikilig."

Bwiset! Andrea ko? Ang puso ko. Matagal-tagal na atang hindi ako kinikilig.

"Mabibinat ako, Art."

"Huh? Bakit?"

"Pinapakilig mo ako!"

Hindi ko ineexpect na ganito ang Art na babalikan ko. I mean hindi ko na inaasahan pa noon na magkikita kami or magiging ganito kami. Laging sobrang bilis ng pangyayari sa tuwing magkasama kami.

Inaamin ko na noong una ko pa lang na nakita siya ay sobrang kinakabahan na ako. Sa tuwing nasa tabi ko naman siya nakakampanti ako. When he was kissing me I remember how he always there for me whatever happens.

I let go because I know it's a big opportunity for him to study in a prestigious school in Germany. My family wants me to study abroad too. Paano ko kakapit kahit gusto ko kung alam ko magiging sagabal lang ito? Hindi biro ang ilang taon. Paano kung sa una kayanin pero doon din naman pala ang punta namin.

"Sure ka? Hindi mo boyfriend yung Kieran? Iba kasi naririnig ko, Andrea."

"Pakilam mo kung boyfriend ko yun."

"Gusto mo ba kami ipagsabay?"

"Bakit ko naman kayo ipagsasabay? Nahuli ka na Art," seryosong sabi ko. Nakita ko ang paglandas ng lungkot sa mga mata niya. "Nahuli ka na ng isang Andrea." I kissed his lips just a seconds before I chuckled.

I was about to leave his bed when he pulled me closer to him then he kisses me. I wrapped my arm around his neck as his hand traveled down my waist as he continued to kiss me.

"My baby is such a bully," he said then he chuckled before he kissed me again. "I am addicted to you, Andrea. I won't let you leave me again. Kung aalis ka isama mo ako, or else isasama kita."

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon