Kabanata 193

10.2K 410 212
                                    

Happy 2022! Sorry di natin nakasama ang Last Section sa pag end ng year. Pero malapit na malapit na muli silang magbalik. ;)

Kabanata 193:
Ring

Muntik ko nang mabasag lahat ng mga display na narito sa kuwarto nang nagmartsa papalabas si Jaydiel. Nag-uumapaw na naman ako sa galit. Napapikit ako ng mariin habang hilot ang sentido.

Akala niya ba kakain muli ako pagkatapos ng ginawa niya? Of course not! Ilang araw na akong naghihintay ng tamang pagkakataon para tumakas at mukhang ito na iyon! Hindi ko na mapapalagpas pa ang ginawa ni Jaydiel!

Kahit na hindi niya literal na pinatay ang kasambahay, hindi pa rin ako mapapakali sa ginawa niya! Kakaisip at kakabagabag ng guilt sa akin at konsensiya. Na pinahamak ko ang kasambahay sa kagustuhan na tumakas. Siguradong hindi ako papatulugin sa sobrang pag-iisip!

Umungot ang pinto at pumasok ang isang panibagong kasambahay para palitan ang natapon na namang pagkain. Bagong tray na may kaparehas na pagkain at putahe. Before the guard, closed the door I quickly glance on it. Binibilang kung ilan ang bantay na nasa labas pero dahil kakaunti lang ang siwang sa pinto ay hindi ko buo na makita at makompirma kung ilan nga ba sila.

"Ma'am, ito na po ang pagkain n-niyo. Mahigpit pong u-utos n----" hindi na natapos ng kasambahay ang sasabihin ng marahas na mapasinghap. Mabilis kong dinampot ang tinidor sa tray at tinapat sa leeg niya.

Nanlaki ang mata niya na agad napuno ng takot sa ginawa ko.

"M-Ma'am?" singhap niya. She immediately turned pale. Nakokonsensiya pa ako na gawin ito pero kailangan. Hindi ko na masikmura pa na magtagal rito sa loob ng kuwarto. Nagpalipas lamang ako ng ilang araw para ihanda ang sarili sa pagtakas. I want a smooth exit here.

"Pasensiya ka na. Hindi kita sasaktan. Sabihin mo lang sa akin kung ilan ang bantay na nasa labas." utos ko. I noticed that she's starting to tremble.

I look at her.

"A-Apat lang po s-silang n-nasa labas." I can't almost understand her because she's stammering in so much nervousness.

Apat? Kung ganoon lang pala kakaunti ang bilang ng nasa labas, kaya kong patumbahin iyon sa loob lamang ng ilang minuto.

"Salamat. Pasensiya ka na talaga." sabi ko bago hampasin ang batok niya. Sinalo ko ang tray pati na rin ang katawan niya na agad nawalan ng malay.

I look at the door. Nilapag ko ang tray sa side table at hiniga ang kasambahay sa kama. Kinumutan ko siya hanggang sa leeg at ginulo ang buhok niya para hindi agad siya makilala. Pagkatapos ay lumapit ako sa pinto.

Kumatok ako. Kagaya ng inaasahan. Bumukas iyon. Nagpakita sa akin ang isang lalaki. Agad ko siyang winasikan ng kalamansi na nasa pagkain ko. Bago pa siya dumaing ay sinipa ko ang dibdib niya at hinatak ang suot niyang shirt papasok sa kuwarto at hinampas ang leeg niya. He fell on the ground, unconscious. Mabilis na naalarma pa ang natitirang tatlong bantay roon.

Hinayaan ko silang pumasok sa kuwarto at pagkatapos ay sinara ang pinto. Lumapit sa akin ang dalawa, I used the tray for my defense. Sinubukang hulihin ng isa ang braso ko. Mabilis ang pagkilos ko na hindi niya nagawang hawakan iyon.

Sinipa ko siya sa gitna ng mga hita niya. He cried in pain and I immediately hit him with the tray. Natumba siya sa sahig. Sumunod ang dalawa, sinuntok ko ang isa sa mukha at nauntog pa sa pader. Habang ang isa ay nasipa ko sa tagiliran. I snatch the gun from one of the guard when he was about to scream to ask for comrades. Pinalo ko sa ulo niya dahilan para hindi niya matuloy ang akmang gagawin.

Ganoon din ang ginawa ko sa pangalawa. After five minutes, they are all laying in the floor unconscious. I wipe the sweats in my forehead. Bahagya pang hinihingal. Binuhat ko silang lahat papasok sa banyo at tinalian ang mga kamay. Sinara ko ang pinto pagkatapos.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon