Kabanata 161

13.6K 519 220
                                    

Kabanata 161:
Spill

"Don't drink too much please." saad ni Kuwai sa tabi. Natigil tuloy ako sa pagsimsim ng champagne na nasa babasaging baso.

Napalingon ako sa kanya. This is even the first glass that I hold after the party started and he's already saying this to me.

"You're over reacting, sumisimsim pa lang ako sa unang baso." sabi ko at pinakita sa kanya na halos hindi ko pa nga iyon nababawasan. Kaunti pa lang ang nalalasahan ko pero bahagya akong napangiwi nang gumuhit agad ang pait noon sa lalamunan ko.

"Pinapaaalala ko lang agad. I don't want to have a sleepless nights again when I take care of you after you got drunk on the team bui----" mabuti na lang pala at nilayo ko na agad ang baso sa labi ko dahil kung hindi baka nasamid na ako sa narinig mula kay Kuwai.

Nalaglag ang panga ko.

"Huwag mo nang ipaalala!" agad na nagliyab ang pisngi ko nang maalala ang kahihiyan na nagawa sa kanya noong malasing ako sa team building. Matagal ko nang binaon ang kahihiyan na iyon at ngayon pinapaalala niya na naman!

I look at him with my sharp eyes. He chuckled.

"But I am serious. Until now I had a little trauma on what happened. Huwag mo nang uulitin iyon." aniya sa akin at kinuha ang champage sa kamay ko.

"Talagang hindi! Ayoko na ring maulit iyon!" sabi ko. Akala ko iinumin niya ang champagne ko pero hinaluan niya iyon ng juice. Natigilan ako. Sobrang pait noong lasa ng champagne, hindi na dapat ako nagtaka dahil puro iyon.

"Pero ayos lang naman pala kung sakaling malasing ka, the housemaids will take care----" hindi ko na siya hinayaan pang makatapos pa muli at pinutol na agad.

"Don't fool me!" giit ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"I am saying the truth. Bakit sa tingin mo nagsisinungaling ako?" aniya sa akin. Tunog nanunuya!

Umismid ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan iyong insidenteng nangyari. He admit that he's the one who change my clothes and he sincerely said that the lights was off when he did it! I am not doubting him. Pero ano bang alam ko dahil wala naman akong malay noong mangyari iyon?

Panatag rin naman ako na wala talaga siyang gagawin sa akin na ikakagalit ko. He won't never offend me, pero ayoko nang maulit pa muli iyon.

"You're lying." saad ko. He play the glass of my champagne in his hands.

"I am not a pervert." saad niya sa akin.

"I know." he wrinkled his forehead.

"Then---"

"But you're still a man, so..." sabi ko at nagkibit balikat. I steal my champagne on his hands. I sipped on it again, hindi na napangiwi nang lumunok at dumaan sa lalamunan ko iyon. Hindi na ganoong mapait at may tamis pa nga akong nalasahan dahil sa nakahalo ng juice.

"Don't you trust me? I wouldn't do anything you didn't permit me to do." saad ni Kuwai ngayon. Seryoso at nakatitig sa akin.

"I wouldn't even dare to do that Raiven." saad niya muli. Naniniwala naman ako roon pero dahil hiyang hiya ako doon sa huli, sa tingin ko kapag nangyari ulit iyon ay wala na akong mukha pa na ihaharap sa kanya.

"I just don't want to feel embarassed again if it will happened for the second time."

"Why would you get embarassed on it? Boyfriend mo lang ang makakaalam." ngumisi siya at tinaliman ko siya lalo ng tingin.

"Suki na ako ng kahihiyan sayo, don't even wish to add more on it." I said and groaned. Tumawa siya at hindi na ako pinuna pa nang maubos ang isang baso ng champagne. Hindi ko na nalasahan muli ang pait noon dahil sa hinalong juice ni Kuwai.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon