Kabanata 6
Hernandez's residence
Mas mauuna ko pang gawan ang ibang tao ng wedding gown kaysa sa sarili. Dream ko na ako mismo ang gagawa ng magiging wedding gown ko. Ako ang magdedesign sa naaayon na gusto ko. Kaso matagal pa darating yun kasi kahit naman halos lalaki ang nakakasama ko wala pa rin akong boyfriend.
Ang alam nila boyfriend ko si Kie, halos lahat yun ang iniisip kaya maraming nagtatanong kung kailan na ba ang kasal namin.
Sinasakyan na lang namin lahat ng sinasabi nila. Bahala sila mag-expect, sila rin naman ang masasaktan sa bandang huli. Me and Kie are not in a relationship and we will never be because I know our feeling are mutual, we treat each other like a siblings.
I don't want them to take that we're in a relationship but we decided to let them be. Wala naman kaming kailangan ipaliwanang pa sa kanila. Kahit nga mga magulang namin yun ang alam kasi umalis ako ng bansa na akala ng lahat ay boyfriend ko talaga si Kieran.
Anong magagawa ko? Iba-iba ang bersyon na kumakalat.
Bahay, shop, and gala lang ang naging routine ko sa araw-araw. Halos isang buwan na rin ang nakalipas at ngayon ready na ang lahat. Nasa harapan ko na ang gown na ginawa at pinaghirapan ko. Super nakaka-overwhelmed sa pakiramdam na makatapos ka talaga sa ginagawa mo. Yung parang sulit lahat ng pagod at puyat mo.
Tinulungan ako ni Kesley na ilagay sa box ang damit. Napaupo na lang ako sa couch at napapikit dahil sa pagod. "Anong oras na? I asked even my eyes is still close. I feel so tired but it feel so good too.
"3 pm po, Miss A."
"Pakitawagan si Arianne. Pakitanong kung ipapadeliver ko ba o kukunin niya?"
Narinig ko sila na magkausap pero syempre si Kesley lang ang naririnig ko. "Yes po. Sige po, salamat po." Dinig ko pa. "Miss A, kayo raw po magdeliver. Sa dati lang daw po na residence nila." Napamulat ako ng tingin kaya napa-atras ng bahagya si Kesley. "G-gusto niyo po ba samahan ko kayo?" nauutal niyang tanong.
"No. Dito ka na lang. Baka kasi matagalan or umuwi na lang ako after. Ba't naman kaya wala sa nabanggit? Are you sure na ako talaga, Kesley?"
"Yes, Miss. Yun po sabi niya eh, mukha ngang excited."
"First clients ko ito. Kailangan ko ayusin ang trabaho ko." Tumayo na ako saka ko kinuha ang bag ko. "Guys, thanks for today. Mauuna na ako, please pakiayos lahat bago kayo umalis."
Dahil sa maliit lang ito pahaba lang ang shop na ito. Buti na nga lang may pader dito na harang para sa unahan ang aming shop tapos dito sa kabila ang pagawaan.
Tinulungan ako ni Kesley na ipasok ang box sa kotse ko. "Ingat po, Miss. Magkape po muna kayo, baka maaksidente pa po kayo dahil sa kagagawan niyo eh."
"Ako ba inuutusan mo, Kesley?" I asked with a cold voice.
"H-hindi po. Nag-aalala lang ako." I chuckled. "Miss?" Kinabahan siya ah.
"Joke lang. Thank you for your concern but I'm fine. Ikaw na bahala rito." Tumango na lang siya ng tuluyan na akong makaalis.
Dire-diretso na ako sa pagdadrive. Hindi na ako pumunta pa sa kung saan. Baka lalo akong matagalan. When I arrived at their place its already past 4 in the afternoon. Nag-iisip pa ako ng script ko para ready ako na makita ang kung sino man sa kanila.
"Hija, ikaw ba yung magdedeliver ng gown ng anak ko?" The women asked sweetly. Tanging pag-ngiti at pagtango na lang ang nagawa ko. "Pasok ka, hija. Kanina pa naghihintay sayo si Arianne."
Parang wala lang nagbago pero syempre may nadagdag. Dati pa rin ito noong nakapunta ako rito. Ba't ko ba inaalala yung dati? Nakakatawa yun. Judgemental pa rin kaya sila rito? Akala mo hindi nila ako hinusgahan dati. Naaalala pa kaya nila?
Nang makarating kami sa living room ay pinaupo muna niya ako. "Juice or coffee?" she asked.
"Ow. Coffee na lang medyo wala na ako sa timpla mag-drive eh."
"Oh my gosh! Naku hija, masama yan. Baka maaksidente ka pa. Wait lang at ako na ang maghahanda, talent ko yun."
"Nakakahiya po."
"Ako nga dapat ang mahiya sayo eh." Kunot noo ko siyang tiningnan pero ngumiti lang siya. "Feel at home, hija." Naiilang man ay tumango na lang ako.
"Oh my gosh!" Napalingon ako kay Arianne na halos takbuhin na ang pagbaba sa hagdan. "You're here. Salamat talaga, sorry sa abala."
Oh my gosh! Mag-ina talaga sila.
"It's okay. Nga pala gusto mo ba isukat? Para naman sure na sure na kapag isinuot mo na sa kasal mo."
Sinamahan ko siya sa k'warto niya. Nang pumasok siya sa comfort room niya naiwan ako. Pinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng k'warto niya. It's clean. It's not like some other girls room sobrang nakaayos ang mga gamit niya.
Nang lumabas siya ay nakahawak siya sa may likuran niya. "Can you help me? Hindi ko maabot zipper eh." Kaagad ako lumapit sa kanya at isara ang zipper.
"You look stunning." Napalingon kami ng bumukas ang pinto at mommy niya ang bumungad. "Ay sorry po hindi ako nakapag-paalam," pagpapaumanhin ko kasi nakita ko ang tasa ng kape na dala niya.
Iniabot niya sa akin ang tasa ng kape bago lumapit sa anak niya. "Bagay na bagay sayo, hija. Hindi ko inakala na muuna pa ang bunso ko kasya sa panganay ko." I chuckled a bit.
Parang kuya ko lang. Hindi pa makapag-propose sa girlfriend kasi baka raw umayaw. Paano ba naman kasi model eh.
Dahil si tita lang naman ang nakaharap ko ay hindi naman ako nailang. It's actually our first meet kasi yung grandparents naman talaga ni Art noon ang hindi namin nakasundo.
Hindi na nila ako pinalis ng hindi nagdidinner. Kahit na gusto ko ng umalis nahihiya ako magpaalam. Ba't kaya ganoon, ang hirap talaga magpaalam lalo na kung uwing-uwi ka na. Yung kahit gusto mo na hindi mo alam kung paanong magpapaalam.
"Sana sa susunod makapunta ka pa rin dito," sabi ni tita. Bigla namang tumayo si Arianne at may kinuha sa isang cabinet.
"Here's the invitation, Andrea. Wala kang takas," sabi ni Arianne habang inaabot niya ang invitation sa akin. "Aasahan kita. Huwag kang mawawala, you can also drag some friends too."
"Sige po. Salamat po. Pasensya na kayo, kailangan ko na po talagang umuwi. Gabi na po, baka hinahanap na ako ng kuya ko."
"Sige, hija."
"Bye, Andrea. Huwag kang mawawala sa kasal ko ah." Nginitian ko na lang si Arianne.
Buti na lang at pumayag sila na huwag na nila akong ihatid sa labas. Pagkalabas ko ng gate ay madilim na nga talaga. Quarter to 7 na kasi, medyo antok na talaga ako.
Nag-inat-inat ako pero lalo ata akong hinikab. Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko para naman magising ako sa katotohanan na malayo pa ako sa amin.
Nang bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko ay napalingon ako sa kabila at nakita ko si Art na nakatayo at nakatingin sa akin. "Hi," sabi ko sabay kaway.
"I'll drive you home," sabi niya
"Hindi na kaya ko."
Naglakad siya papalapit sa akin. Medyo itinaas niya pa ang long sleeves niya kaya naman ang sexy niya. Inagaw niya sa akin ang remote ng sasakyan saka pumasok sa loob.
No choice. Umikot ako sa kabila saka sumakay. "Art, you don't need to do this. Tsaka paano ka uuwi?" I asked. Ngumuso siya sa likod kaya napatingin ako doon at nakita ko ang isang lalaking nasa 40's na ata.
"Susunod siya sa atin."
Wala na akong nagawa kasi hindi na niya ako hinayaan pa makapagsalita. Dahil sa antok ko mas pinili ko na lang ipikit ang mata ako at isinandal ang ulo ko sa gilid ng bintana.
Paanong ganito pa rin si Art sa akin kahit nakalipas na ang ilang taon? Parang wala lang. Parang dati lang noong bago kami magsimula. Cold yet protective.
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
عاطفيّة[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...
