Kabanata 187:
Sibling"Raiven don't be so stubborn. Ihahatid kita!" giit ni Jaydiel. He chase me when I walk out. Isang metro na lang sana ang layo ko mula sa motorsiklo ng mabilis na nahawakan niya ang braso ko. Hinarap ako sa kanya.
Napasinghap ako at agad na ginapangan ng kaba nang maalala ko ang paghahaklit niya sa akin noong nakaraan. Iyong marahas na hila at mariin niyang hawak. Mabilis nga lang akong nakabawi nang hindi naman ganoon ang naging hawak niya sa akin.
I don't know if his conscience bugged him last time because after I walked out from him on the gym, I saw the ointment he left for my arm when I went there the next day. Iniwan niya pero hindi siya humingi ng tawad sa akin.
And I don't want to demand an apology from him.
I look at him with my sharp eyes.
"At kapag hindi ako pumayag anong gagawin mo? Mananakit ka ng iba para puwersahin na pauwiin ako?" saad ko. Nakita kong agad na nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Dumilim ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"I'll drive you home."
Hindi ko inaasahan ang seryoso niyang tinig. Hindi pinapatulan ang panghahamon ko.
I can't understand myself. I don't want what he did to me last time, and I am here even provoking him.
Kung mauulit rin naman iyon, hinding hindi ko na siya hahayaan. I'll really defend myself to him physically. Lalo na at malaya akong gawin iyon ngayon dahil wala siyang mapapanakot sa akin na sasaktan niyang ibang tao.
"Ayoko. I bring my motorbike---" tanggi ko. Hindi pa rin talaga nalilimutan ang nagawa niya kaya hindi ko maatim na sumama sa kanya ngayon.
"I'll ask my friend to drive that damn motorbike and he'll tail with us! Kung iyan ang inaalala mo." mariin niyang saad. I only laugh sarcastically on him. Kung ano man ang gawin niya ngayon, hindi na ako natatakot.
Hell, even this place is his territory, I don't give a damn. Pakialam ko kung narito ang mga kaibigan niya at halos lahat ng tao rito ay kakilala niya!
"Who are you to decide about me? Hindi ba sinabi ko na sayo na bumalik ka roon at---" mabilis niyang pinutol ang akma kong sasabihin.
"Are you jealous?" ako naman ngayon ang nagsalubong ang kilay sa kanya. Halos matawa pa roon.
"I am disgusted. That's the correct word, Jaydiel!" giit ko. Halos mairita pa sa paratang niya sa akin.
His gaze remained on me. Like he's not convinced about what I said. And I was stunned. I feel like I had a glimpse of the playful Jaydiel for a few seconds. Bahagyang nanikip ang dibdib ko sa dumaan sa isip.
Pumikit ako ng mariin at mabilis na bumalik sa wisyo.
"I don't care if you fuck any girls you want! I just need to do something, so just let me!" I said, raising my tone a bit. Sinubukan ko muling bawiin ang kamay pero hinigpitan niya ang hawak niya roon. Napasinghap ako.
"Don't start with me, Raiven. Ako dapat ang nagrereklamo rito!" tumaas na rin ang tinig niya. My irritation is also starting to heat up.
"What? Ano namang irereklamo mo?" halos mapamaang ako. At siya pa ang may ganang magreklamo ngayon! Bakit, ano na namang nagawa ko?!
"You're always with your friends. Bakit lagi kayong magkasama huh?" humigpit lalo ang hawak niya sa braso ko na halos hindi ko na pagtuonan ng pansin ang tanong niya.
I won't let him dominate me again, so I use my other hand to push him forcedly. Nakita ko kung paano siya nagulat sa nagawa ko. Nakailang hakbang siya sa pag-atras at nang mabitawan ako, mabilis na akong tumalikod. Halos nilakad takbo ko ang distansiya sa motor hindi kalayuan na mabilis kong sinakyan dahil agad siyang nakasunod.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?