Kabanata 27
Hurt
Umalis ako sa bahay matapos ang nangyari. Nagtaxi lang ako at hindi ko naman alam kung saan pupunta. Ayoko dumiretso sa condo nina Euque kasi baka makita lang ako ni Eunice na umiiyak. Tiyak na mabibigla pa ang bata. Bumaba ako sa labas ng isang coffee shop. Hindi ko na alintana ang dilim.
Kaagad ko tinawahan si Weylan ng hindi sumasagot si Euque.
"Weylan, si Euque?" tanong ko habang umiiyak.
[Are you crying?] tanong niya kaagad sa kabilang linya. [What happened?]
"Nasaan siya? Hindi ko macontact, I need her."
[Fuck! Hon! Nasaan ka? Pupuntahan ka namin.]
Matapos ko sabihin kong nasaan ako ay pumasok ako sa isang coffee shop. Hindi na matapos ang pagtulo ng mga luha ako. Kanina ko pa kagat-kagat ang labi ko pero hindi matigil ang mga luha ko. Mabuti na lang at kaunti na lang ang tao kaya isinalampak ko ang ulo ko sa mesa.
"Ma'am, okay lang po kayo?" Itinaas ko ang kamay ko at nagthumbs up sign. "May ioorder po kayo?"
"May hinihintay ako. Mamaya na lang," garalgal kong sabi habang nakayuko. Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at isinandal ko sa ibabaw ng mesa ako ulo ko.
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin sina Euque. "Ma'am, is there something wrong?" Dahil sa inis ay napaangat na ako ng tingin at si Shardein ay nakita ko.
"Andrea? Hala ba't ka umiiyak? Ayos ka lang. Jen, pakuha nga ng tubig please."
"Nagtatrabaho ka rito?" tanong ko. "Hindi ka naman crew dito noh?"
"Ako ang may-ari nito. Ayos ka lang ba?" Kaagad niyang iniabot sa akin ang tubig. Uminom din kaagad ako kasi feeling ko nanunuyo na ang lalamunan ko. "Ano ba nangyari at ganyan ka?"
"Andrea!" sabay kami napalingon sa sigaw ni Euque. Maging ang ibang tao ay napatingin din sa kan'ya. "What the hell happened? Ba't ka umiiyak? Pinaiyak ka ba ni Art? Anong nangyari tell me?" sunod-sunod na tanong niya pero niyakap ko lang siya.
Wala akong masabi. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa bigat. Yung tipong hindi ka na makahinga dahil sa sakit. Hinayaan ko na lang na umiyak ng umiyak sa bisig niya.
Alam ko naman na kasalan ko pero kasi bakit ganoon na lang kababa ang tingin niya sa akin? Bakit kailangang gawin niya yun? Mahal ko naman siya eh. Sadyang nagkakaproblema na talaga ako.
"Hush." Nang maramdaman ko na nasa likuran ko na rin si Weylan ay hinimas-himas niya ang ulo ko. "Iuuwi na kaya muna natin siya. Masyado na tayong pinagtitinginan dito. Hon, ako na aalalay sa kanya." Kumalas ako sa pagkakayakap kay Euque.
Inalalayan ako ni Weylan makalabas. Naiwan si Euque sa loob kausap si Shardein. Pinapasok ako ni Weylan sa backseat saka niya isinara ang pinto. Naramadaman ko na lang ng tumabi sa akin si Euque.
"What happened? Tell me. Baka makatulong ako. Huwag mo kasi sinasarili ang problema mo. Pareho kayo ni Tim." Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "Nalaman ko na papalubog ang kompanya, Andrea. Ginagamit yun ng papa ni Kie para pakasalan mo si Kie kaya gumagawa ng paraan si Tim para hindi matuloy ito. Feeling ko aware naman na siya na may iba kay Kie, Andrea."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigat. "Iniwan ko si Art. Kanina pagdating niya sa bahay he kissed me, galit siya. Galit siya, Euque. Akala niya pinaglalaruan ko lang siya at sex lang ang kailangan ko sa kan'ya."
"What the heck! May nangyari na sa inyo? I mean yes nasa tamang edad naman na kayo pero ano hindi ko maintindihan."
"Wala pang nangyayari, Euque. Kamuntikan pa lang. Ayoko na kasi may madamay pa. Idinadamay na ni tito Kris si Tim, hindi ko na alam kung pati si Art idamay niya. Nababaliw na siya."
"Alam mo si Kie lang makakatulong sa atin eh." Napalingon ako sa kan'ya habang nag-iisip. "Magagamit natin yung Vincent. Should I bring him to the Philippines? I know him, Andrea. He's so persistent to get Kie."
"Y-you know?" nauutal kong tanong.
"Girl, nakakasama ko si Vincent sa iilang international shots. Nadulas siya ng makita namin si Kie. I think gawin nating alas yun."
"Pero ayoko rin masaktan si Kie, Euque. He's my bestfriend."
"Tanga. Tutulungan natin mabuo ang lovelife nila. Medyo crack eh, don't worry mapapauwi ko si Vincent. Makisabay ka na lang muna."
Nang makarating kami sa condo nila Weylan at Euque ay inihatid nila ako sa room. Si Euque na rin ang nagsabi kina kuya na hindi ako uuwi. Pinili ko na lang mahiga. Sabi ko kina Euque na gusto ko mapag-isa.
Halos ilang oras akong gising. Nakatulog ako ng sobrang late na. Nang magising naman ako ay super ang tamlay ko. Binigyan ako ni Euque ng bihisan. Naligo ako at natagal talaga ako sa bathtub.
"Gaga, ayos ka lang diyan? Baka naman may ginagawa ka diyan na hindi ko magugustohan! Ang tagal mo! Huwag kang mahpakamatay diyan, huwag mo sirain imahe ng bathtub!"
"Gaga ka rin. Baka kayo pa nga ang gumagawa ng melagro sa bathtub eh!"
"Ang bad mo, girl!"
Nang makapagbanlaw na ako ay nagbihis na kaagad ako. I put some makeup para naman maayos ang itsura ko. White long sleeves ang suot ko at jeans saka nakaboots naman na ako kahapon kaya babagay naman na siya sa akin.
Dahil sa may usapan kami ni Kesley magkikita kami ngayon. Alam ko na sobrang unfair ko na sa kaniya para iwanan sa kaniya ang lahat pero kailangan eh.
"Nga pala pauwi na si Vicent. Tomorrow daw flight na nakuha niya." Naibagsak namin ni Weylan ang kubyertos sa gulat. "Bakit? Grabe naman kayo. Biglang-bigla?" tanong niya.
"What did you tell him, Hon? My gosh did you pull some strings?" tanong ng asawa.
"Syempre ako pa ba? Sinabi ko lang naman na if hindi ka uuwi wala ng Kieran ang babalik sa kaniya. So ayun, nagmamadali siya. True love but Love hurts ika nga."
Napabuntonghininga na lang ako. I'm sorry, Kieran. Hindi ko naman na ito ginagawa para lang sa sarili ko. Para ito sa lahat. Kay Art, sa pamilya ko, kay Kie, at higit sa lahat sa kalayaan ko.
Don't worry, I'll do something. I'm really sorry, Art. I love you.
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romantik[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...