Kabanata 141:
Girlfriend"Kumain ka na ba? Doon na lang rin tayo sa resort kumain."
Nakahilig ang likod ko sa backrest ng passenger seat. Ang tingin ay nasa labas ng bintana ng kotse. Tinitignan ko ang tanawin na nasa labas. Nakabukas ang bintana ng kotse at hinahayaan ko ang malamig na hangin na haplusin ang mukha ko.
Marahan na sumasayaw ang ilang hibla ng buhok ko kasabay ng hangin. I take a deep breathe. Kulang ako sa tulog kagabi pero hindi ako naantok. Hindi maalis sa isip ko iyong mga salita na sinabi ni Kuwai kagabi.
That he's sorry and he regret treating me that way. Bakit siya nagsisisi? Tama lang naman na tratuhin nila ako ng ganoon dahil sa kahit saang anggulo, mali ako dahil tinago ko sa kanila ang katotohanan.
Kahit na sinabi kong kahit kailan ay hindi ako nagpanggap sa kanila, maiintindihan ko na iisipin nilang nagsisinungaling ako dahil sa ibang tao pa nila nalaman ang katotohanan.
But I admit too that I am so sad and hurt when they all ignored and give me a cold treatment after they found out about it. Sinabi ko sa kanila na hindi ko naman sinasadya na itago sa kanila ang lahat dahil natatakot rin ako na baka talikuran nila ako kung malaman nilang may rason kung bakit ako nasa Olavarrio.
Na inimbestigahan ko sila isa-isa.
Pero kung iisipin, naipaliwanag ko ba sa kanila ang lahat ng mabuti? Naipaliwanag ko ba lahat ng dapat kong sabihin sa side ko?
Pagkatapos nilang malaman ang lahat, hindi na ako nakakuha pa ng pagkakataon para ipaliwanag sa kanila ng lubos kong bakit ko nagawang ilihim sa kanila iyon. Napagtanto ko na hindi pa talaga kami nakakapag-usap lahat lahat tungkol sa isyu na iyon ng mabuti dahil nagkatampohan na at inignora na ang isa't-isa.
And hearing that Kuwai regret it makes me wonder if the other last section also feel the same way. Sa kanilang lahat sa tingin ko si Acid ang pinaka cold at hindi matatanggap ang nangyari at sumunod si Kuwai, pero alam kong sa kanilang lahat si Kuwai iyong hindi maganda kapag nagalit.
So I can't really believe that he said his apology to me last night. Sa pagkakaalam ko, siya iyong hindi ganoong kadaling magpakumbaba at hihingi ng tawad. I can't absorb what he just said that my mind is pre-occupied now.
Buong magdamag yata na binabagabag ang isip ko tungkol roon.
"Matagal pa ang shift ni Leron ngayon sa resto kaya kung gusto mo, magpahinga ka na lang sa salon o maglibot sa resort para naman mapahinga mo ang isip mo. Hindi naman tatakbo sa atin si Leron."
Lumulutang ang isip ko kaya hindi ko na masyado pang mapagtuonan ng pansin ang tanawin sa labas.
"Raiven? Nakikinig ka ba?"
Nakatuko ang isa kong siko sa bintana sa gilid ko at nakatunghay roon sa labas. Nasa tabi ng isang tulay ang sasakyan kaya sa likod ng sementadong na barindilya ay makikita ang kumikinang na tubig. Hindi ako nasilaw na titigan iyon, gusto ko munang ipansantabi ang iniisip.
I wanted to have my peace of mind pero hindi ko mapigilan ang isip na maglakbay pa ng maglakbay. Iniisip ko kung anong ginagawa ng lahat ng last section ngayon na wala ako sa Ilo-Ilo at narito sa Laguna.
I wonder if they taking the class seriously? Siguro naman oo, kasi seryoso naman sila habang iniignora ako noon sa likod at si Helix lamang ang kumakausap sa akin.
I suddenly feel a pinch in my heart.
Siguro hindi ako nagdalawang isip at nag-alinlangan na magtungo rito ay dahil gusto ko ring magpakalayo-layo muna sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Dla nastolatkówWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?