Epilogue
When I am abroad, I wanna fly to go back in the Philippines. All I want is to be with my family kahit alam ko na hindi ko na maibabalik pa ang dati. All I can do is to improve myself and let them see that I can do it too. Na may kaya rin akong gawin para sa sarili ko. Hindi lang dahil sa kaya kundi dahil mahal ko rin ang mga ginagawa ko.
"How's it?" I asked. "The donation is getting higher."
[Yeah, marami na rin natulungan. There are many volunteers who are helping now. Spend your day with family muna. I'll just ask them when we are able to meet again. I think they're planning to meet up again.]
I grab some bread and I put some mayonnaise on it while I am talking to Archie. "Okay, sabihin mo na lang ako sa update sa HUMILITY CARE ORGANIZATION."
[Okay. Pasabi kay Ayesha na next time na lang yung gift ko,] sabi niya na ikinatawa ko.
"Stop spoiling her. Pare-pareho kayo," sabi ko.
[As long as it's for your son and daughter, why not? I am their hot tito ninong. Sige na, pakikamusta na lang ako sa family mo. See you when I see you.]
Nang matapos ko ihanda ang sandwich at breakfast ng mga bata ay inayos ko na rin muna ang iilang gamit ko. I have a new secretary, and bago na rin ang building namin. Maayos na ang lahat at naging business partner ko na si Kesley. Zeun and her are now happily married too. Sumunod nga talaga sila after namin.
Sa tagal bumaba ng tatlo ay ako na mismo ang umakyat. Nadatnan ko sila na kumakain ng chocolate kaya nagdilim ang paningin ko. Kinuha ko ang stick bago ako pumasok ng tuluyan.
"What did I told you, Art?" I asked. Pare-pareho silang nagulat. Itinago pa ni Ayesha ang hawak niyang chocolate pero huli naman na, nakita ko naman na. "Alam mo ang kulit mo rin talaga eh noh? Luhod." Wala silang nagawa kundi ang lumuhod.
"Allen and Ayesha, what did I tell you?" I asked. "Tell me, dali."
"Don't eat too much chocolate," Allen said.
"Lalo na every morning and evening, mommy." Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, mommy." Tumayo siya kaagad at yumakap sa akin. "I'll behave na po. Si daddy kasi eh, it is his fault. He let me and kuya picked and eat the chocolates."
"Mauna na kayo sa baba. Mommy will teach daddy a lesson. Eat your breakfast, ihahatid kayo ni daddy sa school after, okay?"
"Okay."
"Alalayan mo kapatid mo, Allen. Susunod kami," sabi ko bago sila tuluyang bumaba.
Lumapit ako kay Art saka siya pinitik sa noo. Napahawak siya doon at napaaray.
"I'm sorry, I just can't resist them, baby." Alam ko pero kailangan. "You know, kapag tinitigan nila ako, wala na... ang rupok ko."
"Please... kayanin mo. Ayusin mo desisyon mo sa buhay, Art. Nanggigigil ako."
He chuckled. I looked up to calm myself.
"Panggigilan mo ako ako. Ayos lang basta ikaw." Sinamaan ko siya ng tingin dahil naglalandi na naman.
"May trabaho ako. Baka late na ako makauwi, okay lang?" I asked.
"As long na sa akin ka uuwi at safe ka, ayos lang. Sorry na ah," sabi niya sabay tayo at yakap sa akin. "Let's eat, baka malate ka pa. Sorry and I love you."
"Ewan ko sayo."
Nauna umalis sina Art. Tinawagan ko muna si Tim pero kasama raw siya sa tumutulong sa organization. We decided to make an organization to help people who are in need. We named it HUMILITY CARE ORGANIZATION. Sa tulong nilang lahat nabuo namin ito at hinahandle ni Archie. Halos every once a month kung magkasama-sama kami para magbigay ng tulong sa mapipili naming lugar. Sobrang sarap sa pakiramdam na kahit halos lahat na talaga kami may pamilya ngayon nagagawa pa naming makatulong. That's the spirit of love and humanity.
![](https://img.wattpad.com/cover/253832065-288-k322580.jpg)
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romance[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...