Kabanata 134

12.1K 558 187
                                    

Kabanata 134:
Lumayo

Kung alam mo lang na ganito ang mangyayari simula pa lang, hindi ko na kailanman pa susubukan na umapak sa paaralan na iyon. They are gentle and kind, that's what they show at first, but that was all fake. The truth is they are all a demon who's hiding behind their mask.

I thought I will find bliss on meeting them but they make my life miserable and devastating. I can't believe I was deceived and betrayed by the persons, I trust the most.

Kumunot ang noo ko sa mga unang talata ng liham. Napansin ko na ang tinta ng ballpen rito ay bahagyang matingkad at makapal kumpara sa mga susunod. Para bang sobrang riin ng pagkakasulat ng bawat letra. Unang pangungusap pa lang ay naramdaman ko na agad ang lungkot at poot ni Porsia, na parang binuhos niya ng lubos lahat ng hinanakit sa sulat na ito.

Mas lalo lamang lumakas ang tahip ng puso ko at bahagya pang kinabahan sa mga maari kong malaman sa mga susunod.

Tinuring ko silang kaibigan, naging malapit ako sa kanilang lahat at kahit kailan, hindi ko naisip na magagawa nilang gawin ang bagay na iyon. Hindi masusukat ng salitang poot at hinanakit ang emosyon na nasa dibdib ko.

Sobrang sakit. Hindi ko matanggap ng lubusan.

Niloko ako nilang lahat! They are all a demon! Hindi ko na dapat pa binigay ang tiwala ko simula pa lang noong una. Ang mga ngiti, malasakit at pag-aalala nila ay isa lamang pagpapanggap at daan para kuhanin ang loob ko. Hindi lamang nila ako winasak, kundi dinurog nila ako ng sobra sobra na wala ng natira pang kung ano sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga dahil doon ko lamang napansin na bumibigat na pala ang paghinga ko sa bawat salita na nabasa. I am holding my breath because I suddenly feel like I am Porsia who wrote this letter who was fuming mad.

Ramdam na ramdam ko ang galit niya.

Nagtataka ako. Hindi ito ang inaasahan kong klase ng liham na mababasa. Akala ko ay ang bawat salita na nakalathala rito ay para sa Tatay ni Pierce, pero puro poot at hinanakit ang kinuwento niya na nagpagulo sa isip ko at nagpakuryuso rin sa akin.

Why does she sounds so fuming mad here? At sino iyong nanloko sa kanya? Bakit sobra ang poot niyo sa mga iyon. Nagalit na ako noon, pero hindi ganitong sobra. Iyong galit ng sumulat nito ay para bang umabot na sa sukdulan.

Maliban sa galit ay may isa pa akong nahihimigan sa sulat, ang sakit na para bang dumating na rin sa sukdulan. Ang bigat sa dibdib ng bawat salita niya dahil ang hatid noon sa akin ay sakit. Halos hindi na ako makahinga.

Kinalma ko ang sarili at pinagpatuloy ang pagbabasa ng sulat. 

Nag-iisa lamang akong babae sa klase. May ilang, kaba at tensiyon sa unang araw dahil ako ang kakaiba sa kanilang lahat. Naglaho lamang iyon dahil iba sila sa inaakala ko. Tinanggap nila ako na hindi ginawa ng kahit sino. Lahat sila, tinanggap ako ng buong buo. I've been sad all my life and I find happiness again when I met the last section.

Her words feels deja vu. I can even feel a goosebumps in my nape when I heard the two last words.

Last section.

I find my home. I find my safe haven. Ang tanging dahilan lang naman kaya ako nagsisipag sa pag-aaral ay para makaahon sa kahirapan pero nang makilala ko silang lahat, mas lalo lamang akong ginanahan na gawin iyon. Ang daming masasayang ala-ala, tagpo at selebrasyon na nangyari kasama sa kanila. Wala na akong mahihiling pa. Komportable ako sa kanilang lahat at tinuring ko silang tunay na pamilya.

I treat them kindly and nice, but I think that's not enough for them to spare my life.

To stop... their plan.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon