Kabanata 39
Success
Lahat ay kinakaban. Kahit din naman ako, this is not my first time in runway kasi kahit noong nag-aaral pa lang ako ay marami na rin akong experience sa ganito pero first time ito simula ng magkaroon ako ng sarili kong shop.
"Ready na ba ang lahat?" I asked. "Kinakaban ako pero alam ko na kaya natin ito. Laban natin itong lahat, huwag niyo iyang kakalimutan."
Magkasama kami ni Kesley sa sasakyan ni Zeun. Siya kasi ang naghatid sa amin. Dumiretso kami sa venue. Tinulungan kami ni Zeun na ipasok ang iilang gamit. Si daddy ang magsusundo sa mga models ko, si kuya, at mommy ang bahala sa mga gamit namin kasama ang iilang napili kong tauhan na tutulong sa amin sa backstage. Si ate at Kesley ang bahala sa pag-aayos sa model habang nag-aayos naman ako.
"Ms. Santiago, I'm glad that you're here." Nakipagbeso ako sa kaniya bilang pagbati. "I love your design that's why I recomended you to Jessie."
"Thank you so much, Amanda."
She is one of my friend when I am studying abroad. We've meet when I was with some colleague. Lagi niya akong tinutulungan at ipinakikila sa mga kakilala niya sa industriya.
"I'm so proud of what you have today. You're always making me proud, Andrea."
After maayusan ng lahat maging ako ay kinuhanan kami ng picture nila daddy. Didiretso na raw sila sa perspective seats nila. Naiwan kami sa backstage kasama ng mga kapwa designer namin at models. Kinailangan ko pang siguradohin na maayos ang mga gowns nila. Tawa ng tawa si Nathalia kasi feeling niya raw crush siya noong pumasok na nakasuit kanina kasi nalove at first sight daw sa kaniya. Feeling niya raw may kuryente.
"Girl, hanapin mo iyon. Lalandiin ko after, kahit name lang. Bayad mo na sa akin," sabi ni Nathalia.
"Pumila ka muna, Nathalia. Baka mahaba ang pila sa gusto mong landiin, hindi na umabot sayo," natatawang sabi ni Euque. "Huwag mo akong samaan ng tingin, ang katulad niyang lalaki ay feeling ko pinipilahan ng nakararami."
"Eh di sisinggit ako. Ang lamya mo naman kung hindi, Euque. Tsaka if nalove at first sight siya sa akin hindi ko na kailangang makipag-unahan at pumila kasi tapos na kaagad ang pila."
"Iyon ay kung ikaw talaga ang gusto," natatawa kong sambit. Nang samaan niya ako ng tingin ay tumango ako. "Oo na, hahanapin na. Ayusin niyo ah," sabi ko.
Naging mabilis lang ang pagrampa. Dala-dalawa naman at naging mabilis lang. Nagkaroon din ako ng chance to present my design. Nakita ko rin sa crowd si Art kasama sina Tim. Nang matapos ay pinagtutulak talaga ako ni Nathalia para pumunta sa harap ng crowd kasi sa wakas nakita niya si boy.
"Hi," I greeted. "Are you single?" I asked.
Kita ko ang pangungunot ng noo niya. "I'm sorry?" Ang boses, pang wild.
"My friend what's to know you. The one in a red dress kanina. Hm... Can I get your number para maibigay sa kaniya. Don't think that I am interested sayo."
"Then I don't want to give you my number." Bigla atang nag-init ang ulo ko. Hindi kasi ako! "I want to meet her personally, and give my number willingly." Bigla naman natuwa ang katawang lupa ko kaya I guided him.
Nang nasa backstage na kami ay parang uod si Nathalia. Nagulat ako ng biglang may nanghalik sa leeg ko. Nang makita ko si Art ay nakahinga ako ng maluwag.
"You startled me. What's that?" May sama ba siya ng loob para titigan ako ng masama? "What did I do to you?" I asked.
He pouted that's why I chuckled. "What?" Natatawa kong tanong. "Bakit nga?"
"Ikaw pa talaga lumapit sa lalaki na iyon. Baka nakakalimutan mo na nasa crowd ako, Andrea." Well, I know. "Buti na lang nakita ko na kay Nathalia pala siya maglalandi kundi talagang uuwi ako ng hindi ka kasama."
"Ang attitude. Bakit hindi mo ako iuuwi?" I asked.
"Baka lang naman kasi gusto mo na sa lalaking iyon eh..." Napatingin ako sa hawak niyang bulaklak. "Manghingi ka sa lalaki mo," sabi niya bago ako tinalikuran.
Walang susuyo sa'yo. Busy ako.
Marami pa ang mga nakipag-usap sa akin at nag-ooffer para sa pagpasok ko raw sa kompanya nila pero ni-isa ay wala akong tinggap. I will work hard for my shop, not for their company. Hindi ko iiwan ang mga tao ko.
Halos mag-mamadaling araw na tuluyang natapos ang diretso party na runway ng isang clothing line na nag-invite rin ng mga undiscovered designers. I'm so happy na isa ako sa napili. I won't be here if Amanda didn't help me to be here. She's my number 1 supporter, and I admire her for being down to Earth woman.
"Jowa, bagot nabagot na sa sasakyan niya hindi mo pa sinusuyo. Pinapauwi ko na ayaw naman ng gagong yon." Natawa ako sa sinabi ni Zeun. "Sa akin na sasabay sina Kesley at yong iba. Puntahan mo na."
"Thank you," I said. He just gave a mirthless laugh. "Gago, mauna na ako. Babye. I love you kait nadidiri ka na. Palibasa ma bebe ka na ayaw mo na sa akin, Zeun."
He chuckled. "Bebe mo muna unahin mo. Alam na nina tita, mukhang ipinagpaalam ka na ni Art eh."
Dumiretso na ako sa parking lot. Nakabukas ang pinto ng sasakyan ni Art habang nakaupo siya sa driver seat. Convertible car dala niya ngayon kaya kitang-kita siya kasi walang roof ang sasakyan. Nang maupo ako sa driver seat ay nakita ko na naglalaro siya kaya hinayaan ko muna siya.
Kinuha ko ang wipes sa bag ko saka ako nag-alis ng make-up. Hindi na kasi ako komportable kaya paunti-unti ko ng inaalis.
"Matagal pa ba iyan?" tanong ko. "Gusto ko ng maglinis ng katawan ko, Art. Gusto ko na matulog." Hmarap siya sa akin but he just sighed. "Magpapalit ako rito, bahala ka." Aalisin ko nasa ang blazer ko ng pigilan niya ang kamay ko.
iniabot niya sa akin ang pone niya kaya ako ang nagpatuloy ng game. Pindot ko lang ng pindot total wala naman talaga akong naiintindihan sa laro. This is not my thing.
Nang madeafeat lang naman ang laro ay sumulyap ako kay Art at nakangisi na siya. Nasa may labi niya ang hinlalaki niya habang nakasandal sa may bintanang part ang siko niya. Ang isang kamay niya ay nanatili sa manibela.
"Masaya ka na niyan?" tanong ko kaya bahagya siyang lumingon. "Art naman eh... pinahiirapan mo naman ako," nakanguso kong sabi.
"Wala akong ginagawa sayo, baby."
"Wala ka ngang ginagawa kaya nauurat ako sayo."
Nang makarating kami sa parking lot ng condo niya ay siya ang may dala ng bulaklak at bag ko. Nang makapasok na kami sa elevator ay lumayo ako sa kaniya.
Pagpasok namin sa unit niya ay binuksan ko ang ilaw. nang sandaling buksan ko siya ay may mga roses na nasa lapag na CONGRATULATION, BABY ang pagkakabuo. Napalingon ako sa kaniya kaya nakangiti siya habang naiiyak na ako.
Patakbo ako lumapit sa kaniya saka ko itinapon ang sarili ko sa kaniya. Buti na lang at hindi kami natumba. Yumakap ako sa leeg niya saka umiyak.
"Congratulation, baby. I love you."
"I love you too. Thank you, Art. I love you so muc, baby. Sa sobrang saya ko." Niluwagan ko ang yakap ko para matitigan ko siya sa mukha. "Let's take a bath together." He chuckled before he held my cheeks and kissed me gently.
"Ligo lang, baby?" he asked while grinning. "Maliligo pa ba?"
Tinampal ko siya sa braso kaya binuhat niya ako. "Ligo lang kasi," natatawang sabi ko.
He helped me to remove my gowns and wash my face. He also takes a bath with me but that's all, nothing happened. He dried my hair and we cuddle. I sleep easily because of so much exhaustion. I sleep with a smile on my lips. Little by little, I am stepping to achieve my success with the man I love.
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romance[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...