Kabanata 113

11.6K 569 200
                                    

Kabanata 113:
Congrats

Namumutla siya at bakas na bakas ang kaba sa mukha bago siya humakbang papasok muli sa cubicle. Kung hindi ako titig sa kanya ay hindi siya noon tutulak para gawin ang dapat. I am looking on my reflection in the mirror. Nakahalukipkip lang ako at hindi ko alam kung bakit maging ako ay kinakabahan na rin ngayon.

Ilang minuto ang lumipas at nagtaka ako ng matagalan siya roon sa loob.

"Ma'am Feronia?" I knock the door of the cubicle where she is.

I heard her heavy sigh. The door creaked open and I saw her dazed expression. Tulala at nanginginig ang mga kamay niya na inabot sa akin ang PT. Nahawakan ko agad iyon at mabilis siyang lumayo sa akin.

Tinuko niya ang mga kamay sa sink na para bang humahawak roon para hindi matumba. Hindi ko rin muna tinignan ang PT. I walk towards her and stop on her back.

"Kung buntis ka nga talaga, ayaw mo ba roon sa bata?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi sa ganoon Raiven." humugot siya ng malalim na hininga na para bang litong lito na ngayon.

"I d-don't know what to do if I am really pregnant. I didn't expect this to happen. Hindi mo maintindihan Raiven. Sobrang komplikado kasi." aniya at ginulo ng bahagya ang buhok. Then she walk back and forth.

"Why are you problematic about it, Ma'am? Matutuwa ang asawa mo kapag nalaman niyang buntis ka." I saw how her body stilled on that. Napahinto siya sa paglalakad. She become soaked pale. Doon pa lang may nahinuha na agad ako.

She closed her eyes and I gasped when she started sobbing. Napaupo siya.

"Kapag nalaman niya ito...." she trailed off when her voice cracked. Bumuntong hininga ako.

"I know your relationship with Acid." kumakati na ang dila kong sabihin iyon at hindi ko na napigilan ang sarili. This conversation won't lead to the main thing that we need to talk to right now if I won't spill it.

She suddenly stop crying on that. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin at namimilog ang mga mata niya.  Sunod sunod siyang napasinghap.

"Nahuli ko kayo, doon sa...." hindi ko magawang masabi ng buo dahil kapag sumasagi iyon sa isip ko, gusto ko na lang iumpog ang ulo para makalimutan na iyon.

Hindi ko naman kasi dapat iyon makita eh. But I accidentally saw it! Why are they even doing that thing in public!

"Y-You saw us?!" gulantang niyang sinabi at napatayo pa roon. Hinawakan ko agad ang braso niya para pigilan siya sa paggalaw.

"Yeah." maikli kong sagot at napahilig siya sa sink. Tumingin sa akin na hindi makapaniwala.

"K-Kung ganoon wala na pala akong matatago sayo." pinunasan niya ang mga luha sa mata.

"Do you want me to see the result now? You can't run on this Ma'am Feronia." bumalik ang takot sa mga mata niya.

We were embrace by the deafening silence for a few agonizing moment before she slowly nodded her head.

"You're right. Kailangan ko nang malaman ngayon ang resulta."

Tatlong PT ang hawak ko. Yumuko siya ng buksan ko ang kamay kung saan hawak iyon. Agad kong nakita iyong isa. I gasped and straightened my back when I see the result. Tinignan ko iyong pangalawa at pangatlo. Parehas lang ang resultang sinasabi.

Then I look up to her.

"W-What's the result?"

"You're pregnant." seryoso kong sinabi at pinakita sa kanya ang PT.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon