XLIX TALK WITH THE PARENTS

125 6 0
                                    

Kabanata 49

Talk with the parents

"Seryoso nga, Zeun. Ano may sinabi ka?" tanong ko sa kaniya habang kausap ko siya sa phone.

[Wala nga sabi. Ang kulit mo. Wala akong sinabi. Bakit ba ano bang meron?]

"Nagising ako na may singsing na ng daliri galing sa kaniya. And! Sa kaniya talaga kasi sabi niya. Kung hindi niya alam sana wala akong singsing, right."

[It's not my problem anymore. Basta ako wala akong sinabi. Do what you what. I don't wanna deal with you. Nakakahiya like gusto ko na lang din lamunin ako ng lupa kagabi. Bye, antok pa ako. May date pa kami ni Kesley mamaya kaya babosh!]

Pabagsak ko inilapag sa kama ang phone ko. Ba't ba kasi ako naglasing ako? Bakit ba kasi ang gaga ko? Nakakab'wiset din talaga kung minsan.

"Andrea, nagtext si mama. Sa inyo raw tayo mamaya." Napasabunot na lang ako sa buhok. "Andrea? Baby?"

"Narinig ko!" sigaw ko pabalik.

Nag-ayos ako sa kuwarto. Kinausap ko si Asher. Sinabi ko lahat ng plano dahil nakausap ko na rin si Art sa mga gusto ko mangyari. Nakadiscount na ako kasi wow Engineer ang bestfriend ko and Architect ang fiance ko. Saan ka pa?

"Mauna ka na sa inyo. Susunduin ka raw ng kuya mo. Uuwi muna ako saglit sa amin. Susunod ako," sabi ni Art habang nagluluto siya ng lunch.

I know how to cook but I want him to cook. Nang hindi naman ako magsisisi na papakasalan ko siya. It's a joke.

Sinundo nga ako ni kuya. Namiss ko ang k'warto ko kaya inayos ko ang mga gamit sa k'warto ko. I also tried to sketch again some designs of gowns. Nakahiligan ko na talaga na kapag wala akong ginagawa ay nagisketch ako. Ayoko rin panay scroll sa social media when it comes on designs kasi baka makagawa lang ako ng inspired sa ibang design. Mas okay na wala akong nakikita to improve myself all by myself. Sa mga runway lang talaga ako mahilig manood, and they are my inspiration to continue kasi balang araw ako naman, ako naman ang magmamay-ari ng spotlight.

"Kakain na raw, Andrea."

"Susunod na lang po ako, manang. Thank you po."

"Nasa baba po pala si Zeun. Talk with the family daw kasi kaya nandito siya." Napailing na lang ako. "Sumunod ka na lang kaagad." I nodded.

Inayos ko lang ang table ko kaya't bumaba na rin ako. Nakakikipagchikahan na si Zeun kina mommy at ate Melissa. Nang maupo na ako katabi ni Zeun ay saka lang siya tumigil.

Magsasandok na sana ako ng biglang hampasin ni Zeun ng table napkin ang kamay ko. "Hinihintay pa natin si Art, nagpapark lang sa labas. Baka naman salubungin mo. Pwede yun, Andrea." Padabog ako tumayo. "Bumalik ka kaagad. Nakakagutom, huwag magstay ng matagal sa labas."

"Mommy oh." Turo ko kay Zeun.

"Lalamig ang pagkain, Andrea. Pakibilisan." Natawa sina kuya at daddy kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Don't give us looks like that. Bilis na."

Art gives a peak of a kiss before we enter our house. Dumiretso rin kaagad kami kumain kasi nagrereklamo na ang tunay na anak na gutom na raw siya. Ang kapal ng mukga ni Zeun kahit kailan, wala na siyang hiya.

"We decided to pursue our wedding in December. I know that you have a plan too so I think we should pursue the date we want for our wedding then next na kayo," sabi ni kuya dahilan para mabilaukan ako. "Ikaw Zeun, kailan naman sayo?" sunod niyang tanong.

"Pagkatapos ni Andrea kapag nasa tabi ko pa," sabi ni Zeun.

"Magbibreak pa kayo," sabat ko.

"Ang pangit mo na nga, ang pangit mo pa kabonding." Tinarayan ko siya pero ginaya niya lang ako. "Hindi ka oobra sa akin."

"Kapal, baka ikaw. Zeun, ako lang ito."

"Ano pa ba aasahan ko sa dalawa ito," natatawang sabi ni Daddy. "Continue your foods, kids." Parang napantig kami sa tawag ni daddy sa amin.

"We're not kids anymore!" sabay namin sigaw ni Zeun.

"You're still a kid for me. Now ear it, then we'll go outside, we'll ear ice cream."

"Really?" sabay namin tanong ni Zeun.

"Gaya-gaya ka," sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Duh! Ikaw kaya."

"That's what a kids do," sabi ni daddy. "So this year sina Rashim, next year sina Andrea, and next naman sina Zeun. That's all."

I thought daddy is joking but he is not. Lumabas nga kami at pumunta sa isang ice cream parlor. Naglakad na lang kami papalabas subdivision namin. Isinama ko na rin si Tim buti auy nakasalubong namin siya. Nakayakap ako kay Tim habang naglalakad kaya naman pinahihilahan namin ni Zeun si Tim.

"What's wrong with you, guys? Damn! Masakit na ang braso ko, Zeun. Let me go, Andrea. Doon ka nga sa fiance mo. Zeun, isa!"

"Naku, hindi ko alam paano mo tinatagalan ang dalawang yan, Tim. Paano na lang noong high school pa lang sila?" tanong ni mommy.

"Tita, wala silang pinagbago. Lumalala pa ata."

Natawa ako sa pinaggagawa namin. Naglakad lang kami at para sa akin isa na iyon sa unforgettable moment ng buhay ko. Seeing them happy, that's what I dreamed how many times.

Akala ko tuluyang maghihiwalay ang mga magulang ko noon. Seeing them now, sobrang nag-improve talaga sila. They tried and they win. Love always win. When you really love someone it's okay to give a try. I'm not normalizing na patawarin lahat ng manloloko, pero if hindi sila nagkapatawaran wala sila sa sitwasyon na ito. Once a cheater always a cheater pero hindi isa doon si dad. He's once a cheater.

I love my dad but I don't want to marry a man like him. Hindi career ang iniingatan ko ngayon. I decided to live with Art because I want him to know more. How he'll be a husband? Paano siya mag-alaga? Ano ba ang mga kaya niyang gawin? Pero sa nakikita ko, I know he's different.

"What are you thinking?" Art asked. He hold my hand while we're walking. Sa kaniya na ako nakasabay. "Share naman, baby."

"Wala. Naisip ko lang."

"Na?" takang tanong niya.

"Wala, ang s'werte lang natin ng isa't-isa." Natawa ako ng matigil siya sa paglalakad at ginulo ang buhok ko.

"Yeah, I like that pero mas mas'werte ako sayo."

Hindi na ako nagsalita pa kasi alam ko na hindi naman na ito matatapos. Hawak niya ang isang kamay ko at masayang naglalakad. Art will always be the art of my life.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon