XL REUNION PLANS

130 8 0
                                        

Kabanata 40

Reunion plans

I decided to live with Art. Hindi na rin naman ako hinadlangan pa nina mommy. Art's family knows it too. Halos isang linggo lang ang nakalipas at nakalipat na nga ako pati ang gamit ko.

I didn't buy a car because Art is too lazy to use his car that's why I am the one who will use it. He will let me pick him up at his workplace. Siya talaga ang kilala ko na panay pasundo ng pasundo. Dinaig pa babae, baliktad kami.

"I'll pick you up later," I said while sipping the coffee he made. "What's that look like?" I asked.

"I'm flattered, baby." I glared. "Don't pick me up. Malayo iyon. Hindi ko pinapagamit ang sasakyan sayo para magpasundo. My mom will going to eat dinner here, later. See you later, baby." He kissed me on my lips before he bid a goodbye.

I used his car to go to my shop.
Kalahating araw ay nagtahi lang ako ng gown at si Kesley ang nakipagkita sa ibang client. Nang sumapit na ang 1:30 ay nagpaalam ako sa kanila. Pupuntahan ko kasi si kuya kasi may pag-uusapan kami sa school, I mean sa dati naming school.

"Pasabi kay Kesley na hindi na ako babalik. I already ordered some foods for you, guys. Kayo na lang ang bahala. I need to go. Baka mabungangaan na naman ako ng kuya ko. See you tomorrow, guys."

"Thank you, Ms. A." Lahat sila ay nagpasalamat.



Kinuha ko ang sketch pad ko at bag ko. Dumiretso kaagad ako kung nasaan ang sasakyan ko saka ko inilagay sa front seat ang gamit ko bago ako umikot sa kabila para pumasok na. I connect my phone to the bluetooth so I can able to play a song.

Pagkadating ko sa school ay may iilang istudyante ang nasa labas. Dumiretso na lang ako sa Dean's office kung nasaan ang kuya ko. Halos kagat-kagat ko ang labi ko sa tuwing may maaalala akong kalokoha sa mga places na nadadaanan ko. Nakakamiss maging teenager, yung tipong ang problema mo lang ay paano makapagtapos pero dinadagdagan mo lang ng problema dahil sa pagjojowa mo.


Nang makarating ako sa office ni kuya ay may istudyante siya na kinakausap. I decided to seat im the sofa to wait until he's done. I checked my phone if there's some message from Art but sadly wala so ibinalik ko na lang siya sa bag ko. Nang matapos si kuya ay nag-alay siya ng panalangin, I mean nagsermon pa siya at napa-Amen na lang ako. Kawawang mga istudyante.


"Bakit mo ako pinapapunta rito? Mag-aalay ka ba ng panalangin?" I teased him. "Kasi if oo, Amen na lang." Nang bigla niya akong batukan ay napatayo ako. "Ano? Ang sakit ah."


"May magaganap na alumni." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "Well, dito sa school ang venue coz why not?"


"Ilang batch ba yan, kuya? Kasali ba yung batch namin, super dami niyan ah."

"Simula ito sa dalawang batch bago sa amin hanggang sa batch niyo. It means 5 batch yun so madali talaga since, sa batch niyo ay may tatlong section na pero I think carry na siya sa school gymnasium coz I did some changes in that place mas lumawak pa."


"Okay. It means, kasali din sina Art?" I asked.

"Huwag kang shunga. Gamitin mo isip mo. Matatanong ka pa."

"Panira ka talaga ng araw, kuya Rashim. Ang sama mo. Amen," sabi ko kaya kaagad ako lumipat ng kabilang upuan.


"Ikaw na bahala na magsabi sa iba. Aayusin ko pa naman ang invitation pero mas mabuti ng alam na nila para ready." Tumango ako. "Sabihan mo na rin sina Art at ang kuya niya. Bahala ka na."


"Yun na? Maggogrocerry kasi ako eh. Doon daw magdidinner ang mommy ni Art. Hindi ko alam kung may kasamang iba," sabi ko.

"Okay. Doon din kami magdidinner nina mommy. Sige na makakaalis ka na. Ako na bahala kina mommy."


"Badtrip ka."



Nang makalabas ako ng school ay dumiretso na kaagad ako para mag-grocery. Kinakailangan ko na pumili kung ano lulutuin ko pero ng biglang naisip ko na magsamgyup na lang. Bumili ako ng ingredients na kailangan. Bahala na sila.


Madami ako pinamili kayo balik-balik ako sa sasaktan ko papunta sa unit ni Art. Nakatatlong balik ata ako since nag-grocery na ako kasi wala na kaming stocks. Pagkadating ko ay nagbihis muna ako para magluto ng kare-kare at pork adobo. Dagdag na iyon para sa dinner, bahala sila. Nag-effort ako kaya subukan lang nilang may masabi, wala na ako pakialam.


Nang matapos ako magluto ay dumating na si Art. Nakaayos na rin ang mga pagkain kailangan na lang dalhin sa mesa. Since may portable desk naman na mahaba pero mababa doon na lang. Naunang maligo si Art dahil siya na raw bahala mag-ayos para makapagpahinga na ako.


"Your turn," he said.

Tumayo na ako saka ko siya nilampasan. Sinabi ko rin sa kaniya na darating din sina kuya. Naligo ako at nagsuot lang ng hoodie jacket at denim shorts. Halos 1 hour din ang preparation ay mean ang naigugol ko para makapag-ayos ng aking sarili.


6:30 dumating sina mommy kasama sina kuya at daddy. 7 naman nang dumating sina tita, tito, Arianne at asawa niya. Magiliw silang lahat at nag-uusap. Magkatabi kami ni Art at panay ang subo niya sa akin ng pagkain. Napuno ng tawanan ang buong unit parang walang barriers.

"Hindi maganda ang unang meet up namin ng anak mo," he said while pertaining to my mom. "It's our fault, I mean it's my fault. I judged her. I'm sorry, hija. That time, I become too harsh on you. I know matagal ko ito nasabi, kahit noong una nating pagkikita I acted like a good to you na parang wala akong kasalanan even I know that I didn't apologize for what happened back then."

"It's now okay, tita. If you guys didn't do it, wala kami sa kung ano man kami ngayon. Napatawad ko na kayo, kasi inisip ko na lang yung good side sa mga ginawa you. I'm thankful that I studied abroad because that's the way I am today."


Napuno ng tawanan ang silid. Alam ko na kung nasaan man ang Lola ni Art, alam na niya na matagal ko na siyang pinapatawad. Hindi man naging maganda ang mga pangyayari sa amin pero dahil sa mga ginawa nila I become strong and brave to handle my things. I am proud of what ai am today, at dahil yun sa kanila. Hindi man katanggap-tanggap ang pangyayari alam ko na iyon ang naging way to achieve our dreams on our own.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon