Kabanata 20
Boyfriend
Warning⚠️ (self-harm)
Hindi ko na nakausap pa ulit si Kie. Iba talaga kapag nakasanayan mo na na ang isang tao tapos bigla na lang mag-iiba. He's busy I know but how can he resist me? I don't know what's happening even about Tim. I need to talk to him.
"Kuya Nash, where is Tim?" I asked his brother. "I want to talk to him."
"He's in his room. Pasukin mo na lang pinsan mong yun, nababadtrip na ako. Nakakasawa rin, akala mo naman hindi nag-aalala mga tao sa kanya." Lalo akong nagtaka kaya ngumiti na lang ako kay kuya saka patakbo na umakyat.
Hindi na ako kumatok pa. Nakalock ito pero nakita ko ang mga susi na mukhang itinapon lang sa tabi. Dali-dali kong binuksan ang pinto at laking gulat ko sa nakita ko.
Why?
Nanginginig man ay lumapit ako sa kanya saka siya niyakap. "Tim, what are you doing?" umiiyak kong tanong. "Don't do this. I'm here, don't do this." Habang nakayakap sa kanya ay inagaw ko ang basag na baso na hawak niya. May dugo na rin sa papulsohan niya kaya kahit na grabe ang tulo ng luha ko at panghihina ay pinilit ko maging malakas.
He's crying.
"Ate! Kuya! Help!" sigaw ko saka lumapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang sugat niya.
Kagat-kagat ko ang labi ko. Ang bigat sa pakiramdam. Yung akala mo malakas, na parang kaya lahat tapos makikita mo na gusto na rin pala isuko ang lahat nakakapanghina.
"What's the matter? You can tell me anything, huwag lang ganito." I heard him sob. "Andito ako oh. Huwag mo uulitin, Tim. Sabi mo poprotektahan mo ako. You're hurting me," I said while hugging him.
"I'm tired," he almost whispered.
"If you're tired please... you can rest just don't give up your life. Mahal kita, kung may problema ka, tell me. Makikinig ako, Tim."
"Oh my gosh!" tarantang sigaw ni ate Kris. "Nash!" Lumapit si ate saka ako tinulungan itayo si Tim. "Tim, oh my gosh! Andrea, t-tawagin mo si N-Nash please..."
I let go of Tim's hand. Tumakbo ako pababa saka hinanap si kuya Nash.
"K-kuya," tanging sambit ko ng makita ko na umiinom siya ng wine. Napatingin siya sa kamay ko at nangunot ang noo niya saka napatayo. "Si T-Tim." Hindi ko na nasabi pa ang sasabihin ko ng tumakbo siya. Nang makita ko ang susi ng sasakyan ay lumabas na ako at ako na mismo naglabas ng sasakyan.
Pasan ni kuya si Tim, lumipat ako sa passenger seat at si kuya sa driver seat. Nasa likod sina ate at Tim. Tinatawagan na ni ate sina tita pero hindi pa rin ito sumasagot. Halos paliparin na ni kuya ang sasakyan sa sobrang bilis. Wala akong ibang maramdaman kundi pamamanhid. Wala akong lakas, umiyak lang ang kaya ko.
Panay lingon ko pero kahit anong bilis ng sasakyan ay siyang tagal na ng oras para sa akin. Isa lang ang ipinasasalamat ko na hindi traffic.
Dali-dali inasikaso si Tim ng mga doctor. Yakap-yakap ko ang sarili ko habang nakatulala sa pinto kung saan ipinasok si Tim. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ko ang mga daliri ko na may bakas pa rin ng dugo.
Nang maramdaman ko na may naglapag ng jacket sa akin ay napaangat ako ng tingin at si Kie ang kaagad na nakita ko kaya napayakap ako sa kanya. Iyak ako ng iyak kaya naman pinilit niyang patahanin ako.
"Si Tim. Bakit naging ganoon? May alam ka ba problema niya, Kie?" Umiwas ito ng tingin na ikinabahala ko. "Kie? May alam ka ba?" Tila isang mahika na tumigil ang pagtulo ng mga luha ko. "What!"

BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romansa[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...