XXXVI THE FAMOUS ARTIST

152 7 0
                                        

Kabanata 36

I'm still stuck in this traffic. Actually kanina pa ako nababadtrip. May usapan na naman kasi kami ulit ni Art na magkikita kami sa mall. I don't know what he want basta punta raw kami sa mall. I'm as of now, I'm still stuck in this traffic in the Philippines.

Kung ikakasal ako tapos ganito katraffic baka isipin ng groom ko at ng mga tao na nagbackout na ako. Kung ganito rin naman ang traffic aba hindi sa simbahan ang tuloy ko. My gosh! Stress ka na nga sa maraming bagay dadagdag pa ang traffic eh parang wala ng silbing mabuhay.

After 10000000 years ng makarating ako sa mall. Pagkarating ko sa parking area ay kaagad ko tinawagan si Art. Sa lahat ng taong kilala ko siya yung lalaking tamad na tamad magdala ng sasakyan kahit mayroon naman siya. Hinahayaan niya na magdrive ang girlfriend niya.

Nang makita ko siya sa mall ay bibili pala siya ng regalo sa kapatid niya si Arianne. Magbibirthday na raw kasi so I decided to buy a gift for her too. Nang makita ko ang isang poster ay parang bigla naman akong naexcite.

"Wow! May meet in greet pala rito si Cristian. Ang bongga niya na. Parang dati lang pavlog-vlog lang siya ng mga kalokohan ngayon may kabulohan na rin naman pala."

"Coz people and everything are changing, baby. Are you hungry? Let's eat?"

"Okay. I didn't eat breakfast so, yeah. I'm already starving to death." Para akong sinisirmunan ng tatay ko dahil hindi ako kumain ng maayos. Talagang dumiretso kami sa isang mini restaurant to grab our lunch. "Para kang tatay, Art." Pag-irap lamang ang natanggap ko sa kaniya.

"Daddy, paabot ng sauce." Nakita ko ang buntonghininga niya at pagtitimpi kaya naman pati pagtawa ko ay pinipigilan ko. "Dad, pati nga pala yung—"

"Isa pa, Andrea. Don't try me, I can kiss you right here,"l right now. Stop joking." Ngumisi ako pero wala na akong balak pa na ulitin. "Just eat."

Sa tagal namin sa pamimili ay inabot namin si Cristian. May padance and sing performance siya. Bitbit ni Art ang pinamili namin kaya sabi ko dalhin na muna niya sa sasakyan at hihintayin ko na lang siya makabalik. Para akong fan na pwede ng mamatay kasi nakita ko na idol ko. This is what we called fangirl life.

Nang matapos si Cristian ay sumunod ako sa kaniya. Kaso dinumog ulit ng tao kaya naitulak ako lalo papalapit sa kaniya. Malapit lang kasi ako sa may likuran niya.

"Andrea?" he asked. I just gave a smile. "I miss you," sabi niya saka ako niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya. Maraming tao at fans niya pa. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Baka magkabasher ako sa ginagawa niya.

"Girlfriend mo ba siya, luv?"

"Sino siya?"

"Ano mo siya?"

"Siya ba ang pinagkakaabalahan mo for this past few days?"

"Grabe nakakainggit na, nakakab'wiset."

"Sino ba yan? Ang kapal naman."

Napabitaw siya sa akin ng marinig niya ang mga usapan sa paligid. Rinig na rinig ko rin at mapanakit. Masyado sila judgemental to the point na parang gusto na nilang lamunin ako ng lupa.

"Stop making some fake news." May yumakap sa akin sa likuran ko kaya lumingon ako bahagya. "She's my girlfriend. And this guy." Turo niya kay Cristian. "He's just her classmate? Bestfriend? Whatever, I don't care."

Lalong nagbulungan ang mga tao. Hinila na ako ni Art papalabas at ganoon din si Cristian. Sumakay si Cristian sa sasakyan namin kaya dali-daling nagdrive paaalis si Art. Nasa backseat siya, gustohin ko man na samahan siya doon ay hindi papayag ang baby ko.

Dumiretso kami sa isang restaurant. Private iyon at by room talaga. Mas okay yun para hindi agaw atensyon si Cristian. Feeling celebrity na ang lalaking ito.

"Tanyag ka pala?" tanong ko. Napahinto siya sa pag-inom ng tubig. "Hindi ka pa super famous. Hindi ko nga alam na bulto ng tao na pala fans mo. Ano nagpapakita ka ba ng abs mo para dumami sila?"

"Alam mo gutom lang iyan. Ang sama-sama ng ugali mo. Dami na nga kumuha sa akin para lang maging endorser tapos ikaw para kang walang care."

"Of course! You care. I care, wala sayong nagki-career. Joke yun ah," sabi ko. "So kamusta naging buhay mo after ng junior high?" tanong ko habang hinihintay namin order namin.

"It's quite good. Of course hindi nawawala ang bad side ng story so dami ko rin pinagdaanan para marating ko kung ano man mayroon ako ngayon."

"Nag-aral ka?"

"No, but I live well. Tinapos ko ang senior highschool. I tried pursuing college pero hindi na kinakaya ng schedule ko. May kailangan na may piliin ako, so I turned down my education."

"It's okay. I know you tried. Nasa diskarte na lang talaga yan. Pero hindi ka ba nagsisi?" I asked. Naging tahimik lang din si Art. "Hindi ka ba nakaramdam ng pagsisisi at sinabi sa sarili na sana nag-aral na lang ako?"

"Oo. Nagsisisi ako. Pero yun lang naman ang dahilan para maiahon ko ang pagkakalugmok ng pamilya ko. My mother is a breast cancer survivor. Nakapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko. Nakakatulong ako sa pamilya. That's all what matters to me. Hindi naman natatapos ang pagdidiscover natin sa sarili natin at sa kung ano ang mga kaya nating gawin."

"Despite of everything, I'm so proud of you." I tapped his shoulder. "You did a great job. Wala ka bang plano na mag-aral ulit?"

"Nag-aaral na ulit ako. 3rd year, Entrep. Synchronous class, you know my schedule is more heavy this day. Pero kaya ko, kakayanon ko."

Nang dumating ang order namin ay kaagad na kaming nagsikainan. Minsan sumasabat na rin si Art sa usapan but he's too quiet all the time.

Bumisita siya sa shop namin. Nauna na rin umalis si Art ng tumawag na ang katrabaho niya to discuss something urgent. Cristian stayed at the shop because his driver will fetch him at my place.

"I didn't expect that you will end up him."

"Same here. Basta ang alam ko nangyari na lang. Hindi naman na super complicated but I know na malalagpasan na namin ano mang challenge sa buhay."

Despite everything I know, there will have things we can stop but we can also overcome them. Hindi man natin mapigil ang mga challenges sa buhay pero may chance naman tayong lahat na malampasan ito.

Isinisisi natin sa ibang tao, sa tadhana, at sa Diyos ang mga nangyayari sa atin pero tayo talaga ang may hawak ng lahat, tayo ang nagdedesisyon. Hindi ito para sa sarili natin kundi para sa mga mahal at minamahal natin.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon