Kabanata 4
W/ Hernandez Siblings
Some of my friends are helping me to have some clients. I also gave them some of my designs for gowns, and dresses. Wala pa akong mga tao kaya naman ako talaga mismo ang gumagawa ng gowns.
Nang nasa ibang bansa pa lang ako ay inutusan ko na sina Tim at Zeun para maghanap ng tao para sa akin so hindi na yun problema. Hindi ko pa naman kailangan ng napakaraming man power power sa business ko.
May place na rin akong nabili kung saan ako mag-istay. Kailangan na lang ilipat ang mga gamit at ayusin yun.
[Your Secretary will arrive today, Andrea. I gave her the address of your place, meet her there.]
"Yes po, daddy."
[Stop being annoying.]
"Yeah. Yeah. Yeah."
Nang babaan na niya ako ng phone ay kinuha ko na lang ang bag ko. Kanina pa ako naghanda kasi paalala na yun ni daddy Tim. Don't be late because you need to assist the boys who will deliver all machines that you need he said yesterday through text.
Nag-drive ako ng sasakyan na available sa bahay. Pagdating ko saktong pagdating naman ng mga machine na kailangan ko. Unti-unti lang pero sure dapat.
"Good morning, ma'am. I'm Kesley, your Secretary po."
"Hi. By the way, may sinabi ba si Tim? Or it's like argh you know he's acting like my daddy eh."
She smiled a bit.
"Nasa akin na po profile ng mga taong nahanap po nila na tutulong sa pagtatahi. And tulad po ng sinabi niyo, anim po ito. Tested and proven na raw po ni Mr. Dela Mesa itong mga ito."
"Paano naman kaya ni ni-test. Oh my gosh!"
"Ang dumi ng isip mo, ma'am."
Tiningnan ko siya with my gulat look habang nakaawang ang bibig ko. "Hey! What did you say? Wala naman akong sinabi ikaw ang nakapag-isip ng ganyan. Oh my gosh, Kelsey!"
"Wala, ma'am. Sabi po pala ni Sir Dela Mesa. May first client po kayo na kailangan imeet sa coffee shop na ito." Iniabot niya sa akin ang maliit na kaperaso ng papel. "Personal niyo raw po imeet para raw po sa gustong wedding gown."
Dahil sa maraming boy madali lang naipasok ang mga machine. Malinis na rin naman kasi ang paligid kaya mabilis lang ang trabaho. Isang palapag lang ito kaya naman madali lang. Sa harapan ang magiging shop at sa likod naman ito ang pagawaan. Dahil sa nagsisimula pa lang naman ako hindi ko pa kailangan ng maraming tao, at sobrang laking lugar.
"Okay. Ikaw na bahala rito. And iiiwan ko sayo ang spare key, please lang ayoko na tinatarantado ako. Close it around 3 pm."
"Okay po, ma'am."
"Just call me, Ms. A. Nakakaasiwa ang ma'am, hindi ako komportable."
"Sige po, Ms. A."
Sumakay na ako sa sasakyan saka nag-drive papunta sa coffee shop. I don't know who's my client by the way. Pinangungunahan na naman ako ni Zeun. Dala ko naman na ang sketch pad ko, may pagpipilian naman na siya at saka if ever wala at least makuha ko na kung ano ang gusto niya.
White and black checkered shorts and blazer and black spaghetti top under the blazer and mid-ankle boots black leather is my ootd. I brought my sling bag and sketch when I got inside the coffee shop.
Nakareserved na ang table sa amin kaya naman napadali ako. Since wala pa ang client ko at nag-scroll muna ako sa phone ko. Actually kaya ko naman na kaagad pumunta ng taas pero mas gusto ko magsimula sa sarili kong mga paa kaya naman mas minabuti ko na magtayo ng negosyo na ako mismo ang naghirap.
"Uhm, hi." Napalingon ako at kahit naman matagal na kaming hindi nagkita kilala ko sila. "Omg! Ikaw yan, Andrea?" she asked.
I smiled.
Seriously?
"How are you?" kuya Arjun asked. "Tagal din nating hindi nagkita."
"Oo nga eh." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Please, take a sit. Hindi ko ineexpect na kayo pala ang kikitain ko. Kasal mo ba, kuya?" tanong ko bago ako maupo.
"Actually no, itong si Arianne ang ikakasal."
"Talaga? Hindi nga?" gulat kong tanong.
"Yeah, nauna pa ako sa kanila. Bunso ata papuntang panganay eh, baliktad."
Marami kaming pinag-usapan habang pumipili si Arianne ng gown. Nang may mapili na siya ay talagang tinanong ko. Ang sweet naman ni kuya Arjun kasi talagang naghintay siya.
"So are you free today, Andrea?" Arianne asked after I finished the final design of her gown. "Sama ka sa amin, lunch tayo. Pretty please..."
Nagdadalawang isip pa sana ako kaso nahihiya naman akong tumanggi. Baka isipin nila na affected pa rin ako, na baka mag-isip sila ng kung anu-ano.
Oh my gosh! I cannot!
"Sure. Pero after lunch alis na ako ah. I need to prepare some things, pa eh."
Nakisabay na ako sa kanila dahil sa yun naman na ang gusto nila. Tsaka pinauwi ko na driver namin kasi mamaya si Kieran naman na ang susundo sa akin. I'll take a cab na lang after namin dito sa restaurant na napili niya.
Nauna na sila pumasok dahil nagpa-iwan ako. Tinawagan ko saglit si Kieran na sunduin na lang ako sa place ng boutique later. Since 12 pm na may time pa pala para makabalik ako doon.
Pagpasok ko sa restaurant at kaagad ko nakita ang dalawa pero tatlo na sila. Nakatalikod sa akin ang isa pang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha niya pero may tao na nasa isip ko at isinisigaw na ng isip ko na siya nga yan. Iba ngayon ang sitwasyon, walang alak ang katawan ko.
Kung umalis na lang kaya ako? Kaya lang ano na lang iisipin nila? Ay bahala na nga sasabihin ko na lang na may emergency.
Tatalikod na sana ako ng mapapikit na lang ako sa pagtawag ni Arianne. "Andrea, here." Napabuga na lang ako ng hangin saka inayos ang sling bag ko saka naglakad papalapit sa kanila.
I don't have a choice. I'll stay, I'm not affected anymore.
"Sorry, may tinawagan lang kasi ako." Naupo na lang ako sa bakanteng upuan saka tumingin sa bahagi ni Art saka nagwave ng kamay. "Hi."
He just nods at me.
When our order arrived we started to eat and try to get ourselves comfortable by conversation. Hindi masyado nagsalita si Art kaya naman ako na lang todo sagot sa tanong ng magkapatid.
"Thank you so much, guys. I really have fun. And I'll contact you if there is something I wanna ask with you, Arianne."
"Sure. Thank you talaga, Andrea sa pagpayag."
"My pleasure. Nga pala, thank you kuya Arjun ah. And uhm... nice to see you again, Art." Kumaway na ako sa kanila saka dali-dali akong naglakad palabas. As in nauna na ako at naghanap na kaagad ako ng masasakyang taxi.
What was that, Andrea!
Mukha akong natuod. Okay naman ako noong last time ah. Okay nga ba talaga ako noon? Kinakabahan lang talaga hindi ako inlove. Dahil ito sa kape. Nagpapalpitate lang ako.
BINABASA MO ANG
EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART II
Romance[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in Germany, and they didn't have contact with each other. Andrea becomes close to Kieran that's everyb...
